Kabanata 8
...The more I think of it, the more I want to give him the gift. Kailangan kong suklian ang tulong niya. Sa halos dalawang buwan ko na sa La Hermosa, unang beses na may tumulong sa akin.
Iisipin ko na lang mamaya kung paano ko ibibigay sa kanya ang headband. Dapat ibigay ko na agad sa kanya kapag makita ko siya. Pero iyong mag-isa lang siya. Parang ayoko na rin kaseng bumalik sa department nila dahil ang daming estudyante. Baka madamay pa siya sa panghuhusga ng mga tao dahil sa akin.
Nang uwian na ay hindi ko nakita si Ruch. Wala rin siya sa waiting shed o 'di kaya ay sa gilid ng kalsada para maghintay ng bus. Mag-isa akong nakatayo sa gilid ng kalsada. Marami na ring estudyante ang nagsisilabasan ng campus. Wala ni isa sa kanila ang kumausap o lumapit sa akin. Pero kadalasan sa kanila ay napapatingin sa akin at nagbubulungan. As usual.
Sanay na akong hindi palaging nagsasalita, pero ngayong halos araw-araw akong hindi nagsasalita sa school, namimiss ko ang panahong malaya akong nakikipag-usap sa mga kaibigan ko. My loneliness here in La Hermosa makes me miss my friends in Manila.
Some people like to stay in the Province more dahil mas mapayapa raw at hindi polluted ang hangin, pero for some reasons, parang baligtad ako sa kanila. What only makes me stay here is my mother. And what makes me feel calm are the views; the coastal road, and the rear field of the campus.
The reason why I prefer Manila more are the people I left there and the good memories. Because here in La Hermosa, I only have my mother. I feel like, my life is in Manila, not here. It's just difficult to live in a place where people don't want you living. And if I go somewhere else and heard this town's name, the memories I had will mostly be bad.
Natauhan ako mula sa pag-iisip nang may humintong motor sa harapan ko.
"Uwi ka na?" Tanong ni Ruch.
Napalunok ako. Bakit kinakausap na naman niya ako? I wouldn't get used to it.
"Oo," sinubukan ko talagang huwag mautal.
"Ayos. Sakay ka. Patungo akong Bay-ang." Sabi niya.
Ang Bay-ang ay ang kasunod na barangay sa amin. Mula rito sa PSU, kung pauwi ako, mas mauuna ang brgy ni Ruch. Maitum, Maputi, Espinosa, then Bay-ang. Hindi ko alam ano ang gagawin niya sa Bay-ang, Maitum naman ang brgy niya.
"H-Huwag na, magbabus ako." Nahihiya 'kong sabi. Tsaka, nakakailang ang tingin ng mga tao. Marami ang nakasaksi sa pag-uusap namin dahil nasa labas lamang kami ng campus, tapos uwian na.
Nagkamot siya ng ulo, "Mas makakatipid ka kung sasakay ka sa'kin."
Napanguso ako sa ilalim ng facemask. Parang naaawkwardan akong sumakay mag-isa sa motor niya. Ayoko ring maissue siya dahil sa akin. Hindi ba niya alam ang tsismis ng mga tao?
Napalingon ako sa kaliwa nang makarinig ako ng busina ng bus. Mas mabuting sasakay na lang ako ng bus. Naalala ko ang headband na ibibigay ko dapat kay Ruch.
"S-Sasakay nalang ako ng bus." Pagtanggi ko kay Ruch. Dali-dali akong pumara sa bus na ilang metro pa naman ang layo pero alam kong kita na ako ng driver.
Nakita kong napanguso si Ruch dahil sa ginawa ko. Mabilis ko namang binuksan ang bag ko at inilabas ang maliit na box. Dapat ibigay ko na 'to sa kanya ngayon. Baka hindi ko na siya mahagilap sa susunod.
Huminto na ang bus sa likuran ni Ruch. May distansya naman ang motor ni Ruch mula sa main road kaya hindi siya matatamaan ng bus.
Mabilis kong nilapitan si Ruch, kinuha ko ang kamay niya. Ramdam kong natigilan siya. Ipinatong ko sa kamay niya ang maliit na box.

BINABASA MO ANG
Gayuma (La Hermosa Series #1 )
RomanceLA HERMOSA SERIES #1 Gayuma? Akala nila ginayuma niya ako. Akala nila mangkukulam siya. Pero hindi... Sobrang ganda niya. Sobrang bait niya. At para nga'ng gayuma; ang katauhan niya'y nakahahalina. Nang makita nilang lahat ang tinatago niyang muk...