CHAPTER 10

0 0 0
                                    

  Umugong ang bulung bulungan ng mga schoolmates namin nang makita rin ng mga ito si Nicko nang pumasok sa loob ng gymnasium
 
  Hindi ko maialis ang tingin sa kanya habang naglalakad siya papasok. Lumapit si Nicko sa akin kasama si Micko. Tinapik lang ni Micko ang balikat ng kakambal at tumingin sa akin bago kami iwan.
 
  "Can I have this dance?" tanong ni Nicko sabay lahad ng kanyang isang kamay sa akin.
 
  Nabigla man ay nagawa ko pa ring iabot ang kamay ko sa kanya. Titig na titig ako sa kanya habang inaakay niya ako sa gitna para maisayaw.
 
  Habang nagsasayaw ay ayon na naman ang bulungan ng marami. Ngunit hindi ko iyon alintana dahil sa lalaking kasayaw ko ngayon.
 
  Ang laki ng ipinagbago niya sa loob lang ng ilang buwan. Mas pumayat na siya nang huling makita ko siya, dumoble nga yata iyon ngayon. Malamlam rin ang kanyang mga mata kahit nakangiti pa siya sa akin. Kapansin pansin rin ang pagiging maputla niya.
 
  "Nandito ka," mahinang sambit ko. Hindi pa rin makapaniwala.
 
  Ngumiti lang siya ulit sa akin at nagsimula na nga kaming sumabay sa tugtugin.
 
  "Akala ko- Bakit-" Hindi ko alam kung ano ang unang sasabihin o itatanong ko sa kanya.
 
  Halos dalawang buwan rin siyang nawala. Wala akong balita sa kanya dahil ayaw ni Kristha na pag usapan ang tungkol sa kanyang pag alis.
 
  "Na-miss kita," aniyang nakangiti at nakatitig sa akin. "Ang ganda ganda mo."
 
  "Bakit umalis ka ng hindi man lang nagsasabi sa akin? Hindi mo rin ako tinawagan?" sumbat ko ng sa wakas ay makahanap na ng tamang salita. "Kahit ang mga chat at text ko hindi mo rin sinasagot?"
 
  "Pasensya ka na. Marami lang nangyari this past few months na-"
 
  "Na ayaw mo na namang sabihin sa akin?" biglang nanginig ang boses ko. "Akala ko ba magkaibigan tayo? Nicko, girlfriend mo 'ko. I'm willing to listen, I'm willing to understand you. Alam mo 'yan."
 
  Napayuko siya at saglit na natigilan. Nag angat ng ulo at sinalubong na ang mga tingin ko. "Honestly, kaya ako pumunta dito dahil may gusto sana akong sabihin sa 'yo. Matagal ko ng pinag isipan 'to. And now I have the courage to say this to you."
 
  Huminga siya ng malalim hindi rin nakatakas sa akin ang panunubig ng kanyang mga mata.
 
  "I'm breaking up with you, Lorren."
 
  Mahina lang ang pagkakasabi niya sa salitang iyon ngunit para iyong bomba na bigla na lang sumabog sa pandinig ko.
 
  "I'm really sorry for the pain that I've caused you. Siguro hanggang dito na lang talaga tayo," patuloy niya. "Malaya ka na."
 
  Hindi ako makagalaw o makapagsalita man lang. Akala ko noon ako ang magsasabi ng mga salitang iyon sa kanya.
 
  Matagal ko ring pinag isipan ang pakikipaghiwalay sa kanya. Hindi ko akalaing uunahan niya ako.
 
  Akala ko kapag naghiwalay na kami hindi ako masasaktan dahil hindi ko naman talaga siya minahal bilang boyfriend.
 
  Pero ngayon, parang pinipiga ang puso ko dahil nakikita ko siyang nasasaktan at nahihirapan. Kitang kita ko iyon sa kanyang mga mata.
 
  "M-may hindi ka ba sinasabi sa akin?" sa nnginginig na boses ay muli kong tanong.
 
  "Kailangan ko lang talaga ng space ngayon. Basta tandaan mo, mula noon hanggang ngayon ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal na mahal kita ng sobra, Lorren." Umiiyak siyang yumakap sa akin.
 
  Hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko at kusa na iyong pumatak isa isa. Hinagod ko rin ang likod ni Nicko na nakayakap pa rin sa akin.
 
  Maya maya ay kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin. May tinitingnan siya sa likuran ko kaya napalingon na rin ako doon.
 
