"Nagtext na ba sayo si Marco?"
Nagulat ako sa tanong ni Stanley habang pababa kami ng building. Napalingon ako sa kanya. Napansin kong wala na ang awkwardness na nararamdaman ko sa kanya. Am I weird? I don't know. Pero dahil sa sinabi ni Stan na may iba siyang gusto, okay na ulit ako makipag-usap sa kanya.
Kinuha ko ang phone sa bulsa ng palda ko at nakitang wala namang texts. Tinagilid ko ang ulo ko. "Wala naman?" Saka ako nagtaka. "Alam niya number ko?"
"Daniel gave it."
Napanguso ako. Why would he share my number without my permission?
"Sorry. Actually, matagal na siyang hinihingi ni Marco sa amin dati pa. Pero recently, nung tinanong ulit ni Marco, tumanggi pa rin ako pero binigay ni Daniel."
"Why would he do that?"
Nagkibit-balikat siya.
Naglalakad na kami sa hallway nang matahimik kaming dalawa. Hanggang sa makalabas na kami ng school, wala na kaming imikan. Pakiramdam ko may gustong sabihin si Stanley pero mas pinili niyang manahimik. Nauna siyang nakasakay sa sasakyan nila dahil nasa kabila pa nag-park si Daddy.
Kinagabihan, nakatanggap ako ng tawag kay Annie. Nasa kwarto ako at nagsasagot ng assignment bago tawagin para mag-dinner. Binaba ko ang ballpen na hawak ko at sinagot ang tawag ng kaibigan ko.
"Hello."
"Maddie!" Galit niyang sigaw. Huli na ng mailayo ko ang phone sa tainga ko dahil nabingi talaga ako sa sigaw na 'yun.
"Anong problema?"
"Naiinis talaga ako sa Kristel na 'yun! Arghhh! Kung hindi lang ako pinigilan nina Oliver at Daniel, hindi lang sabunot nakuha niya sakin."
Nalaglag ang panga ko. "What happened?"
Kinwento sa akin ni Annie ang nangyari. Sina Oliver at Daniel lang ang kasali sa basketball nilang boys kasama iyong sina Marco from the other section. Si Annie lang din ang sumama na manood sa kanila from our class. Nung una ay sila sila lang pero dumating si Kristel at iba niyang mga kaklase para manood din.
"Eh? Wala si Christian?" Tanong daw ni Kristel nang makita ang mga naglalaro.
Nag-panting ang tainga ni Annie at sinamaan ng tingin si Kristel.
"I came to cheer on him kasi sabi ni Marco aayain niya ang class A boys." Dagdag na sabi ni Kristel.
"Nandiyan naman si Oliver saka Daniel." Sabi ng isang kasama ni Kristel.
"Oo nga. Pero sayang wala rin sina Stanley at Nathan."
"Did you come here just to ogle?" Nagngingitngit ang mga ngipin na tanong ni Annie.
Sabay sabay na napalingon ang girls kay Annie. "Ha? Sino ka?" Tanong ng isang babae.
"From class A." Sagot ni Kristel.
"May pangalan ako, Kristel. I'm not just from class A."
"Ah, si Annie." Tamad na sabi ni Kristel.
"Tsk. Kung lalaki lang pinunta n'yo rito, pwede lumayo-layo kayo ng upo? Ang daming pwesto oh." Sabi ni Annie.
Suminghap si Kristel at halata na ang inis sa mukha niya. "Ano bang pake mo?"
Umusok ang tainga ni Annie sa inis. "Naririnig ko kasi kalandian ninyo!"
"What?" Sigaw ni Kristel at tumayo. "Grabe ka makapagsalita ah! Eh ikaw, bakit ka nandito? Ikaw lang mag-isa."
BINABASA MO ANG
Sana Hindi Na Lang
Short StorySana hindi na lang ako umamin sayo. Sana hindi na lang kita nagustuhan. If I didn't, we're still close, you're still by my side. ©️2023