Sobrang lakas ng mga sigaw sa basketball court at alive na alive rin ang announcer. Magkatabi kami ni Annie na soot pa rin ang cheerleading uniform niya pero naka PE pants na at jacket ni Oliver. I really felt the kilig dahil sa likod ng jacket ay nakalagay ang surname na Manalo, then sa harap ng varsity jacket ay ang initial na A. Yes, it's a jacket na dedicated for Annie. The front shouts her initials while on the back shouts his surname. It really shouts na Annie's jusg for Oliver. Kaya ang kaibigan ko, proud na proud habang soot ito at sobra ang cheer niya sa basketball team nila.
Nasa bench kami with all other 3rd year students at palakasan ng cheer. Nasa kabilang section ang ibang mga estudyante while cheering for their own team.
Magkakasama kami nina Annie, Stanley, Christian, Justin, and Austin. Daniel, Marco, Oliver, Jio, and Mykel are on the court playing basketball, though sina Marco at Daniel lang ang nasali sa starting 5.
Wala akong masyadong naiintindihan sa larong basketball but I do know when they earn a score. Nasa team man namin ang bola o hindi, we always shout and cheer for them. Our Team didn't win pero they still ranked 3rd.
Kinabukasan, wala kaming classes in preparation for tonight's Intrams ball. Black and white ang theme ng party. It will start at 5pm then ends at 12mn.
Glittery black sleeveless dress ang ni-renta ni Mama for me. Sobrang balloon sa ibabang part ng dress pero comfortable pa rin naman sootin. Nilagyan din ng glitters ang mukha ko at dibdib ko. Akala ko awkward ang panget dahil glittery na ang gown ko pero nung makita ko ang sarili ko sa salamin, nalaglag na lang ang panga ko. Grabe talaga ang epekto ng make up sa tao, magbabago talaga itsura mo.
Hinatid ako ni Daddy sa school and si Kuya na raw ang magsusundo sa akin later dahil kailangan niyang makapag-pahinga ng maaga. So pinayagan niya mag-drive si Kuya and okay lang sa kanya dahil puyat naman siya parati.
Pagkarating sa school, sobrang liwanag pa rin at hindi mo aakalain na maggagabi. I saw Annie wearing a black dress as well with sequins designs. Sobrang ganda niya at tumangkad siya ng kaunti with her high heels.
Nasa room na rin sina Daniel, Stan, Oliver, and Christian. They're all wearing a white polo with black tux. They all look handsome and gentleman. Pagkarating ko, nag-aya agad ang mga kaklase ko for picture taking. Kanya-kanyang kuha sa mga phones at may nagdala ng camera.
Nung time na to start the program, nagpunta na si Marco sa room namin para sunduin ako. He's definitely dashing with his white tux. He's like a groom, ready to walk down the aisle with his bride. Pero siguro mabuti na lang na black gown ang pinakuha ko kay Mama, dahil kung puti ito, we will definitely look like a wedding couple.
"You're so beautiful, Maddie." Seryoso niyang sabi habang nakakapit ako sa braso niya.
Nag-init ang pisngi ko. "Thank you."
I couldn't compliment him dahil sa kaba ko. Yes, nag-agree ako to be his date pero hindi pa rin mawawala sa akin ang awkwardness at pag-ooverthink na bigyan niya ng meaning ang pagtanggap ko.
Nag-start ang program sa usual speeches from the Principal and teachers. Then na-serve na ang dinner. While having the desserts, nag-announce na ng winners for stars of the night. Yung nanalong girl is a 2nd year student while sa lalaki ay 4th year student. They started the slow dance then isa isa nang nag-aya ang mga lalaki sa kani kanilang mga partners. Hindi nagtagal ay dumami na ang mga nagsasayaw sa gitna.
"Maddie." Tawag ni Marco. Kahit malakas ang music, dinig ko pa rin siya. "Can we dance?"
