Isang linggo na lang at christmas break na kaya busy ang buong senior high dahil sa mga pinagagawa ng mga teachers. Tapos ko na ang mga gawain ko kaya marami akong oras na ginamit ko naman para tulungan si Sabrina.
"Okay na ba 'to?" tanong ko ng matapos kong gawan ng designs ang gagamitin niyang cover para sa project na ginagawa para sa Filipino.
"Wala ka talagang kupas! Pwede na 'yan," aniya pa at napalingon sa bukana ng cafeteria. "Sa bahay ko na itutuloy 'to. Nand'yan na 'yong mga love birds."
Napalingon rin ako sa bukana ng cafeteria at papasok na nga ang apat. Nagpunta sa pila sina Jared at Rocky dumiretso naman ang dalawa dito sa lamesa namin.
"Busy?" ani Monnette ng makalapit.
"Si Kristha?" kunot noong tanong ni Sabrina. "Bakit wala s'ya?"
"Hindi pumasok. Ewan ko do'n, sabi n'ya may emergency daw, eh," ani Carmina. "Nag-text lang 'yon kanina sa akin."
"Emergency?" natitigilang usal ko. "Si Nicko? Wala rin ba?" dagdag ko pa.
Napatingin pa ako kina Jared at Rocky na nagkukulitan sa pila.
"I don't know. Tanungin mo 'yong dalawa," si Carmina pa sa akin. "Sila lang naman ang laging kasama ni Nicko, eh."
Habang kumakain ay hindi ako mapakali. Gusto kong magtanong ngunit hindi ako makakuha ng tyempo dahil sa sweetness ng dalawang couple na ito sa harap namin ni Sabrina.
Napalingon sa gawi namin ang apat ng tumikhim si Sabrina. Matamis na ngumiti si Sabrina sa kanila at muling tumikhim.
"Bakit wala 'yong dalawa?" tanong ni Sabrina.
"Hindi ko alam. Nag text lang si Nicko kagabi na may importante daw siyang lakad," tugon ni Jared.
Napatingin naman si Sabrina kay Rocky.
"I don't know," kibit balikat lang na sagot nito.
Wala ring text message mula kay Nicko mula kagabi hanggang ngayon. Mabuti pa nga si Jared at nagawa nitong i-text. Nag text na rin ako kay Kristha pero wala ring sagot.
Kahit na nag aaway kami hindi ko pa rin naman maiaalis ang pag aalala ko sa kanya. Alam kong may problema si Nicko at iyon ang gusto kong alamin. Ayaw lang talaga niyang mag open sa akin.
Kung ni-reply-an ko lang sana ang kahit isa sa mga text niya, alam ko sana kung bakit wala siya sa school.
Naunang natapos ang klase ko kay Sabrina kaya naman dumaan na lang muna ako sa library. Hihiram na lang ako ng libro na pwede kong basahin.
Tambak na ang mga libro ko sa bahay pero wala pa ako sa mood basahin ang mga iyon dahil may iba akong hinahanap.
"Lorren?" Napapakunot pa ang noo ng library assistant habang binabasa ang pangalan ko sa aking i.d.
"Bakit po?"
"Wait lang," anitong may kinukuhang kung ano sa ilalim ng desk niya. "Ito, ipinabibigay sa 'yo." Sabay abot sa akin ng libro.
Nanlaki ang mga mata ko dahil iyon ang libro na dala ni Micko last time na magkita kami dito sa library. Sabi niya ipahihiram daw niya iyon sa akin.
Nandito kaya siya? Baka alam niya kung bakit hindi pumasok sina Kristha at Nicko.
"Miss, nasaan po 'yong nag iwan n'yan?" tanong ko habang palinga-linga sa paligid ko.
"Kakalabas lang."
"Sige po! Thank you po dito!"
Matapos kunin ang libro at i.d ko ay tumakbo na ako palabas. Kaliwa't kanan pa ang lingon ko, nagbabakasakaling makita ko si Micko.
BINABASA MO ANG
Right Here Waiting
Ficção AdolescenteTen years ago, nangako si Micko kay Lorren na babalikan siya nito. Babalik ito kapag maayos na ang lahat. Kapag handa na ang mga puso nila at malaya nang mag-mahal at kaya ng panindigan ang kani-kanilang nararamdaman. Kung ikaw si Lorren? Maghihinta...