  Naroon si Micko at nakatayo. Lumapit si Nicko sa kanya habang akay ako. Natigilan ako at nanlaki na lang sa gulat ang aking mga mata nang pagdaupin niya ang mga palad naming dalawa.
 
  "Aalis na ako. Mag ingat ka palagi," aniyang matamis ang ngiti sa akin.
 
  Tinapik niya si Micko sa balikat at naglakad na palayo. Nasa bungad ng gymnasium ang mommy nila nang sundan ko si Nicko ng tingin.
 
  Yumakap siya kay Tita Olivia at hinagod naman nito ang kanyang likod. Pinahid pa ni tita ang mga luha ng anak at kumaway pa sila sa amin bago tuluyang lisanin ang gym.
 
  "Can we?" untag ni Micko sa akin habang nakatanaw pa rin ako sa bukana ng gymnasium kahit wala na sina Nicko doon.
 
  Naguguluhan man ay tumango ako bilang sagot. Nagpatuloy ang mga estudyanteng naroon sa kani kanyang ginagawa ng hindi na matanaw pa si Nicko.
 
  Nakita ko ang mga kaibigan namim na nakaupo na sa lamesa at nakatanaw na lang sa amin ni Micko dito sa gitna.
 
  "Are you alright?" ani Micko dahil tahimik pa rin ako.
 
  "O-oo," tipid kong sagot.
 
  "Aalis na rin ulit si Nicko. Kung gusto mo s'yang habulin-"
 
  "Break na kami. He wants space, at ibibigay ko 'yon sa kanya. Alam kong may problema s'ya. Alam mo rin ba 'yon?" tanong ko at nag angat ng tingin sa kanya.
 
  Nag iwas siya ng tingin at humugot pa ng Malawi na paghinga. "Maybe he's tired."
 
  Buong gabi kong inisip ang nangyari sa prom. Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko pa rin lubos maisip na nangyari iyon.
 
  At hindi ko inakalang makakasayaw ko si Micko sa prom for the first time.
 
  "Ang lamig ng kamay mo," natatawang sabi niya at pinisil ang palad ko na hawak niya.
 
  "Hindi lang kasi ako sanay sa ganito," nahihiyang tugon ko.
 
  Pero ang totoo kinakabahan talaga ako sa hindi ko malamang dahilan. Ang lakas ng tibok ng puso ko at parang kinukuryente ang bawat himaymay ng aking katawan. Hindi ko rin siya matingnan ng maayos dahil naiilang ako sa mga titig niya.
 
  "Nakakatawa 'no? Six years tayong schoolmates. Fours years dumaan ang prom night pero ito ang unang pagkakataon na naisayaw kita, " aniya pang natawa ng bahagya.
 
  Madalang pa sa patak ng ulan ang naging mga pag uusap naming dalawa Sa cafeteria ko lang nga siya halos nakikita.
 
  "Masaya ako na naisayaw kita sa huling pagkakataon. Ito ang huling prom ko na naging memorable dahil naisayaw kita." Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.
 
  Memorable...
 
  Gusto kong matuwa sa mga sandaling iyon. Dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na maging malapit ng tulad nito kay Micko. Ngunit hindi ko lubusang magawa dahil naiisip ko si Nicko.
 
  "Tulala ka na lang ba d'yan?"
 
  Bumalik sa reyalidad ang aking isipan ng tapikin ni Sabrina ang hita ko.
 
  Sumandal ako sa sofa at napapikit pa. Sobrang dami kasi ng laman ng isip ko. Nakadagdag pa ang pagsasayaw namin ni Micko kagabi.
 
  Iyong pakiramdam na parang biglang umahon ang kilig ko. 'Yong tipong para kang nanalo sa lotto dahil isinayaw ka ng crush mo!
 
  "Crush ko s'ya?"
 
  Iyon na kaya ang tamang term sa nararamdaman kong ito?
 
  "Crush mo si Micko?" bulalas na tanong ni Sabrina.
 
  Kunot noo akong bumaling sa kanya. "Ano?" naguguluhang tanong ko.
 
  "Sabi mo crush mo s'ya!"
 
  "Sinabi ko ba 'yon?" nagtatakang tanong ko pa.
 
  "Oo kaya!" pairap niyang sagot.
 
  Natampal ko na lang ang noo ko dahil sa isip ko lang sana iyon. Aasarin na naman ako nitong isang 'to!
 
  "Crush mo si Micko?" tudyo ni Sab sa akin.
 
  "Wala naman akong binanggit na pangalan ah!" dipensa ko.
 