Nilagay ko ang kamay ko sa naghihintay niyang palad. Bago ako tumayo ay nilingon ko ang mga kasama ko sa table. Wala na sina Annie at Oliver so they're probably on the dance floor already. Wala rin si Christian but I doubt he's dancing. Tumakas siguro iyon para mag-vape sa labas. Naiwan sa table si Stanley and Daniel na nag-uusap at palinga linga sa paligid. Nagtama ang mga tingin namin ni Stanley pero nag-iwas agad ako at nagpatianod na sa hila ni Marco.
We went to the dance floor. Nilagay niya ang magkabilang kamay sa baywang ko so I put my hands around his nape. Nag step kami from side to side dahil iyon lang ang slow dance for us. We danced like that for at least 5 minutes siguro? Mejo matagal kasi kwentuhan kami.
"Don't hoard her for yourself, bro." Natigil sa pagsasalita si Marco when Daniel came near us. "Maddie, can we dance?"
Ngumiti ako. "Okay." Nilagay ko ang palad ko sa palad niya.
Just like with Marco, nakahawak sa baywang ko si Daniel at ako naman sa batok niya.
"You're my first dance." Aniya.
"So you waited for me?"
"Yeah." Kumintab ang earrings niya from the dancing lights. "After mo nakapila na ang mga kaklase nating girls." Humalakhak siya.
Tumawa na lang ako.
After dancing, sinabi kong napagod na ako kaya hinatid niya ako sa table namin bago siya umalis to dance with our other classmates. Si Marco ay nasa mga kaklase na rin niya. I saw him being dragged by his classmates earlier. Nakabalik na rin si Christian sa table pero wala si Stanley. I then saw him dancing with Sandra.
"Sila na ba?" Bigla kong tanong kay Christian.
"No? Ewan ko." Sagot niya.
"Christian, can we dance?" Lumapit si Angelica sa table namin.
"Okay!" Sagot ni Christian saka sila pumunta ng dance floor.
Napalitan siya nina Annie at Oliver na bumalik na sa table namin.
"Mads, let's dance?" Nagulat ako nang ayain ako ni Oliver. Napalingon ako kay Annie na ngumiti lang sa akin.
Inabot ko ang kamay ko sa kanya and we danced. After a while, hindi ko napansin na nasa tabi namin sina Stanley.
"Exchange?" Oliver asked kaya napalingon ako sa katabi namin.
Tumango si Sandra. "Okay." Nakangiti niyang sabi.
What's this? Lumakas ang tibok ng puso ko at parang naiihi na naman ako. I know our boys will dance with all of us girls pero etong kay Stanley ay hindi niya ako tinanong, si Oliver lang ang nakipag-palit as partners. Pero bago pa ako makalipat kay Stanley, may ibang lalaki nang humarang sa harap ko. Hindi ko siya kilala but he's tall, kasing tangkad ni Daniel.
"Hi, Maddie. Can we dance?"
"Ahm..." I hesitated. Nilingon ko si Stanley na nasa likod niya kaya napalingon din 'yung lalaki sa kanya.
"Oh, ahm, sorry. Balik na lang ako mamaya."
"No, it's okay." Sabi ni Stanley at bumalik na sa table namin.
Kahit nagulat ako ay wala akong nagawa kundi makipag-sayaw sa lalaking hindi ko kilala. After him, nagsunod-sunod ang mga lalaking hindi ko kilala and asked for a dance with me. Ending, nasa dance floor ako for 30 minutes. I was so thankful nung naging upbeat na ang music.
"Ang benta mo today, Mads." Komento ni Annie pagkaupo ko.
Kumunot ang noo ko.
"Maddie is creating a cult of boys crushing on you." Tumawa si Daniel pero hindi ko na lang pinansin.
BINABASA MO ANG
Sana Hindi Na Lang
Krótkie OpowiadaniaSana hindi na lang ako umamin sayo. Sana hindi na lang kita nagustuhan. If I didn't, we're still close, you're still by my side. ©️2023