𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟕

4 2 0
                                    

Serendipity POV

TINAASAN ko ng kilay si Asha,she grimace.

"Mauna na talaga ako sa inyo, Seren. "

Pinulot nya na ang bag saka tinalikuran kami.

The nerve with her, heto ako at sinusubukang humingi ng tulong sa kanya na makaiwas kay Dreizon pero ang ending iiwanan nya ako kasama ang damuhong na ito.

"We have to talk about your boyfriend, Seren. " He uttered, as if it is something skeptical.

Umiling ako na tumayo na rin.
Sinukbit ko ang bag sa balikat at tinalikuran na rin sya.

Hinablot nya ang braso ko,agad ko namang winaksi ang kamay nya. "Don't meddle on us, Drei. I'm happy with him, so please. "

I sighed bago sya hinarap ng deretso. "Please, don't be selfish and leave us alone. "

Hindi nya ako tinantanan hanggang paglabas ko ng classroom.

"But how about, Tita and Tito. Ano ang sasabihin mo sa kanila tungkol kay——"

Inis ko syang hinarap. "Wanna know what they said. Well, they willingly told us that Rhyme and I are engaged. "

Huli na para bawiin kung ano man ang nasabi ko sa kanya. Padalos dalos ako masyado sa part na 'yon.
Gosh! Bakit kasi kahit anong tulak ang gawin ko ay hindi sya tumitigil?

I even told him that Rhyme is my boyfriend, pero sana naman ngayon na sinabi kong fiance ko na si Rhyme ay titigil na sya. Hopefully.

"I know, Tita Maggie and Tito Santi. Seren, we're only eighteen para payagan ka nilang ma-engaged. And heck, ironically sa isang pobre! "

Mariin akong napapikit, and tried to compose myself bago ako makagawa ng panibagong hakbang na pagsisihan ko. Well, kung pagsisihan ko nga'ng masapak sya. It would be a pleasure to smash his face, na talo pa 'ata ang enclyclopedia sa kapal.

"Well, sorry to dissapoint you. Engaged na kami, maniwala ka man o hindi. That doesn't change the fact! "

Tinalikuran ko na sya, at sa huling pagkakataon ay hindi na sya sumunod pa. Good.

Humugot ako ng malalim na buntong-hininga, habang pababa ng hagdan.

Naistorbo lang ang pag-iisip ko kung paano humihingi ng tawad kay Rhyme dahil ginawa ko na naman syang panakip-butas kay Dreizon.

Halos mabitawan ko na naman ang cellphone ko ng makitang si Rhyme ang tumatawag, naninibago pa rin ako at hindi masanay-sanay sa ganito.
Mas na-ri-realize ko na ngayon kung gaano ko sya na-mi-miss. Kahit nagkita lang kami no'ng nakaraang araw.

"Hello, Rhyme. "

Bungad ko habang ayon ang mga kulisap at nagwawala.

"Hi... " Halos mapatili ako ng marinig ang boses nya. My sexy baby, and his sexy voice. Darn!

"It's lunch so I wonder if which of those cafeteria here you were in. "

Kasalukuyan pa lang akong pababa ng building namin para pumunta sa cafeteria.

Wait, here?
Tama ba ang narinig ko, did he just said, here? Dito, bakit nasaan ba sya?

But I still want to confirm my hint. "What do you mean, Rhyme? "

Tulala ako, gustong i-process ng maigi pagkatapos marinig ang sagot nya.

"Kung ano man ang nasa-isip mo ngayon, Seren. Maaring tama ka. "

 𝐓𝐎 𝐋𝐀𝐒𝐓Where stories live. Discover now