"Wow! Ikaw na talaga, cous!" sabi ng pinsan kong si Sabrina habang nakatingin sa hawak kong pink na sobre.
It's another poem again from him. Halos three years na rin akong nakakatanggap ng mga tula galing sa taong hindi ko naman kilala.
Noong una akala ko love letters ang mga iyon kaya hindi ko binubuksan at iniipon ko lang. Pero ng minsang ma-badtrip ako dahil nagkasagutan kami ni Nicko ay binasa ko ang ilan doon.
Mahilig ako sa tula at mga nobela kaya naman simula noon sa tuwing nakakatanggap ako ng sulat na may pink na sobre binabasa ko na at sa totoo lang gumagaan talaga ang loob ko.
And there are times that I'd tried to caught him or who ever it was in the act. Pero bigo ako, hindi ko siya mahuli-huli. But one thing is for sure! Kung sino man s'ya, alam kong kilala niya ako. At alam kong narito lang siya sa paligid.
Inilagay ko sa aking notebook ang pink na sobre saka ipinasok sa loob ng aking bag. Napangiti pa ako dahil nadagdagan na naman ang mga tulang meron ako.
"Boyfriend mo!" Siniko ako ni Sabrina nang makalabas kami ng locker. "Cous, nagda-drugs ba 'yang boyfriend mo?"
"Sira ka talaga!" Natawa pa ako. "Hindi 'no! Para kang ewan!"
"Ang payat-payat na kasi oh! Sabihan mo namang kumain. Konti na lang parang liliparin na ng hangin eh!"
Akala ko ako lang ang nakakapansin ng pagbagsak ng katawan ni Nicko. Minsan ko na ring pinupuna iyon na nauuwi lang sa sagutan naming dalawa.
"Katawan ko 'to kaya alam ko kung ano ang nangyayari sa akin!"
"Pero-"
"Stop it okay! I'm fine, Lorren!"
Laging mainitin ang ulo nito when it comes to his health. Last year nag umpisang bumagsak ang katawan niya na hindi ko rin alam kung bakit. At ayaw rin niyang sabihin sa akin.
"Ako na ang magdadala ng bag mo," anito nang makalapit kami ni Sabrina sa kanya. "How's your day?"
"Ayos lang naman," sagot ko.
Ganito siya lagi sa akin na akala mo buong araw kaming hindi nagkikita. Hatid sundo naman niya ako lagi at sabay kaming kumain ng lunch at snacks.
"Bye, guys! See you tomorrow!" Kaway ni Carmina sa amin habang naka-back ride sa likod ni Rocky sakay ng motor nito.
Carmina and Rocky are in a relationship since grade seven, same as Monnette and Jared na childhood sweetheart na ever since.
Kasunod na umalis nina Rocky sina Jared sakay rin ng motor. Kumaway lang sa amin si Kristha na sakay naman ng kotse ni Micko.
Pinagbuksan ako ni Nicko sa front seat at walang imik namang sumakay si Sabrina sa likod.
Minsan kapag nakakaramdam ng awkwardness si Sabrina o alam niyang nag away kami ni Nicko ay hindi na siya sumasabay sa amin, which is I don't want to happened.
Sa akin inihabilin ni Tita Suzy si Sabrina kapalit ng libreng pagpapa aral niya sa akin dito sa Maynila. Kaya kahit saan ako pumunta o si Sabrina man ay dapat lagi kaming magkasamang dalawa.
At dahil malapit lang naman ang bahay namin sa school ay mabilis rin kaming nakauwi. Matapos magpasalamat kay Nicko ay nauna nang pumasok sa loob ng bahay si Sabrina.
"Gusto mo bang kumain sa labas? Maaga pa naman," ani ni Nicko sa akin matapos sulyapan ang suot na relo.
Napahinga na lang ako ng malalim sabay iling. "Next time na lang. Marami akong assignments, eh."
BINABASA MO ANG
Right Here Waiting
Teen FictionTen years ago, nangako si Micko kay Lorren na babalikan siya nito. Babalik ito kapag maayos na ang lahat. Kapag handa na ang mga puso nila at malaya nang mag-mahal at kaya ng panindigan ang kani-kanilang nararamdaman. Kung ikaw si Lorren? Maghihinta...