  "Si Micko 'yon for sure!" siguradong saad niya. "Crush mo si Micko!"
 
  "Crush mo ang pinsan ko?"
 
  Sabay kaming napalingon ni Sabrina sa pintuan ng magsalita si Kristha.
 
  "Hindi naka-lock ang gate at bukas naman ang pintuan kaya tumuloy na ako. So... crush mo nga ba si Micko?" nangingiting baling ni Kristha sa akin.
 
  "Wala naman akong sinabing gano'n! Si Sabrina kasi-"
 
  Ako na rin ang kusang tumahimik dahil base sa mukha ng dalawang nasa harapan ko ay hindi talaga sila maniniwala sa ano mang isasagot ko.
 
  "Wala namang masama 'di ba, Kris? Single na s'ya," ani Sabrina pang kikindat kindat kay Kristha.
 
  "Pwede na rin naman! Hindi na masama dahil sa pinsan ko pa rin naman siya nagkakagusto."
 
  "Nagkakagusto?!" sansala ko agad sa kanya. "Kanina crush lang! Ngayon gusto na!" nanlalaki ang mga matang bulalas ko.
 
  "Doon rin naman papunta 'yon, insan!" natatawang ani Sabrina.
 
  "Paano kung crush ka rin ng crush mo?" kinikilig na tanong ni Kristha.
 
  "Tigilan n'yo na nga ako! Kung ano ano na 'yang mga pinagsasabi n'yo!" saway ko pa sa kanila. "Bakit ka nga pala nadalaw dito?"
 
  "Wala sina tita, wala rin si Micko sa bahay. Nabo-bored na ako sa bahay kaya aayain ko sana kayong mamasyal. Don't worry sagot ko!" sabi niya agad.
 
  Ayaw ko sanang sumama sa dalawang ito pero napilit rin ako. At ngayon nga narito na kami sa sinehan para manood ng bagong palabas.
 
  Pagkatapos namin sa sinehan ay umakyat naman kami sa food court para doon kumain.
 
  "Cous!" tawag bigla ni Kristha sa lalaking nakatalikod.
 
  Sa likod pa lang ay alam ko ng si Micko iyon kaya hindi na ako nabigla pero ang puso ko parang nagwawala.
 
  Maraming babae ang napapatingin sa kanya habang naglalakad siya papunta sa amin.
 
  Para naman kasi siyang artista. Simple lang ang suot pero magaling magdala.
 
  "Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ni Kristha ng makalapit siya sa amin.
 
  "Namamasyal," simpleng sagot lang ni Micko dito.
 
  "Alone?" kunot noong tanong ni Kristha.
 
  "Masama ba?" kunot noo ring balik tanong niya sa kaibigan ko. "Galing akong book store. Bumili ako ng bagong libro." Sabay angat nito ng paper bag.
 
  "Nandito ka na rin lang samahan mo na lang kami para kumain," yaya na nito kay Micko. "Let's go!" excited pa nitong sabi at hinila na si Micko sa kung saan.
 
  Habang kumakain ay panay ang daldalan ng dalawang kasama namin. Samantalang kami ni Micko ay tahimik lang dito sa tabi.
 
  Nahihiya akong kausapin siya, hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko. Panay lang ang sulyap ko sa kanya at kapag nakatingin na siya sa akin ay saka ako mag iiwas ng tingin.
 
  "Hello, mom?"
 
  Napalingon ako sa kanya maging sina Kristha at Sabrina nang sagutin niya ang tawag.
 
  "What? Ngayon lang ba?"
 
  Parang kinabahan yata siya. Ano kayang nangyari?
 
  "I'm with Kristha! Uuwi na kami agad!" Agad siyang tumayo. "Kris, let's go! We need to go home now!" nagmamadaling ani Micko pa at sa kamamadali ay napunit pa ang paper bag na dala niya.
 
  Nahulog ang libro at ilang gamit na kasama noon. Agad akong natigilan nang makita ang mga stationary paper na nahulog sa sahig.
 
  Napatingin si Micko sa akin at agad nalipat ang tingin sa tinitingnan kong papel. Mabilis niya iyong sinamsam at pinatungan na lang ng ilang pad paper.
 
  "Tara na!"
 
  Nasundan ko na lang siya ng tanaw habang naglalakad palayo sa amin. Humabol naman si Kristha sa kanya matapos magpaalam sa amin ni Sabrina.
 
  Kilala ko ang stationary na 'yon! Pero baka nagkakamali lang ako...
 
 

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon