CHAPTER 2

2 2 0
                                    

Ilang buwan na lang at magtatapos na kami ng grade twelve. At ilang taon pa para makapagtapos ako sa college.

Marami akong pangarap sa buhay, pangarap sa pamilya ko at para sa sarili ko. Hindi ko naman priority ang love life. Kaya ewan ko nga ba kung bakit nag-boyfriend ako?

Balak ko na pagkatapos ng graduation ay makikipaghiwalay na rin ako kay Nicko. Mas gusto kong mag-focus sa pag-aaral ko at siguro naman kapag college na ako hindi ko na rin s'ya makikita pa.

Kung hindi ko lang inaalala ang mararamdaman ni Kristha kapag naghiwalay kami ni Nicko matagal na siguro akong nakipag-break.

"Ang lalim ng iniisip mo, ah? Siguro iniisip mo pa rin 'yong kiss 'no?" tudyo ni Sabrina.

Napatirik na lang ang mga mata ko sa kawalan dahil sa sinabi niya. Dinala ko na sa lababo ang mga gulay na hiniwa ko at hinugasan.

"Ano?" pang-aasar pa ni Sab sa akin at lumapit pa talaga sa lababo.

"Tigilan mo nga ako, Sabrina," naiinis na saway ko sa kanya. "Iniisip ko lang ang future."

"Talaga?" tinatamad na sagot nito habang iniikut-ikot sa palad ang mansanas na kinuha niya. "Hulaan ko rin! Hindi kasama si Nicko sa future na 'yan 'no?"

Natigilan ako saglit at ipinagpatuloy ang paghihiwa ng karne. "Manghuhula ka na pala ngayon," ani ko at dinala na rin sa lababo ang karne para mahugasan.

"Tama naman ako 'di ba? You don't like Nicko the way he likes you. And don't deny it!"

Sasagot na sana ako ng pigilan niya ko gamit ang kanyang daliri paturo sa akin.

"I know you, Lorren. And, sorry kasi isa ako sa mga dahilan kung bakit napilitan kang sagutin si Nicko." malungkot na sabi pa ni Sabrina.

"May magagawa pa ba ako? Nangyari na. At alam mo naman pa lang hindi ko gusto si Nicko nanulsol ka pa! Ngayon alam mo na ang sagot sa first kiss na sinasabi mo."

"Hindi kayo nag-kiss?" gulat na tanong niya. "Grabe!" Pinaypay pa nito ang sarili.

Nagkibit balikat na lang ako at nagsimula ng maggisa ng bawang at sibuyas. Habang siya naman ay nakatayo lang sa tabi ko at pinapanuod ang ginagawa ko.

At dahil sabado ngayon ay maggo-grocery kami mamayang hapon. Ako ang nakatokang gumawa ng gawaing bahay ngayong buong linggo. Nagising naman ako ng maaga kaya kanina ko pa natapos lahat kaya may oras pa ako para magpahinga.

"Kompleto na ba lahat? Wala na bang naiwan sa listahan?" tanong ni Sabrina habang nakapila kami sa counter.

"Wala na. Ikaw? Baka may gusto ka pang idagdag?"

"Hindi na. Ayos na 'tong pinamili natin. May stock pa tayo ng mga junk foods sa bahay," sagot niya habang pinapasadahan ng tingin ang laman ng cart namin. "Cous, p'wede bang sa fast food na lang tayo kumain? Nagugutom na talaga ako, eh."

Paglabas nga namin ng grocery store ay dumiretso kami sa fast food chain na pareho naming paborito. Bata pa lang kami ay ito na ang paborito namin. Kasi naman, talagang 'bida ang saya.'

"Wait!" Pigil ni Sabrina sa akin nang itutulak ko na sana ang glass door. Hinila niya ako sa isang tabi para hindi makaabala sa mga pumapasok. "Si Micko, oh!" Turo pa niya sa isang gutter hindi kalayuan sa amin.

Micko seating there wearing denim jeans, naka-hoddie with white shirt on it. Naka-sneakers rin itong puti at masayang nakikipag kwentuhan sa tatlong batang ganadong kumakain ng mga pagkaing galing sa fast food chain na gusto naming pasukan.

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon