CHAPTER 15

0 0 0
                                    

  Pagdating sa mall ay dumiretso kami sa isang jewelry shop. Tahimik lang akong nakasunod kay Micko dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang bibilhin niya dito.
 
  "Miss, pwede bang makita 'yon?" ani Micko sabay turo sa singsing na naka-display sa loob ng istante.
 
  "Wait lang po, sir," tugon ng sales lady habang kinukuha ang itinuro ni Micko kanina. "Ito po."
 
  "Meron pa po bang ibang klase nito?" tanong muli niya sa sales lady.
 
  "Yes, sir. May dalawa pa kaming available designs dito. Ang iba po ay sa brochure n'yo na po makikita," nakangiti at magalang na paliwanag ng babae.
 
  Panay ang sulyap ko sa singsing na hawak ni Micko. Para kanino kaya ang singsing na binibili nito? Baka naman may girlfriend na s'ya. Magpo-propose na ba s'ya?
 
  Sumakit bigla ang puso ko sa isiping iyon. Masyado pang maaga para mag alok ng kasal sa isang babae. Pero ganoon naman sa mga mayayaman hindi ba?
 
  Mga bata pa lang ipinagkakasundo na ng kani kanilang mga magulang. Ganoon rin kaya si Micko?
 
  "Pwede ko po bang makita 'yong available designs?"
 
  Ngumiti muli ang babae na sinabayan pa nito ng marahang pagtango saka umalis, pagbalik nito ay dala na nito ang dalawang lalagyan ng singsing.
 
  Ibinalik ni Micko sa lagayan nito ang naunang hawak at sabay na kinuha ang dalawang singsing na ibinigay ng sales lady sa kanya.
 
  Inilibot ko ang aking mga mata sa loob ng jewely store, nakakalula ang mga alahas dito sa loob. Halatang hindi basta bastang mga alahas ang ibinibenta rito.
 
  Nang makakita ng mga kwintas sa isang sulok ay doon ako pumunta para tumingin tingin.
 
  Busy pa naman si Micko at mukhang pinag iisipang mabuti ang kung ano nga ba ang singsing na gusto niya.
 
  Sobrang ganda ng mga kwintas na naroon. Napangiti pa ako habang tanaw ang mga kwintas sa loob ng istante.
 
  "Bagong dating lang ang mga necklace namin, ma'am," ani ng babaeng sales lady nang lumapit ito sa akin.
 
  Napangiti na lang ako ng hilaw dito. Hindi naman ako bibili pero kung maka sales talk naman s'ya sa akin.
 
  Ayaw kong kulitin ako ng babae kaya wala rin akong nagawa kundi bumalik sa tabi ni Micko na ngayon ay may napili na yata.
 
  "I'll get this one," anito at itinulak ng bahagya ang box ng singsing na kanyang napili.
 
  "We have sizes, sir. Ano po ba ang size na gusto n'yo?"
 
  Napahinto si Micko at napakamot pa sa kanyang sintido. Hindi rin yata alam ang size na bibilhin.
 
  Nilingon niya ako maya maya. "Lorren, favor naman, pwede mo bang isukat?" nahihiyang sabi niya sa akin.
 
  Kinuha ko ang singsing at sinuot sa aking daliri para matapos na kami doon. Napangiti si Micko nang makitang nagkasya iyon sa daliri ko.
 
  Maging ako ay napangiti rin dahil ang ganda ganda ng singsing. At kung sino man ang pagbibigyan niya nito ay napaka swerte.
 
  "Kukunin ko na po, miss!" Malapad ang ngiting baling niya sa sales lady. "Magkano po?"
 
  "Twenty five thousand pesos po, sir."
 
  Napanganga ako sa narinig na presyo. Bigla akong nanliit kaya maingat kong inalis iyon mula sa aking daliri at ibinalik sa box.
 
  Hindi yata bagay sa akin na magsuot ng ganoon ka mahal na bagay. Noong nasa elementary pa ako masaya na akong makapagsuot ng singsing galing sa kendi na tigpipiso sa tindahan.
 
  "Thank you, sir."
 
  Matapos kunin ang kanyang card ay lumabas na kami sa jewelry shop na iyon habang hawak hawak niya ang isang kamay ko. Napatingin pa nga ako roon dahil para bang kinukuryente na naman ako.
 
  "Kumain muna tayo bago umuwi," ani Micko sa akin matapos sulyapan ang suot nitong relo.
 
  Napatingin rin ako sa suot kong relo at alas otso pa lang ng gabi. "Sige," tugon ko.
 
  Kumain kami sa fast food chain na paborito namin ni Sabrina na paborito rin pala ni Micko. Matapos kumain ay nagtake out pa si Micko ng ilang pagkain.
 
  Nagtaka ako nang huminto kami sa gilid ng daan. Bumaba siya ng sasakyan kaya agad rin akong sumunod sa kanya.
 
  "Kuya!"
 
  Napalingon kami ng sabay nang magtakbuhan ang limang bata papunta sa amin.
 
  "Akala ko wala na kayo dito, eh," ani Micko na ginulo ang buhok ng pinakamatangkad sa kanila. "May pasalubong ako sa inyo," anito sabay abot ng tatlong plastic bag.
 
  "Salamat, Kuya Pogi!" sabay sabay na sabi ng mga ito.
 
  "Hati hati kayo d'yan, marami 'yan," ani Micko pa habang malaki ang ngiti na nakatunghay sa mga batang sabik na sabik ng kumain.
 
  Kaya pala kanina pa ito palinga linga sa paligid ng dinadaanan namin, ang mga batang ito pala ang kanyang hinahanap.
 
  "Nakita rin kita dati may kasama kang mga bata na kumakain sa gilid ng fast food. Sila rin ba 'yon?" tanong ko habang nakatunghay rin sa mga bata.
 
  "Oo. Mga kaibigan ko sila."
 
  "Kaibigan?" Kunut noo kong baling sa kanya.
 
  "Nang minsan kasing manakawan ako sila ang tumulong sa akin. Mababait silang mga bata at matagal ko na silang kilala."
 
  Napatingin ako sa limang bata. Wala talaga sa panlabas na anyo ang kabutihan ng puso ng isang tao. Katulad ng mga batang 'to, palaboy at batang kalye mang ituring ng iba na minsan ay pinandidirihan pa, naroon pa rin ang kabutihan sa kanila.
 
  "Kuya Pogi, sobrang salamat po dito, ha," sabi ng pinakamalaki sa mga ito. "Iuuwi ko na lang po ang iba sa dalawa pa naming kapatid na nasa bahay."
 
  "Ikaw ang bahala. Umuwi na kayo kasi gabi na. Uuwi na rin kami. Lorren, ito nga pala si Tristan. Si Tyron, si Trixie, si Ayesha, at si Erin. Mga bata, siya ang Ate Lorren n'yo."
 
  "Girlfriend mo po, kuya?" tanong ni Trixie.
 
  Nagkatinginan kami ni Micko at sabay na umiling dito.
 
  "Bagay po kayo," nakangiting anito pa.
 
  "Ikaw talaga, Trixie. Nakakahiya kina kuya," saway ni Tyron sa kapatid.
 
  "Kuya, bagay kaya sila 'no!" pairap na ani ni Trixie pa. "Kapag malaki na ako, sana maging kasing gwapo ni Kuya Micko ang maging prince charming ko."
 
  "Nangarap na naman po!" Naiiling pa si Tristan habang ginugulo ang buhok ng kanyang kapatid.
 
  "Kuya, naman ang buhok ko!" naiinis na saway ni Trixie dito.
 
  Natawa na lang rin kami ni Micko sa kulitan ng mga ito.
 
  "Uuwi na po kami. Salamat po!"
 
  Nang tuluyang mawala sa aming paningin ang limang bata ay saka lang rin kami umalis doon.
 
  Ten o'clock na rin kami naihatid ng driver ni Tita Olivia sa bahay. Hindi ko na nga naabutan ang mga kaibigan namin sa mansyon. Tanging ang inip na inip na si Sabrina na lang ang naroon.
 
  "Wala na ba kayong ibang pinuntahan? Doon lang talaga?"
 
  Pang ilang ulit na iyong tanong ni Sabrina simula ng umuwi kami dito sa bahay.
 
  "At saan mo naman ba kami gustong pumunta?" taas kilay kong tanong.
 
  "Sa malamig na lugar," ani Sabrina pa habang yakap ang sarili.
 
  "Puro ka kalokohan!" Natatawa ko siyang binato ng cotton pad na ginamit ko.
 
  Lumabas na ako ng banyo at nakasunod pa rin s'ya sa akin habang ngingiti ngiti pa rin.
 
  "Sana tinanong mo kung para kanino 'yong singsing," sabi na naman nito habang nagsusuklay ng kanyang mahabang buhok
 
  "Para saan naman? Baka sabihin no'n ang tsismosa ko naman," pairap kong tugon. "Malay mo sa girlfriend n'ya 'yon, kanino pa ba n'ya ibibigay 'di ba?"
 
  "Selos ka naman?" Maasim ang mukhang baling niya sa akin.
 
  "Bakit naman?"
 
  "Tinatanong pa ba 'yon? Syempre dahil gusto mo si Micko! Hello!"
 
  "Magselos man ako wala akong karapatan. Saka pwede ba, ikaw, tigilan mo ang kakaintriga sa akin. Matulog na lang tayo!" saway ko sa kanya at nahiga na sa aking kama.
 
  "Selos yern!" tudyo pa niya ulit sa akin. "Lorren, ang puso mo," aniya pang ngiting ngiti pa.
 
  Inirapan ko lang siya sabay talukbong ng aking kumot para matigil na siya sa kanyang pang aasar. Kapag hindi ko siya tinulugan hindi niya ako titigilan sa pang aasar.
 
  "Lorren... " tawag ni Sabrina sa akin maya maya. "Lorren!"
 
  "Ano?" ani kong nag alis na ng kumot sa ulo.
 
  "Hindi kaya para sa 'yo 'yong singsing," she said out of no where.
 
  Napailing na lang ako dahil sa likot ng imahinasyon ng pinsan ko.
 
  "Ang sabi nga ng marami, 'wag kang umasa dahil masasaktan ka lang,"
 
  "What if lang naman."
 
  "Kahit sa panaginip imposible, Sab. Matulog na tayo, okay."
 
  Imposible talaga, dahil hindi naman ang tipo ko ang magugustuhan niya.

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon