"Masarap?" Tanong ni Marco nung makaupo na kami sa table.
Tumango ako. "Masarap! Tama lang yung anghang."
Umorder ako ng bicol express samantalang si Marco ay umorder ng bistek.
"Masarap din 'tong kariman nila." Aniya.
Masaya ako habang kumakain dito sa karinderya sa labas ng school. At totoong mas mura ang pagkain dito compare sa canteen, kaya siguro mas madalas dito kumain ang mga estudyante.
Habang kumakain ay walang tigil sa pagkukwento si Marco– tungkol sa subjects namin kung anong naturo na ng teacher, anong mga assignments or projects, kung anong ginagawa niya tuwing weekends, at kung ano ano pa. Tapos na kami kumain pero hindi siya nawawalan ng kwento.
Natatawa ako kapag may kinukwento siyang nakakatawa, kumukunot ang noo ko kapag kinukwento niya ang teacher nilang sobrang sungit na kahit simpleng pagbagsak lang daw ng ballpen sa sahig ay ayaw na niya.
It wasn't long before I became comfortable with him. Hindi na lang siya Marco na kilala ko by name at taga kabilang section, he's now Marco who's my friend.
"Mads, susunduin ka ba ngayon ng Daddy mo?" Nagulat ako sa tanong ni Annie habang nagliligpit kami ng gamit.
Dahil parati na kaming magkasama ni Marco– mapa break or lunch, hindi ko na napansin na nagkakausap at nagkakasama na lang kami ni Annie sa loob ng classroom. It just became that way. Na-busy ako sa mga kwento ni Marco na naging natural na lang sa akin na may boyfriend na nga si Annie at sila na parati ang magkasama.
"Oo. Bakit?"
"Wow ha. Ang cold mo." Umirap siya.
Kumunot ang noo ko. Saang part ang cold doon?
"Okay." Aniya saka mabilis na sinukbit ang kanyang Naruto na bag at lumabas ng room. Lumipad ang tingin ko sa pwesto ni Oliver pero wala siya.
Nilapitan ko sina Daniel, Stanley, at Christian na magkakasama.
"Where's Oliver?" Tanong ko.
"We don't know." Sagot ni Daniel.
Umangat ang tingin ko sa kanya saka ko napansin ang seryosong paninitig ni Stanley sa akin. Tiningnan ko siya pero bumaling ulit kay Daniel.
"Did they fight?" Tanong ko.
Tumawa si Daniel pero si Stanley ang nagsalita. "You don't know?" Nakataas ang isang kilay niya.
"Ha?" Pagtataka ko.
"They broke up." Sabi ni Christian.
"What?" Sigaw ko. "Kailan pa?"
"Last week."
Napalingon ako sa pintuan kung saan lumabas si Annie kanina. What happened? Bakit hindi ko alam?
"Nandito na sundo mo, Mads." Nakangising sabi ni Daniel.
"Si Daddy?" Bakit papasok ng school si Daddy? Pero nasagot ang tanong ko nang tumingin sa kabilang pinto. Marco's already standing there and looking out to me.
"Kayo na ba?" Seryosong tanong ulit ni Stanley.
"Ha? We're just friends." Sabi ko.
Hindi na ako nagpaalam sa kanila at kinuha ang bag ko. Lumabas ako ng classroom at agad sumalubong sa akin si Marco. Sabay kaming bumaba ng building.
BINABASA MO ANG
Sana Hindi Na Lang
Historia CortaSana hindi na lang ako umamin sayo. Sana hindi na lang kita nagustuhan. If I didn't, we're still close, you're still by my side. ©️2023