CHAPTER 4

2 1 0
                                    

"Ang tagal mo, ha. Ang lapit lang ng library, eh." puna ni Sabrina nang makalapit ako sa table na lagi naming ukupado dito sa cafeteria.

"Dumaan pa kasi ako sa locker," sagot ko matapos ilapag sa table ang mga librong bitbit ko.

"Library ba talaga?"

Napalingon ako kay Nicko dahil sa kanyang sinabi. Maging sina Sabrina ay napalingon rin sa kanya.

"Saan ko pala kinuha ang mga librong dala ko?" sarkastikong tanong ko.

Hindi pa nga kami gaanong nagkakaayos ay nag uumpisa na naman siya. Natahimik ang lahat dahil nakaramdam yata nang namumuong tensyon sa pagitan namin ni Nicko.

"Ah... So, ano? Dito ba tayo kakain o sa labas ng school na lang?" agaw ni Sabrina sa atensyon ng lahat.

"Hindi naman ako nagugutom. Mabuti pa umuwi na lang tayo dahil marami pa akong gagawin," ani ko. Tumayo na ako dahil wala na ako sa mood.

"Oo nga, guys, mabuti pa next time na lang tayo kumain. May pupuntahan pa kasi kami ni Rocky," sabi rin ni Carmina na nakatayo na kasunod si Rocky na dala na ang mga bag nila.

Agad ring sumang ayon sina Jared at Monnette na nagpaalam na rin kalaunan. Ako ang unang tumayo pero mas nauna pang umalis ang dalawang couple na iyon kaysa sa akin.

"Mauna na rin kami, Kris," paalam ni Sabrina sa tahimik na si Kristha.

Tumayo na rin si Sabrina at sumunod sa akin nang maglakad ako palabas. Hindi ko na pinansin pa si Nicko dahil sa sobrang inis ko.

Napahinto ako sa paglalakad nang may kamay na pumigil sa braso ko. Napatingin ako kay Nicko at bakas ang galit sa mukha nito.

"Cous!" tawag ni Kristha dito.

"Kaya ka ba laging nagagalit sa akin dahil may iba ka na? Ano? Ginagawa mong way ang galit-galitan mong attitude to towards me para madali kitang sukuan at iwan?"

"Ano bang sinasabi mo-"

"Answer me?!"

"Ano bang problema mo?! Sa ating dalawa ikaw ang laging mainit ang ulo! Pati taong nananahimik dinadamay mo sa galit mo!" Sumabog na ang inis ko. "Tapos pagbibintangan mo akong may iba?!" Natawa talaga ako ng nakakaloko.

"Ano 'to?!"

Nasundan ko ng tingin ang papel na itinapon niya sa lapag. Sa sobre pa lang ay alam ko na, na iyon ang sobreng kakakuha ko lang sa locker ko kanina.

Mula sa pagkakatitig ko sa sobreng iyon ay siya naman ang binalingan ko. "Binasa mo?" tanong kong sagad na yata ang inis. Pati papel na walang kamalay-malay pinagdidiskitahan niya.

"Obvious naman na love letter 'yan kahit hindi ko buksan at basahin!" aniya pang dinuro-duro ang sobreng lukut-lukot na sa lapag.

"Guys, pwede ba 'wag naman kayo ditong mag away. Nakakaagaw na tayo ng atensyon ng ibang students," awat ni Kristha sa amin ni Nicko.

Pinulot ko ang sobre at sa harap niya mismo ay binuksan ko iyon. "Sana naman bago mo 'ko pagbintangan ng kung anu-ano binasa mo muna 'to!" Sabay bato ko sa mukha niya ng stationary paper.

"Lorren, tara na! Umuwi na tayo. Baka may dumating pang teachers malalagot tayo sa ginagawa n'yo, eh," ani Sabrina na hinila na ako sa aking kamay.

"Hindi ko alam kung nagda-drugs ka ba o ano? Habang tumatagal nag iiba na 'yang ugali mo! At sana bago mo 'ko pagbintangan alamin mo muna!" nanggigigil kong saad at saka sila tinalikuran.

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon