Kabanata 14

3 0 0
                                    

Hindi pa ako nakakapag pahinga ng maayos ay hinila na ako ni Annie sa dance floor ulit para sumayaw. Napakalakas ng music at hindi pwedeng hindi ka sumayaw dahil nakaka enganyo ang tugtog.


Gumiling-giling si Annie sa harap ko at tinaas ang kamay ko bilang pag anyaya. Kahit pagod ay nakisayaw na rin ako sa kanya. Hindi ako dancer but I still know how to enjoy dancing.


Nakita ko ang mabilis na paglapit ni Oliver kay Annie na tumatalon talon sa beat ng music. Hinawakan siya ni Oliver sa isang kamay at inikot. Nagulat ako nang may humawak din sa kamay ko at inikot ako.


"Daniel!" Tumawa ako.


Napalingon ako sa table namin dahil si Stanley na lang ang nandoon, even Christian's here with us.


"Is he okay?" Sigaw ko kay Daniel habang nagsasayaw kami.


"Si Stan? Ayain mo na lang sumayaw later, ookay na 'yan!"


Sinapak ko siya. "Mukhang date sila ni Sandra."


Alternate na tumataas ang mga kamay niya habang nagsasayaw. Ako naman ay tumatalon ng kaunti habang sumasayaw.


"Wala kaming date ni Stanley."


Kumunot ang noo ko. "How about Christian?"


"Meron. Ate ko!" Sumagot mismo ang taong itinanong ko. He's grinding!


Napailing na lang ako.


"Ate mo?" I clarified.


Tumango siya. "Nag break sila ng boyfriend kaya ako inaya niya." Nagkibit-balikat na lang siya.


Dumami kami dahil lumapit na ang ibang mga kaklase namin kaya naka circle kaming malaki. Halos sa amin nakatoon ang pansin ng mga estudyanteng naiwan sa mga table at kahit ang ibang mga estudyanteng nasa dance floor ay nakikisayaw sa amin. Pero ilang sandali lang at dahil pagod na ako, hindi ako nagtagal at bumalik na sa table.


Diretso ang tingin ko sa table namin at kay Stanley na parang tulala sa kawalan. "Stan, are you okay?" Tanong ko at umupo sa tabi niya.


Para siyang nagulat sa akin pero ngumiti naman. "I'm fine."


Nilakasan ko ang loob ko nang tanungin siya. "Can we dance later? Kapag slow melody na ulit. Hindi tayo natuloy kanina e."


Humalukipkip siya at tumango.


Nag-cellphone na lang ako at ni-video sina Annie at mga kaklase namin na nagsasayaw. Nagulat ako nang maramdaman ang kamay sa balikat ko. When I traced the hand, it was Stan's tapos sa kabilang kamay niya ang cellphone.


"Picture tayo." Aniya.


Ngumiti agad ako at nag-flash ang phone niya. Binigay ko sa kanya ang phone ko. "Sakin din."


Kinuha niya ang phone ko at tinutok sa harap namin then another flash. We stopped nung dumating si Marco at nag-picture din kami sa phone niya. I just realized wala kaming picture ni Marco mula kanina.


When I heard the music turned mellow, napalingon agad ako kay Stanley. Nakatayo na siya at nakaabang ang kanyang kamay. Nakangiti kong tinanggap ang kamay niya and we danced.


"You're beautiful tonight, Mads." Aniya.


Bumilis ang tibok ng puso ko at para akong naiihi. "Thank you."


"I'm happy we became friends."


Tiningnan ko siya sa mga mata. Wala akong masabi, hindi ko alam kung anong reaksyon niya, hindi ko alam kung anong nararamdaman niya. I'm also happy we're friends pero bakit parang ang sad ng pagkakasabi niya?


Sana Hindi Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon