CHAPTER 16

0 0 0
                                    

  "Oh! Lorren, nand'yan ka na pala. Kumain ka na ba?" tanong ni Sabrina sa akin nang pumasok ako sa loob ng bahay.
 
  "Busog pa ako, Sab," ani ko, at pabagsak na naupo sa sofa.
 
  "Kumusta ang lakad mo? Mukhang pagod na pagod ka, ah."
 
  Malungkot kong nilingon si Sabrina. "Galing ako ng hospital."
 
  Pumunta ako sa bahay nina Nicko para sana magpaalam sa kanya at kina Kristha na rin. Uuwi na kasi kami ni Sabrina sa probinsya next week at sa huling linggo na ng mayo ang balik namin para mag enroll sa college.
 
  Pero ang saglit lang sana na pagdalaw ko doon ay tumagal ng maghapon dahil isinugod sa hospital si Nicko. Sumama na rin ako sa kanila para umalalay kina Tita Olivia.
 
  Kanina ay tinanggihan na rin sila ng hospital dahil nga wala na raw silang magagawa sa kondisyon ni Nicko. Pero dahil kaibigan ni Tita Olivia ang isa sa mga doktor sa hospital ay inasikaso agad sila.
 
  Kahit na nga tinaningan na si Nicko ng doktor ay hindi pa rin nawawalan ng pag asa si Tita Olivia at si Micko na baka sakaling may pag asa pa.
 
  "Ano'ng nangyari?" Bakas rin ang kaba sa mukha ni Sabrina dahil sa sinabi ko.
 
  "Bigla na lang kasing hindi makahinga si Nicko kanina."
 
  "Nasa hospital pa rin ba sila?" nag aalalang tanong niya sa akin.
 
  "Oo," malungkot kong sagot.
 
  "Eh, bakit umuwi ka na?"
 
  "Ayaw kong makita si Nicko na nahihirapan, Sab," sabi ko pang nanginig bigla ang boses. "Sumisigaw s'ya sa sakit kanina. At wala kaming magawa kundi pakinggan ang mga sigaw n'yang hirap na hirap na."
 
  Natahimik rin si Sabrina. Tumabi siya sa akin at hinagod ang aking likod.
 
  "Mahigit isang buwan na lang. Iiwan na n'ya tayo, Sab. Ang sakit isipin, ang sakit tanggapin."
 
  "Hindi naman natin hawak ang buhay, Lorren. Ayaw man natin na mawala s'ya, wala rin tayong magagawa para pigilan 'yon," alo niya sa akin. "Dasal na lang ang pwede nating gawin."
 
  Nasa gano'n kaming ayos ng tumunog ang cellphone sa loob ng aking bag. Sinagot ko agad iyon nang makitang si tita ang tumatawag.
 
  "Hello, tita." Mga hikbi ang narinig ko mula sa kabilang linya. "Tita," tawag ko kay Tita Olivia habang kinakabahan.
 
  "Hello, Lorren."
 
  "Kris?"
 
  "Yeah. Tita Olivia could'nt speak right now."
 
  "May nangyari ba?" Naroon muli ang kaba ko.
 
  "Si Nicko kasi..." Saka nabasag ang boses nito.
 
  Napatingin ako kay Sabrina dahil hindi na muling nagsalita pa si Kristha sa kabilang linya. Mas lumakas ang kabang nararamdaman ko dahil iyak lang nito ang naririnig ko.
 
  "Puntahan na kaya natin," suhestyon ni Sabrina.
 
  Hindi na kami nag aksaya pa ng oras at agad na kaming pumunta sa hospital. Naabutan namin ang doktor na kalalabas lang ng emergency room.
  Agad kaming lumapit kina Tita Olivia para marinig ang sasabihin ng doktor.
 
  "Kumusta ang anak ko, Albert?" tanong ni tita sa kaibigang doktor.
 
  "I'm sorry but his cretical right now, Olivia," nanghihinang pahayag ni Doctor Albert. "Imo-monitor namin s'ya hanggang tweny four hours-"
 
  "Pagkatapos ng twenty four hours? Ano'ng mangyayari sa anak ko?" luhaang tanong ni tita.
 
  "Don't over think too much, Olivia."
 
  "Maiaalis mo ba sa akin 'yon?"
 
  "Kakayanin ni Nicko 'to. Tiwala lang."
 
  Kanina pa nakaalis si Doc. Albert at lahat kami ay tahimik dito sa labas ng ICU. Hinihintay namin na magising agad si Nicko at hindi na umabot ng matagal pang oras.
 
  Wala ring tigil ang pagluha ni Tita Olivia dahil sa pag aalala sa anak na hindi pa rin nagigising.
 
  Ramdam ko rin ang paghihirap at sakit ni Tita Olivia. Ganito rin kami noon ni mama nang mawala ang papa ko.
 
  Mahirap mawalan ng mahal sa buhay. Hindi mo alam kung saan at paano ulit mag uumpisa.
 
  "Ma, umuwi ka na kaya muna sa bahay para makapagpahinga ka. Ako na po muna ang magbabantay dito," ani Micko sa ina.
 
  Sunud sunod na umiling si tita habang pahid ang kanyang mga luha. "Gusto ko kapag nagising ang kapatid mo makita niya ako agad."
 
  "Can you please stop crying," malumanay na pakiusap ni Micko kay tita, saka hinaplos ang isang pisngi nito. "Hindi mo gugustuhing mag alala si Nicko 'di ba? Kapag nakita ka niyang ganyan kapag nagising s'ya malulungkot 'yon."
 
  Yumakap si Tita Olivia kay Micko at sa mga balikat nito umiyak nang umiyak. "Natatakot ako, anak. Hindi pa ako handang iwan ni Nicko. Hindi ko kakayanin."
 
  Hindi lang ako ang umiiyak ngayon dahil sa nararamdamang awa para kay tita. Maging sina Kristha at Sabrina ay pasimple pang pinupunasan ang kanilang mga pisngi na basa rin ng luha.
 
  "Kaya ni Nicko 'to, ma. Gigising s'ya, 'wag kang mag alala," sabi pa ni Micko habang hinahagod ang likod ng kanyang ina.
 
  Nakatulog na rin maya maya si Tita Olivia habang umiiyak. Yakap pa rin ito ni Micko na bakas rin ang pagod at lungkot sa mukha.
 
  "Cous, bibili lang kami ni Sab ng maiinom at pagkain na rin. May gusto ka bang ipabili?" maya maya ay tanong ni Kristha sa pinsang malalim yata ang iniisip.
 
  Bumuntong hininga si Micko at hinaplos ang buhok ni Tita Olivia na bahagyang gumalaw. "Ikaw na lang ang bahala," anito nang balingan si Kristha.
 
  Tinanguan nito si Micko at naglakad na paalis. Sumunod na rin si Sabrina kay Kristha at naiwan na naman kaming tahimik.
 
  Sabay pa kaming napalingon ni Micko sa nurse na kakapasok lang sa loob ng ICU para i-chaeck siguro si Nicko.
 
  Muli rin kaming napalingon ulit sa bumukas na pintuan nang lumabas ang nurse.
 
  "Ilang oras na pero hindi pa rin nagigising si Nicko."
 
  Nilingon ko si Micko ng magsalita ito. Nakatingin siya sa saradong pintuan ng ICU.
 
  "Baka bukas gising na rin s'ya," tugon ko.
 
  "Sana nga..." nanghihinang sagot niya. "Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kung kaya ko lang dugtungan ang buhay n'ya ginawa ko na sana."
 
  "Wala naman tayong magagawa kung hanggang dito na lang talaga 'di ba?" ani kong yumuko na lang dahil tutulo na naman ang mga luha ko. "Ayaw ko ring mawala si Nicko. Ayaw kong makitang may umaalis sa mga taong importante sa akin. At kahit gaano pa natin ka gusto na 'wag nila tayong iwan, aalis at aalis pa rin sila."
 
  "Pwede namang umalis na hindi ganito ang sitwasyon," sabi nito habang haplos nang marahan ang buhok ni Tita Olivia. "Pwede naman niyang bawiin si Nicko sa amin na hindi na naghihirap ng ganito."
 
  "Magpahinga ka na rin muna. Gigisingin na lang kita kapag nagising na si Nicko," sabi ko dahil mukhang babagsak na rin ang talukap ng kanyang mga mata dahil sa pagod at antok.
 
  Hindi siya nagsalita at inihilig lang ang kanyang ulo sa balikat ko.
 
  Hindi ko rin namalayang pati pala ako ay nakatulog rin. Nagising lang ako sa mahinang pagyugyog ni Sabrina sa balikat ko.
 
  Nilingon ko ang aking tabi at wala na roon si Micko. Napatingin ako sa jacket na nasa katawan ko.
 
  "Gising na si Nicko," ani Sabrina. "Ngayon ngayon lang."
 
  Tumayo ako at sumilip sa loob. Gising na nga si Nicko at nasa tabi nito si Tita Olivia na umiiyak na naman.
 
  "Umuwi na muna tayo. Nagpaalam na ako kay Kristha kanina bago kita gisingin."
 
  "Sige, gising naman na si Nicko," tugon ko at marahang lumayo sa pintuan ng ICU.
 
  Pagdating sa bahay ay panay ang tingin ni Sabrina sa akin. At dahil asiwang asiwa ako sa ginagawa niya ay pinagtaasan ko siya ng kilay.
 
  "Problema mo?" tanong ko pa.
 
  Napangiti ito at iniharap sa akin ang screen ng kanyang cellphone. "See?"
 
  Napanganga ako dahil kinuhanan pala niya kami ni Micko ng litrato habang natutulog.
 
  "Bakit parang mas bagay kayong dalawa?" ani Sabrina pa habang tinitingnan ang picture namin. "May chemistry kayo, 'te!"
 
  "Ano ba 'yang sinasabi mo?"
 
  "Enebe 'yeng sheneshebe mo?" pabebe nitong panggagaya sa akin. "Hindi ka man lang kinilig sa complement ko?" nakangusong sabi pa nito sa akin.
 
  "Gusto ko mang kiligin hindi naman dapat."
 
  "Dahil sa sitwasyon ni Nicko na naman?"
 
  "Sab-"
 
  "Hindi masamang kiligin, Lorren."
 
  Hindi nga masama pero hindi ko rin naman maramdaman iyon ngayon dahil sa pag aalala ko kay Nicko.
 
  Ilang araw pang nanatili si Nicko sa hospital at halos araw araw ang pagdalaw namin sa kanya habang hindi pa kami umuuwi ni Sabrina.
 
  Maging mga kaibigan namin ay dumadalaw rin. Hindi naman pwede ang over crowded sa kwarto ni Nicko kay kung sino na lang ang mauna sa pagdalaw.
 
  "Ma, gusto ko na pong umuwi."
 
  Napahinto ako sa pagkatok sana sa nakaawang na pintuan dahil narinig kong nagsalita si Nicko.
 
  "Bawal pa daw sabi ng doktor, anak. Ilang araw pa, at kapag malakas ka na pwede na tayong umuwi."
 
  "Napapagod na kasi ako, eh."
 
  "Anak, 'wag kang mapagod lumaban. Kaya natin 'to."
 
  "Pakiramdam ko po malapit na," malungkot na ani Nicko.
 
  Maging ako ay natigilan sa narinig mula sa kanya.
 
  Malapit na? Ano ang ibig sabihin no'n?
 
  "Bakit kasi ako pa ang nagkaganito, eh!" umiiyak na ani Nicko. "Ang dami namang halang ang kaluluwa d'yan bakit ako pa? Hirap na hirap na ko, mommy! Ayoko na!"
 
  "Anak, 'wag ka namang magsalita ng ganyan. Kayanin mo please! Kakayanin natin! Ayokong mawala ka. Lumaban ka, ha, pakiusap pa ni Tita Olivia sa kanya.
 
  Isa isang pumatak ang mga luha ko. Maging ako ay nasasaktan rin para kay Nicko.
 
  "Everthings gonna be okay. Nicko will be okay."
 
  Nilingon ko si Micko na nasa tabi ko na pala. Bakas rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
 
  "Ayusin mo muna ang sarili mo. Mauna na ako sa loob," aniya at tinapik ang balikat ko saka inilagay sa aking kamay ang isang panyo.
 
  "Hi, ma!" bati ni Micko nang pumasok sa loob.
 
  Huminga ako ng malalim at inayos ang aking sarili. Dapat makita ni Nicko na malakas kami. Dapat makita ni Nicko na hindi kami naaapektuhan. Dapat makita niyang pursegido kaming lumaban para may rason rin siyang lumaban.
 
  "Magandang hapon po, tita".bati ko kay Tita Olivia pagpasok ko sa loob sabay mano sa kanya. "Ikaw naman? Kumusta?" Nakangiting baling ko kay Nicko.
 
  "Malakas na ako!" tugon nitong nakangiti.
 
  Nagkatinginan kami ni Micko dahil sa biglaang sigla sa boses ni Nicko. Parang hindi ito nag break down kanina.
 
  At alam ko, ayaw lang niyang lalo kaming mag alala.
 

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon