Kabanata 24

5 0 0
                                    

Hindi naman completely naging isolated si Marco sa class namin dahil walang alam ang mga kaklase namin sa nangyari, only my friends know. Pero alam ng mga kaklase namin na nag-break na kami ni Marco. At kung minsan, nauuwi pa sa asaran. Tinutukso pa rin nila kaming dalawa at hindi ko mapigilan ang pag-ikot ng mga mata ni Annie sa tuwing ganon ang sitwasyon.

We graduated high school and I graduated with honors. I'm glad na nakapasok ako sa top 10. Pagkatapos ng ceremony, nakita kong nag-iiyakan ang iba naming mga kaklase at ibang mga estudyante. Annie and I decided to go to the same department and university. Makakasama namin sina Oliver at Daniel. Si Christian ay sa ibang university planong mag-enroll.

Nakasoot pa rin kami ng toga at hawak ang aming mga certificate nang itapat ni Mama sa amin ang dala niyang camera. Magkakatabi kami at nag-pose sa harap ng camera. Habang nakangiti, nakita ko si Marco na lumapit kay Daddy at nagmano dahil nakita niya ito. Sinabi ko rin noon sa parents ko na wala na kami ni Marco pero syempre hindi ko sinabi ang tunay na rason. I just told them na we decided to break our relationship mutually.

Nang magtama ang mga mata namin ni Marco, he smiled. It's a genuine smile. He mouthed "Congratulations". May kumirot sa dibdib ko. Kung kami pa rin hanggang ngayon at hindi nangyari iyon, I'm sure we're both happy celebrating our graduation.

Hindi mawawala sa akin ang pagsisisi dahil nagustuhan ko talaga si Marco. He opened that world to me. I was comfortable around him. I liked being with him. Pero hindi ganun kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya dahil isang pagkakamali lang pero nakuha kong putulin agad ang kung anong meron kami. Kung tinanggap ko siya noong nagmamakaawa siya, lalo lang siyang kawawa at hindi rin magtatagal ay mafafall out pa rin ang relasyon namin.

Sinuklian ko ang ngiti niya. It's like I'm saying goodbye to him. Thank you, Marco. Thank you for teaching me how to love and be loved.

During vacation, nasa bahay lang ako. When I think of him, I sometimes look in Facebook and search for his name. Pero wala talaga. Nakuha ko ngang ma-search pati accounts ni Daddy Isaah pero wala talagang balita sa kanya. Sandali lang kami naging close dahil nga sa hindi kami nagpapansinan nung una, pero nung maging okay kami, there's really a connection between us. Tapos naawkward ulit ako sa kanya then okay na naman kami. Minsan natatawa nalang ako. Pero naiisip ko, baka ako lang 'yung ganon ang iniisip kasi iyong connection namin baka dahil lang sa nag-eavesdrop ako nung gabing iyon sa lamay ng Mommy niya. I accidentally discovered his true identity, which he also just discovered then.

Bago magpasukan, nakatanggap ako ng text kay Daniel. Nagpakitaan na kami ng mga schedules namin nung sabay sabay kaming mag-enroll. Syempre pareho kami ni Annie at stuck na naman kami sa isa't isa for the whole duration of our college days. May araw na pareho namin ng oras ng 1st class sina Oliver at Daniel kahit na iba ang courses nila.

Daniel:

Sunduin kita bukas. 9:30

Nagulat ako. Magtatanong na sana ako pero kaagad siyang nagpadala ng another text.

Daniel:

Hindi mo pa inopen group chat natin no? Hindi ka raw mapipick up nina Oliver at Annie. Maaga silang aalis, may pupuntahan before classes.

Napatango ako. Nag-reply ako kay Daniel at binuksan ang group chat namin at nakitang nagsabi nga si Annie na hindi ako makakasabay sa kanila bukas. Nag-react nalang ako sa message nila.

Kinabukasan, on time ang pagdating ni Daniel sa amin. Nakita ko pa ang paglaglag ng panga niya nang makita ako. Natawa ako sa reaksyon niya. Nung isang araw ko lang kasi naisipan ipagupit ang mahaba kong buhok so ngayong shoulder length nalang.

Sana Hindi Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon