CHAPTER 9

0 0 0
                                    

"Nagkakagulo sa hallway, oh! Ano kayang meron?" ani Sabrina na tanaw ang hallway dito sa pwesto namin.

"Tingnan natin!" sabi rin ni Carmina at nauna nang maglakad.

Naabutan namin ang mga junior high na excited matapos basahin ang kung anong nakapaskil sa bulletin board.

"Prom night!" sabay na basa nina Carmina at Sabrina.

Agad rin akong bumaling doon at prom night nga ang nabasa ko. Ang araw, oras at lugar kung saan gaganapin ang event.

"Next week na pala!" ani Carmina na napatingin pa sa amin.

"Ano'ng meron?" tanong ni Kristha na kararating lang. "Ay! Wow! May prom night ulit!" excited na bulalas nito ng basahin ang nakapaskil.

"Kailangan pala lahat ng senior sumali," sabi pa ni Carmina na pinapasadahan pa ng mga mata ang naturang announcement.

"Sayang si Nette, hindi s'ya makakasama," malungkot na turan ko.

"Hayaan mo na, gano'n talaga!" alo ni Sabrina sa akin. "Si Nicko rin naman wala 'di ba?"

Napatingin kaming tatlo kay Kristha. Pero nag iwas lang ito ng tingin at bumuntong hininga.

"Choice n'ya 'yon, guys. Wala rin naman akong magagawa tungkol doon," malungkot na tugon ni Kristha.

Maya maya ay nag bell na rin kaya kanya kanya na kaming pasok sa mga klase namin.

At hanggang doon ay iyon ang bukam bibig ng mga kaklase ko. Kani kanya na silang plano ng mga susuotin at kung anu ano pa.

First prom night ko noong grade nine kami. Masaya dahil kompleto ang mga kaibigan ko.

Nahinto lang ang prom night nang mag grade ten kami dahil sa reklamo ng ilang magulang noon na nabuntis o hindi kaya ay nagtanan ang mga anak nila.

At ngayon ay binuhay na naman ulit iyon ng teaching staff. Gusto nilang ibalik ang sigla at saya ng love month. Nagpa general meeting rin naman sila last week at isa yata ang prom night sa napag usapan nila kasama ang mga parents.

"Wala na si Monnette kaya hindi pwedeng may hindi pa-a-attend!" ani Kristha nang maabutan ko sila sa cafeteria.

"Si Lorren ang sabihan mo at alam mo namang manang 'yan!" ingos ni Sabrina sabay nguso sa akin. "Kung hindi ko lang pinilit 'yan noong grade nine tayo, hindi 'yan pupunta 'no!" daldal pa niya.

"Oh!" alma ko agad dahil bumaling na si Kristha at Carmina sa akin.

"Desisyon na agad, Lorren!" ani Kristha na pinaningkitan pa ako ng mga mata.

"Wala akong isusuot," sabi kong napapakamot pa sa ulo.

"Girls! Look!" nanlalalaki ang mga matang turo ni Sabrina sa bukana ng cafeteria.

Sabay sabay kaming napalingon doon at nakita namin si Jared. May kaakbay itong ibang babae. Sa palagay ko ay kaklase ko pa yata iyon sa ilang subject.

"Ang kapal ng mukha! Matapos buntisin si Nette ganyan ang gagawin n'ya!" galit na galit na ani Carmina.

"Don't!" pigil ni Kristha ng tumayo si Carmina. "Hindi mo problema 'yan, Carmi," sabi pa nito sabay iling.

"Hindi ka man lang ba naaawa kay Monnette! Harap harapan, Kristha!" giit ni Carmina.

"Kapag ipinahiya mo si Jared sa marami, parang ipinahiya mo na rin si Monnette. Remember. Walang may alam na buntis s'ya bukod sa atin," paliwanag ni Kristha.

Natahimik si Carmina doon. May point rin naman si Kristha. Pero malalaman at malalaman rin naman ng lahat ang tungkol doon once na pumasok na next week si Monnette.

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon