Kabanata 12

40 6 2
                                    

Kabanata 12
...

"Shit, si Kulam 'yan?" Rinig kong bulungan ng mga lalaki sa likuran ko.

Naglalakad na kami patungo sa field dahil tapos na ang inspection.

"Oo."

"Weh? Ba't parang hindi..."

"Akala ko nga, eh."

"Sabi nila siya 'yan."

"Ano? Tinamaan kayo?"

Narinig ko silang nagtawanan at nag-asaran. Napabuntong-hininga na lang ako. Sobrang naiilang ako sa mga tingin ng mga tao. Para bang nakakita sila ng bagong tao. Kung nakafacemask siguro ako, I will feel less uneasy and awkward. I actually found comfort in it.

Nakalinya pa rin kami by squad habang naglalakad, nasa unahan namin ang platoon leader. Mayroong dalawang platoon ang bawat company, at may tatlong squads naman ang bawat platoon.

Dahil nasa hulihan ako sa linya namin ay nakasunod naman sa likuran ko ang tagaCharlie company na puro mga lalaki. Mas lalo akong nailang nang palingon-lingon din sa'kin ang ilang mga babaeng kaplatoon ko.

Nakarating na kami sa field at bumalik na ang lahat sa mga pwesto. Ang naunang company ay ang Alpha, kasunod ang Bravo, Charlie, Delta, at ang Draftsmen. Nakahanay kami pahalang.

"Hera!" Narinig ko na naman ang pagtawag ni Jackson sa'kin.

Napalingon ako sa kaliwa; nakita ko sina Ruch at Jackson na nakatingin sa'kin. Pero, iyong ibang kalinya rin nila ay napalingon sa'kin dahil sa boses ni Jackson.

"Hi raw sabi ni Ru-aray!" Binatukan ulit siya ni Ruch kaya hindi natuloy ang sinabi niya. "Ba't mapanakit ka?! Tinutulungan-"

"Ang ingay mo," salubong ang kilay na reklamo ni Ruch.

Nakapag-usap pa ang mga cadets dahil hindi pa nagsisimula ang formation. Nag-uusap pa kase sina Sir Magno at ang ilang officers. Ang ilang mga kasama ko naman ay nagrereklamo na sa init ng araw. Ang ilan naman ay parang isa akong palabas na pinapanood.

May mali ba sa'kin, maliban sa tingin nilang isa akong mangkukulam?

Umayos ng tindig ang lahat nang malakas na sumigaw si Sir Magno para matuon ang atensyon namin sa harapan.

Ilang oras din kaming nabilad sa araw. Harap dito, harap doon; tungtong sa kanan, tungtong sa kaliwa, tikas-pahinga, at kung anu-ano pang military drills and executions. Mabuti nga't kumain ako ng marami kanina, uminom din ako ng tubig; dahil kung hindi, baka gaya ng ibang cadets ay magcollapse din ako.

Pagkatapos kaming idinismiss ay agad sumilong ang mga estudyante sa lilim ng mga puno. Ang iba'y naupo sa mga benches. At dahil sa dami nila ay naubos nilang lahat ang mga benches na nasa gilid ng field; pati na ang paborito kong tambayan, at ang iyong pinakamalayong bench din.

Siguro, pupunta na lang akong gym. Naroon kase sa bleachers ang bag ko pati ang bag ng ibang cadets. Dahil nasa opposite side ako mula sa gym ay kailangan kong dumaan sa pathway patungong gym.

Mag-isa akong naglalakad sa pathway; at madadaanan ko pa ang mga benches na puno ng mga estudyanteng nagpapahinga. I actually dislike passing by with crowds capable of staring at you on the side. It's so awkward.

Ramdam ko ang titig ng mga estudyante sa gilid habang dumadaan ako. I just hope they will realize, their stares make me feel awkwardly nervous. Naalala ko naman ang facemask ko. Kinapa ko ito sa bulsa ko at dinukot. I even feel the eyes of the people watching me.

Mabilis kong sinuot ang facemask kahit na pinagpapawisan ang mukha ko buhat ng formation kanina. Natatanaw ko naman two benches away sina Ruch, Jackson, Gelo at ilan pa nilang kasama. Even them are looking at me. When will their stares end?

Gayuma (La Hermosa Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon