"Lorren..." tawag ni Sabrina sa akin at niyugyog pa ng bahagya ang balikat ko.
Nagtatanong na mga mata niya ang nasalubong ko nang lingunin ko.
"Simula ng iwan tayo kanina nina Micko at Kristha bigla ka na lang hindi umimik d'yan?" tanong niyang nakanguso pa.
"May iniisip lang ako," tugon ko. Tumayo na ako at dinala sa lababo ang pinagkainan ko.
"Ano'ng iniisip mo?"
"Nakita mo ba ang dala ni Micko kanina?"
Kumunot ang noo niya. "Alin do'n?"
"No'ng nagmamadali sila paalis. 'Yong stationary paper," sabi ko pa.
"Ano namang meron do'n?" naguguluhang tanong niya sa akin. "Akala ko sad ka kasi hindi mo naka-date ng matagal si Micko kanina," nakangising ani Sabrina sa akin.
"Puro ka kalokohan d'yan!" Pairap ko siyang tinalikuran at nagsimula nang maghugas ng mga pinggan.
"Hindi nga! Seryoso na. Ano'ng stationary paper ba?" Lumapit pa talaga ito sa akin.
"Kapareho kasi ng stationary na ibinibigay ni mystery man lagi sa akin," sagot ko. "Pero, baka naman mali lang-"
"Si mystery man at si Micko?" Hindi makapaniwalang putol niya sa akin.
"Hindi naman ako sigurado," naiiling ko pang tugon. "Maraming magkakaparehong stationaries."
"Ano ang gagawin mo kung iisa sila?" nangingiting tanong niya sa akin.
"Ano namang ibig sabihin ng mga ngiting 'yan?" ingos ko.
"Seryoso! Ano'ng gagawin mo kung si Micko at 'yong mystery man mo ay iisa?"
"Imposible!" naiiling kong tugon.
"Paano lang nga?" pangungulit pa rin ni Sabrina.
"Hindi ko alam?" patanong kong sagot sa kanya.
"Feeling ko may gusto sa 'yo 'yong mystery man na 'yon!"
"Wala namang sinasabi."
"Nakausap mo ba?" pamimilosopong tanong ni Sabrina. "Cous! Action speaks lauder than words! Bakit ka n'ya pag aaksayahan ng oras na padalhan palagi ng mga sulat? Bakit pag aakasayahan ka niyang bilhan ng mga kung ano-ano kung hindi ka n'ya gusto?"
"Pero sigurado ako hindi si Micko 'yon," tanggi ko pa.
At may kung anong kirot sa puso ko ng sabihin ko iyon kay Sabrina. Dahil ang totoo, umaasa ako. Umaasa akong si Micko at ang mystery man ko ay iisa.
Hindi ko lang masabi iyon kay Sabrina dahil paniguradong uulalin lang ako ng panunukso.
Hindi ko rin alam kung kailan ba nagsimulang magkaroon ako ng paghanga kay Micko. Kung paghanga nga ba talaga ang nararamdaman kong ito?
Gusto ko lang naman kasi siyang maging kaibigan noon pa. Gusto kong maging malapit sa kanya kagaya ng kung paano naging malapit sina Jared, Rocky at Nicko sa akin.
Pero mailap siya palagi at mas gusto ang mag isa. Bilang na bilang nga sa daliri ang pag uusap namin.
Kahit gustuhin ng puso ko na sana ay iisa sila ni mystery man, alam kong imposibleng mangyari iyon. Baka nga hindi ako gusto no'ng tao, ashumera lang ako kapag nagkataon.
Palapit na nang palapit ang graduation day. Ngayong linggo ay puro exams at projects ang ipinagawa sa amin dahil next week ay practice na ng graduation.
Simula ng matapos ang exams ay madalas ng wala si Kristha. Ang sabi niya sa amin ay busy siya sa pagtulong sa mommy nina Micko at Nicko. Wala naman siyang sinabi kung ano ang tulong na iyon.
Buong senior high ay excited sa graduation day at isa na ako doon. Konting tiis na lang at makakamit ko rin ang pangarap kong makatapos at makatulong kay mama.
Isang linggo bago ang graduation ay nagulat pa ako ng madatnan namin si mama na naghihintay sa labas ng gate ng bahay.
"Ma!" patakbo akong lumapit kay mama at agad nagmano.
"Mano po, tita," ani Sabrina na nasa aking likod.
Dinukot ko ang susi ng gate sa bulsa ng aking bag at agad kaming pumasok sa loob dahil alam kong pagod si mama sa byahe.
"Kanina pa bo kayo, ma?" tanong ko kay mama habang kumukuha ng maiinom sa ref.
"Kararating rating ko lang, anak. Kumusta kayo dito?"
"Maayos naman po. Sa friday pa ang graduation, bakit ang aga n'yo po yatang lumuwas?" nagtatakang tanong ko matapos maglapag ng juice at biscuit sa harap ni mama.
"May bibisitahin kasi akong kaibigan dito sa Maynila. Pupuntahan ko siya sa kanila ngayong gabi dahil inimbitahan niya ako. Isasama ko kayo ni Sabrina kaya 'wag na kayong magluto," paliwanag ni mama.
"Bihis lang po ako," paalam ni Sab at umakyat na sa itaas.
"Magbihis ka na rin at maya maya lang ay narito na ang sundo natin," ani mama sa akin.
Umakyat na rin ako sa itaas para makapagbihis na. Naabutan ko si Sab na namimili na ng isusuot.
