Naglalakad kami papunta sa canteen nung mapansin ko ang grupo nina Marco na patungo rin doon. Mukhang nakita rin sila ni Daniel dahil tinawag niya ito.
"Can we join you?" Tanong ni Marco na nakatingin sa akin.
Siniko ako ni Annie. Nagulat ako dahil kanina lang ay malayo siya sakin, ka-holding hands ang boyfriend niyang si Oliver tapos ilang segundo lang ay nasa tabi ko na siya. Hindi ko pa pinaparamdam sa kanya na nagseselos na ako kay Oliver dahil sila na parati ang magkasama.
"Kung okay lang sa kanila." Sabi ko at nilingon ang mga kasama ko.
Wala naman reaksyon ang mga boys kaya naglakad na kami papasok ng canteen. As usual mahaba ang pila pero mabilis naman ang service nila dahil sanay na sanay at hindi naman kulang sa tao ang mga nasa canteen.
"Anong oorderin mo, Maddie?" Tanong ni Marco na nasa likod ko.
"Fried chicken lang."
"Anong gusto mong sabaw? Or ibang ulam? I'll share with you."
"Ha? No need."
"Sige na?"
Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang mga nakahain na pagkain. "Menudo na lang."
"Okay."
Nakahanap ng pwesto si Christian na nauuna sa amin sa pila at sumunod na lang kami sa kanya. Napalingon ako kay Marco na tumabi sa akin. Sa kabilang gilid ko naman ay si Annie na katabi syempre ang boyfriend niya.
"Ah, I haven't introduced you yet." I looked at Marco na tinuturo na ang mga kasama niyang boys. "These are Mykel, Jio and Justin the twins, and Austin."
"H-Hi." Nahihiya kong bati.
"Hi." Nakangiti naman nilang bati sa akin, sa akin dahil nakalingon sila sa akin. And I'm sure magkakakilala na sila nina Daniel.
Pagkatapos ng introductions ay kumain na kami. Nag-uusap sa basketball ang ibang mga boys habang ang mag-kasintahan sa katabi ko ay tahimik naman na kumakain. Napansin kong nilipat ni Christian ang bell pepper mul- sa kanyang sweet and sour pork na ulam, papunta sa plato ni Stanley na katabi niya. Nilingon ko sila.
Nginitian lang ni Christian si Stanley at pinagpatuloy ang pagkain niya. Nagtama naman ang mata namin ni Stanley pero wala siyang reaksyon na pinakita. There is, pero sobrang ikling ngiti. As in parang tumaas lang ng onting degrees ang isang side ng labi niya at tinoon na ulit ang pansin sa kanyang pagkain.
Hindi ko na nasundan dahil naramdaman ko ang braso ni Marco na dumampi sa braso ko. Nilapit niya ang sarili niya para malagyan ng ulam na menudo ang plate ko. Tipid akong ngumiti.
"Thank you."
"Okay lang ba parati na akong sasabay mag-lunch sayo?" Bulong niya.
Umangat ang tingin ko sa mga kasama ko pero wala naman silang pansin sa amin. Tumango na lang ako kay Marco.
Since then nakakasabay na nga namin mag-lunch ang class B boys na sila Marco, Mykel, Jio, Justin, and Austin. With their chattery and playful attitudes (just like Daniel and the gang), I became comfortable around them. Hindi rin maiiwasan ang mga roll eyes ni Kristel kapag nakikita ko siya.
One time nung pauwi na kami, dumaan ang malakas na hangin sa gilid ko dahil sa mabilis na pagtakbo ng isang estudyante at nilagpasan ako. When I look at her, nakilala ko siya– it was Sandra, my classmate. Sinundan ko siya ng tingin. Ah! Humabol pala siya kay Stanley na nasa bandang unahan na at naglalakad mag-isa. Sina Daniel at Oliver kasi ay may basketball practice. Si Christian naman ay nagpunta ng library.
Biglang sumagi sa isip ko na kaming dalawa pala ang naiwan sa aming grupo. Huwag n'yo ng tanungin kung saan si Annie dahil obvious naman kung nasaan siya ngayon. Malapit na talaga ako magtampo sa babaeng iyon.
Anyway, bigla lang akong nagtaka na hindi ako inaya ni Stanley na sabay lumabas ng room. Then it hit me. When was our last text? When was the last time we talked? We text and talk randomly but it's like we're just strangers with each other, where in fact we're friends in the same group. Iniiwasan ba niya ako? Is he mad at me? Anong ginawa ko?
I'm really feeling his cold shoulder towards me kaya umiiwas na lang ako sa kanya. When I was trying to avoid him before, naramdaman niya agad kaya siya na mismo ang umiwas din sa akin. That was a great help to me dahil sobrang awkward ko at hindi ko alam ang gagawin ko. So this time, if he's avoiding me for any reason, I'll do the same to him para hindi siya mahirapan. Wala akong sama ng loob pero alam ko ang pakiramdam ng gustong umiwas pero mahirap dahil nasa iisang grupo nga lang kami.
They stopped at the gate to talk about something. Napatingin si Stanley sa akin, baka nakita niyang nakatitig ako sa kanila ni Sandra? Gosh, sorry! Nag-iwas ako ng tingin at naglalakad pa rin then nilagpasan sila.
"Anong oras tayo magkikita sa Saturday?" That's what I heard nung nilagpasan ko sila.
There was a distance but I still heard Sandra asking that. Hindi ko na narinig ang sagot ni Stanley dahil mabilis na akong nakalayo.
I guess they've gotten closer after the partner assignment. Ah! Omg! Don't tell me si Sandra ang gusto ni Stanley? Napatakip ako ng bibig. That makes sense! And I guess I really should avoid Stanley lalo na nasa iisang group kami. I know it's some kind of like etiquette kung may nililigawan o may ka-relasyon ang kaibigan mo. Especially if it's a guy na kaibigan ko, I need to put distance between us in respect of the girl he's chasing or in a relationship with.
Hindi siya katulad nang kina Annie at Oliver kahit na magka-relasyon sila at pareho silang nasa grupo namin. I could say kasi na hindi same ng level ng closeness namin ni Stanley ang closeness ko kay Annie. And sila mismo ang may sariling mundo kahit na magkakasama kami. Oh, well, I guess I'll be alone now.
Annie and Oliver are busy with their loving relationship. Daniel is busy with basketball. Si Christian wala naman halos pake yan sa nangyayari. Si Stanley gusto si Sandra at nasa iwasan stage ulit kami. I think I'll be alone or maybe kaming dalawa na lang ni Christian ang natira.
That's what I thought. Pero kinabukasan, nakita ko ng naghihintay si Marco sa labas ng room namin. Ngumiti siya agad nang magtama ang tingin namin.
"Okay lang sayo lunch tayo sa labas ng school? Nasubukan mo na ba 'yung karinderya sa labas?" Tanong niya.
"Actually hindi pa and I've always wanted to try it."
"Great! Tara kain tayo dun!"
"Okay." Ngumiti ako. "Nasaan mga friends mo?"
"Iniwan ko." Ngumisi siya.
Nag-init ang pisngi ko.
"Actually sila ang nang-iwan sa akin." Hindi mawala ang ngiti ni Marco nang sabihin iyon kaya nagtaka ako.
Why is he happy kung iniwan siya ng mga friends niya? But I didn't ask.
BINABASA MO ANG
Sana Hindi Na Lang
Short StorySana hindi na lang ako umamin sayo. Sana hindi na lang kita nagustuhan. If I didn't, we're still close, you're still by my side. ©️2023