Pagkatapos namin kumain, nag-stay pa kami sa canteen at nagtambay dahil wala naman masyadong estudyante na mangangailangan ng upuan. Kahit na nagtambay kami, pare pareho naman kami nakaharap sa kanya kanyang phones.
"Namemorize n'yo na ba periodic table? Ugh! Kaloka talaga si Ma'am, bakit niya ipapa-memorize sa atin 'yun? Ang dami!" Reklamo ni Annie kaya napaangat lahat kami ng tingin sa kanya.
"Tamad ka lang mag-memorize." Kantyaw ni Oliver.
Sinamaan siya ng tingin ni Annie. "Sino bang masipag mag-memorize?"
"Madali lang naman 'yung sa periodic table. May kanta dun diba? Try mo baka mabilis mo matandaan." Sabi ni Christian.
"Talaga?" Nanlaki ang mga mata ni Annie. "Saan? Patingin? Anong isesearch?"
Umusog si Annie para mas lalong malapit kay Christian at tumingin sa phone nito. Napatingin ako bigla kay Oliver at nakita ko ang mabilis na pagbabago ng reaksyon niya. Nalaglag ang panga ko.
Hindi napansin ni Oliver na nakita ko ang reaksyon niya dahil nag-cellphone na ulit siya. Naramdaman ko naman ang tingin ni Stanley sa akin at nang magtama ang mga tingin namin, tinaas niya ang kanyang index finger at dinikit sa kanyang labi habang nakangisi.
Napasinghap ako. Oh! I guess what I saw was real. And for some reason, naintindihan ko agad ang ibig sabihin ng reaksyon na iyon. Napangiti ako. Ako naman ngayon ang mang-aasar kay Annie.
10 minutes na lang bago matapos ang lunch break nang tumayo na kami at nagligpit ng mga pinag-kainan namin. Pagkalabas namin ng canteen ay saktong may papasok na iilang estudyante. Napahinto ang boys na nasa harap namin kaya napahinto rin kami.
"Patapos na lunch, ngayon pa lang kayo kakain?" Dinig kong tanong ni Daniel.
"May tinapos kaming project." Sagot ng isang lalaki na hindi pamilyar ang boses sa akin. Hindi ko sila makita dahil nakaharang sina Daniel, Stanley, Oliver, at Christian.
"Okay lang ba 'yan? 10 minutes na lang." Sabi ni Oliver.
"Yeah. Wala kaming teacher sa next subject."
"Pero ang agang project naman niyan!"
"Right? Pasalamat kayo magkaiba tayo ng Chemistry teacher."
"Mas pipiliin ko na 'yung project kaysa memorization." Pagrarant ni Annie sa tabi ko.
"Huh?"
Napalingon ang boys sa katabi ko kaya nagkaroon ng siwang sa harap at nakita namin ang mga kinakausap nina Daniel. Nang magtama ang mga mata namin nung lalaking nasa unahan at feeling ko ay siya ang kausap nina Daniel, nagulat siya at nanlaki ang mga mata.
"Hi, Maddie." Nakangiti niyang bati.
Kinantyawan siya ng mga kasama niyang kaklase at hindi naman mawala ang ngiti niya.
Nagtataka ako pero sumagot pa rin ako. "Hi,"
Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Stanley at pinasok niya sa magkabilang bulsa ng pants ang kanyang mga kamay. Why wouldn't I notice? Nasa harap ko siya!
BINABASA MO ANG
Sana Hindi Na Lang
Short StorySana hindi na lang ako umamin sayo. Sana hindi na lang kita nagustuhan. If I didn't, we're still close, you're still by my side. ©️2023