KUMAIN na lang ako sa isang karenderya, kailangan kong magtipid dahil hindi naman laging nagpapadala si Mama. Si Kuya Jekoy naman ay nag-iipon para sa pag-aaral n'ya, nagbibigay rin naman s'ya sa akin pero ayokong bawasan ang perang pwede nyang idagdag sa ipon n'ya.
Wala naman akong ginagastusan, sina Tito ang nag-p-provide para sa school ko. Although s'ya lagi ang nagpipilit, ayokong isipin ni Herein na sinasamantala ko ang kabaitan ng Daddy nya.
Pagabi na ng mag-desisyon akong umuwi sa bahay nila Tito Elias. Hindi pa sila nakakauwi ni Tita Helen, kaming dalawa lang ulit ni Herein. Kailangan ko ng lakas ng loob para malampasan ang gabing ito.
"Hoy! "
I took a deep breath bago sya lingonin dahil wala talaga akong planong pansinin sya.Naglakad sya palapit sa akin, masama ang tingin n'ya ng higitin ako sa braso. "Where have you been? "
"D'yan lang. "
"Tell me where is 'd'yan lang', specifically! "She demanded.
" 100 nautical miles, east. Town plaza. "Barumbadong tugon kong naka-ngisi sa kanya. " Are you kidding me? "Naka-arko ang kilay nyang tanong, " why, ain't it obvious ? "
Balik kong tanong. Parang tanga! Kailan ba ako bumyahe papuntang plaza na naka-barko, sira-ulo amp!Dumiin ang hawak nya sa braso ko, ramdam ko ang pagbaon ng mahahaba nyang kuko. "Learn how to respect me, b*tch! Huwag mong kalilimutan na mas matanda pa rin ako sa'yo. "
I don't know how to manage the pain. Alin ba ang mas masakit, 'yong hawak nya sa braso ko o kung paano n'ya ako tinawag?
I smiled bitterly in my own thoughts."Okay, whatever. "
Padabog nyang binitawan ang braso ko, "argh! I hate you, I really did. And I badly wanted to get rid of you! "
Tinalikuran ko na s'ya, may pait sa dibdib. Alam ko naman, e. She's in love with our bestfriend back then,pero simula ng insidenteng 'yon nagalit s'ya sa akin. Akala ko may chance pa na magka-ayos kami, naghintay ako pero mas lumala ang galit nya sa akin isang araw dahil doon nagdesisyon sila Tito Elias na ilayo s'ya sa akin.
We used to be friends before, but after that I wasn't able to make friends anymore. Pakiramdam ko sa akin may mali, it's either masasaktan ako o sila ang makakasakit sa akin.
Mabigat ang bawat hakbang na tinahak ko ang daan patungo sa kwarto, lagi na lang pinaparamdam sa akin ni Herein na ayaw nya ako sa paligid n'ya. Gano'n ba sya kagalit sa akin?
Hanggang saan sya dadalhin ng galit nya sa akin?Bumuga ako ng hangin, tulala sa kisame pagkatapos patuyuin ang buhok ng blower. Nakapalit na ako ng pajama.
I rolled on the bed, nahihirapan na naman akong makatulog.I closed my eyes and tried to sleep, it's my fifth attempt but still I'm awake. Freaking awake.
Inis na inangat ko ang sarili at naupo sa kama, ganito na lang lagi ang tagpo sa kwartong ito tuwing gabi. I hate all of these sleepless nights.Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kitchen para uminom ng gatas, aktibo ang mga mata ko sa paligid. Mabuti na lang at natapos ako ng hindi nakikita si Herein.
Binaba ko na sa sink ang baso bago bumalik sa kwarto pero hindi na ako nagpilit na matulog.Umupo ako sa harap ng study table, nagsimula akong magbuklat ng aklat.
Gusto ko ng antukin at makatulog, masyado ng healthy ang eyebags ko. Oras na para mag-diet naman sila.Nagmulat ako at saka inangat ang mukha bago inunat ang kamay. I yawned. Nakatulog na pala ako kagabi, hindi ko namalayan. Akala ko magdamag na naman akong parang kwago.
Tumayo ako at pumasok sa banyo para mag-hilamos at mag-sipilyo, nakasabay ko sa paglalakad patungong dinning si Herein. Bigla nya akong binunggo sa balikat saka naunang naglakad.
YOU ARE READING
𝐓𝐎 𝐋𝐀𝐒𝐓
RomanceFirst love never dies, kahit mag-mahal ka ng iba mananatili na sa isang sulok ng puso mo ang naging unang pag-ibig. At wala ng ibang uukupa ng parteng 'yon sa puso mo na hawak niya na kundi mananatiling siya lang. First love never dies but there's...