"Sino kaya ang kaibigang tinutukoy ng mama mo?" tanong niya ng matanaw ako sa salamin.
Nagkibit balikat ako at tinungo na rin ang sarling tukador ko para magbihis na.
"Hindi kaya may boyfriend na ang mama mo, cous!"
Natawa ako sa sinabi ni Sabrina. Hindi ko naisip iyon, ah! "Trabaho at bahay ang buhay ni mama simula ng mawala si papa. Lagi niyang sinasabi na kami ni Julius ang buhay niya kaya hindi magbo-boyfriend 'yon," nangingiting saad ko pa.
"Malay mo naman! Ngayon ko lang rin nalaman na may kaibigan si Tita Celly dito sa Maynila. Ang tagal na natin dito, at ito ang unang beses na lumuwas siya para sa isang kaibigan."
Nagkatinginan kami ni Sabrina ng makarinig ng busina ng sasakyan sa labas.
Nagmadali na ako sa pagbibihis at nauna na ring bumaba si Sabrina dahil nagtatawag na si mama sa ibaba.
Napanganga pa ako sa kotseng nakita ko nang lumabas kami ng bahay. Napapatingin pa ako sa driver na nagbukas ng pintuan para sa amin.
"Ma, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" tanong ko na may kaba sa aking dibdib.
Napatingin si mama sa akin. Nagtataka sa ekspresyon ng aking mukha. "Bakit?" kunot noo pa niyang tanong.
"Sino po ba ang kaibigan n'yo na pupuntahan natin?" seryosong tanong ko.
Kinakabahan ako dahil paano kung totoo nga ang sinasabi ni Sabrina sa akin kanina?
Paano kung may boyfriend na nga ang mama ko at hindi pa niya sinasabi sa amin ni Julius?
"May boyfriend ka na po ba? Hindi mo lang sinasabi sa amin?" kinakabahan pa ring tanong ko.
"Boyfriend?!" gulat na bulalas ni mama. "Saan naman galing 'yan?" natatawang sabi niya.
"Eh... kasi po..."
"Babae ang kaibigan ko, kaklase at kaibigan ko siya no'ng high school dinalaw niya ako sa probinsya noong nakaraan lang at inimbitahan nga niya ako dito sa Maynila," paliwanag ni mama.
Napahinga ako ng maluwag at tumingin kay Sabrina na nag peace sign pa sa akin. Kung ano ano kasi ang pinagsasabi nito sa akin kanina.
Ilang saglit pa ay nakarating na rin kami sa bahay ng kaibigan ni mama. Gate pa lang ay alam mong may kaya na. Binuksan pa ng guard ang gate para makapasok ang kotse sa loob.
Malawak na garden ang sumalubong sa aming pagbaba. May gazebo sa kabilang bahagi at may malaking swimming pool pa.
May lumabas na kasambahay at sinenyasan kaming sumunod sa kanya sa loob.
Maging ang loob ay maganda, modernong moderno at alam mong mayaman talaga ang nagma may-ari.
"Maupo po muna kayo. Tatawagin ko lang po si ma'am-"
"Celly!" masayang tawag ng isang babae kay mama.
Tumayo si mama sa pagkakaupo sa sofa at sinalubong ng yakap ang babae. "Ang ganda ng bahay mo!" ani mama ng kumalas sa yakap nito.
Hindi ako makagalaw at titig na titig lang kay mama at sa babaeng nasa harapan nito. Nilingon ko si Sabrina at maging ito pala ay natulala rin sa kanyang nakikita.
"Hello, ladies!" bati ni Tita Olivia sa amin ni Sab.
Nagkatinginan pa ulit kami ni Sabrina bago lingunin si Tita Olivia at nginitian ito.
"Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang ikaw ang mama ni Lorren na kaibigan ng mga anak ko," ani tita. "What a coincedience!"
"Ma'am, handa na po ang hapunan," sabi ng kasambahay nang makalapit sa amin.
"Pakitawag na ang mga bata para makakain na," utos nito sa babae na agad namang tumalima.
"Let's go?" anyaya na sa amin ni Tita Olivia habang hila hila na si mama patungo sa dining area
Nakaupo na kami sa hapag nang dumating si Kristha, nasa likod nito si Micko at pareho pang natigilan nang makita kami.
"Mamaya na ang usap, kumain muna tayo," sabi ni Tita Olivia sa dalawa.
Tahimik na umupo sina Micko at Kristha pero panay ang sulyap nila sa amin. Alam kong nagtataka rin sila kung bakit narito kami.
Kumakain na kami pero walang minutong hindi ako tumitingin sa bukana ng dining area.
Hinihintay kong lumitaw si Nicko doon. Lihim akong napailing ng sumagi sa isip ko na nasa ibang bansa nga pala siya.
Sinulyapan ko si Sabrina nang dunggulin niya ang hita ko sa ilalim ng mesa. "Tumingin ka sa harap mo!" mahinang sabi nito na tama lang para marinig ko.
Sinunod ko ang sinabi ni Sabrina at muntik pang magbara ang lalamunan ko sa kakalunok ko lang na pagkain ng magtagpo ang mga mata namin ni Micko.
Nakatingin siya sa akin...
BINABASA MO ANG
Right Here Waiting
Teen FictionTen years ago, nangako si Micko kay Lorren na babalikan siya nito. Babalik ito kapag maayos na ang lahat. Kapag handa na ang mga puso nila at malaya nang mag-mahal at kaya ng panindigan ang kani-kanilang nararamdaman. Kung ikaw si Lorren? Maghihinta...