NAKA-UPO ako sa front porch habang naghihintay na dumating si Jackie, she didn't answer me when I asked her if she'll come but I hoped.
Lumipas na ang maraming minuto, nilalamok na ako pero pinili kong maghintay pa.
Nakatayo na ako habang nakatanaw sa gate, kanina pa nakabukas ang lamppost."Hoy, hindi lilitaw si Seren bigla d'yan!"
Agaw ni Thorn sa atensyon ko.
I sighed saka sumunod na sa kanya sa loob. Hindi na darating 'yon. Anong oras na, late na. Tulog na siguro 'yon."I'll just freshen up. " Paalma ko na hindi na sya tiningnan, mabilis na akong umakyat at nag-shower saka bumaba sa dinning.
S'ya na pala ang nag-init ng pagkain at naghanda sa lamesa.
Buti naman may nai-ambag rin sya kahit pa'no. Malapit ko na syang lagyan ng korona, e."Birthday mo ba, nag-move na ang birthdate mo. Kailan pa? "
Tiningnan ko lang s'ya. Bumaba ang tingin ko sa mesa, saka ko lang napansin. Napadami pala ang niluto ko kanina.
"Para talaga sa breakfast 'yong iba bala mo sa laban kapag nilusob mo si Rose ng pagmamahal."
He laughed a bit. "Sabi mo, e. " He wasn't really convinced.
Inangat ko ang tingin sa kanya ng maglagay s'ya ng maraming atay ng manok sa plato ko. It's my favorite, adobong atay ng manok.
"Para sa hypertension. " Aniya.
Siraulo!Nagpatuloy na kami sa pagkain. Akmang susubo ako ulit nang tila may narinig ako, tumayo ako.
"Hoy, napano ka? Ano cycle, tapos ko ikaw naman? "
Asa syang tutulad ako sa kanyang abno s'ya!
Umakyat ako sa attic ng hindi man lang sya sinasagot. Confirmed! Tumutunog nga ang cellphone, himala na may signal, hindi nga lang gano'n kalakas.
Dinampot ko 'yon ng mabilis at nakitang ang caller ID, si Seren. Sadly bago ko pa man masagot ay naputol na ang tawag.5 missed calls.
Napamura ako sa isip. Bakit kasi hindi ko tiningnan kanina ang cellphone ko.
Kaninang hapon pa pala sya tumatawag, 'di bale tatawagan ko s'ya mamaya. I'll just finish our dinner quickly.Agad akong bumaba, kusang huminto ang paa ko nang makita si Thorn na naglalapag ng isa pang plato sa lamesa. Lumipat ang tingin ko sa babaing kararating lang.
Saka lang napunta sa akin ang tingin niya, sinundan rin ni Thorn ng tingin at napansin ako.
"S'ya pala 'yong───"
Hindi ko hinayaang matapos ang bibig nya sa paglaglag sa akin. Tinulak ko s'ya ng marahas at pinagsandok si Jackie. "Sorry, late ako. I had to make an excuse to Tito Elias...and thanks for inviting me. "She explained na inagaw sa akin ang sandok, hindi na ako nakipag-talo at hinayaan na sya.
Tumango lang ako. "Ayos lang saka wala 'yon, at least 'di nasayang 'tong mga niluto ko. "
Nang lumipat ang tingin ko kay Thorn at ngising-ngisi ang tukmol.
"Tinanong mo ba si Aling Sol kung anong paborito kong ulam? "
Tanong n'ya. Kumunot ang noo ko, wala ba syang nagustuhan sa mga niluto ko. "Sabihin mo na lang sa akin kung anong paborito mo para maisama ko sa lulutuin ko sa susunod."
Hindi nakatakas sa tingin ko ang mukha ni Thorn na nagpipigil ng tawa, ng tingnan sya ni Jackie ay pasimpleng nag-iwas ng mukha. Tumikhim pa at nag-poker face.
Abno talaga!
"Actually itong adobong atay ng manok. " Nakanguso sa ulam na nasa gilid ng kanyang plato na sagot n'ya.
YOU ARE READING
𝐓𝐎 𝐋𝐀𝐒𝐓
RomanceFirst love never dies, kahit mag-mahal ka ng iba mananatili na sa isang sulok ng puso mo ang naging unang pag-ibig. At wala ng ibang uukupa ng parteng 'yon sa puso mo na hawak niya na kundi mananatiling siya lang. First love never dies but there's...