CHAPTER 7

0 0 0
                                    

Totoo nga ang sinabi ni Kristha dahil hindi na nga nagpakita pa si Nicko sa school.

Wala rin akong balita sa kanya dahil kahit isa sa mga messages at tawag ko ay hindi niya sinasagot.

Marami rin ang nabigla sa balitang iyon dahil isa si Nicko sa mga popular na estudyante dito sa campus.

"May kukunin lang ako saglit sa locker ko. Hintayin mo na lang ako d'yan," sabi ko kay Sabrina sa kabilang linya.

Pinatay ko na ang tawag at papasok na sana ako sa locker room ng matigilan dahil sa dalawang bultong nakita kong paalis galing sila sa loob ng locker room.

"Nag aaway ba sila?" kunot noo kong tanong sa aking sarili.

Nawala na sina Jared at Monnette sa paningin ko pero hindi pa rin ako natinag doon.

Noong linggo ay hindi kami sinipot ni Monnette sa mall. Isang linggo na rin siyang wala sa mood at minsan ay hindi sumasama sa amin para kumain.

Nagkibit balikat na lang ako at saka tumuloy na lang sa pagpasok sa loob. Kapag may pagkakataon ay kakausapin ko na lamang siya.

As expected ay may pink na namang sobre ang loob ng locker ko. Napangiti ako at kinuha ko iyon saka inilagay sa loob ng aking bag. Kinuha ko na rin ang pakay kong gamit at saka lumabas.

Muli akong natigilan ng may makitang aninong nagmamadaling lumabas galing dito sa loob.

Lalaki iyon sigurado ako dahil sa uniporm nito. Nagmadali tuloy akong lumabas para habulin iyon ng tingin ngunit wala na akong naabutan.

Napatingin pa ako sa sahig ng makaapak ng isang matigas na bagay. Pinulot ko iyon at muling luminga sa paligid. Hour glass key chain, baka pag mamay ari iyon ng lalaking nagmamadaling lumabas kanina.

Tumumog muli ang cellphone ko at nagmadali na rin akong umalis dahil tiyak kong naiinip na si Sabrina kakahintay sa akin.

"Kanino 'yan?" tanong ni Sabrina habang nagsusuklay ng buhok na nakatunghay sa akin.

"Napulot ko lang," tinatamad na sagot ko.

Nakahiga na ako sa aking kama at pinaglalaruan ang hour glass na nakita ko kanina sa labas ng locker room.

"Parang nakita ko na 'yan."

Agad akong napatingin sa kanya. "Kanino?" curious kong tanong.

"Hindi ko matandaan eh! Pero sigurado akong nakita ko na 'yan," aniya pa.

"Lalaki ba ang may ari nito?"

"Excited?" taas kilay nitong sabi.

Napanguso ako. "Sa locker room ko 'to napulot kanina-"

"Locker room ng mga girls?"

"Oo."

"Doon mo napulot 'yan, tapos sasabihin mo lalaki ang may ari," saad pa ni Sabrina na naguguluhan na sa akin.

"May nakita akong lalaking lumabas sa locker room. Hindi ko napansin ang key chain na 'to nang pumasok ako. At ang lalaking iyon lang ang huling lumabas doon kaya palagay ko sa kanya 'to!"

"As in lalaki talaga?" naninigurong tanong ni Sabrina. "Ano namang gagawin ng lalaki sa locker room ng mga babae?"

Natigilan rin ako agad dahil naalala kong naagaw nga pala nina Monnette at Jared ang atensyon ko kanina kaya baka hindi ko talaga iyon napansin pagpasok ko.

"Oh! Bakit?"

"Nakita ko sina Monnette at Jared kanina. May problema ba 'yong dalawang 'yon?"

"Lovers quarrell siguro. Maayos rin nila 'yon," sagot ni Sab at napakibit balikat pa. "Eh, kayo ni Nicko? Ano ng balita?"

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon