"Uy, Maddie, 'yung pinag-usapan natin ha? Tutulungan mo ako kay Stanley." Hinawi ni Kristel ang takas niyang buhok at inipit sa kanyang tainga.
Gusto ko siyang irapan. Masungit siya sa akin noon pa pero nung malaman niyang naging close kami ni Stanley, nagsimula na siyang maging mabait sa akin. Dati, kapag nagkasalubong kami sa hallway o kaya sa canteen, halos tumaas na sa utak niya ang mga mata niya sa kakairap sa akin.
Nung una, hindi ko alam kung bakit bigla na lang may umiirap sa akin, kung bakit galit siya sa akin. Sinabi lang sa akin ni Annie, kaibigan ko, na 'yung galit sa akin ni Kristel ay dahil sa kaklase niyang si Marco. May gusto raw sakin 'yong Marco. Nalaglag talaga panga ko nung sinabi ni Annie iyon. Hindi dahil sa may gusto sa akin iyong Marco, pero dahil sa iyon ang dahilan nang galit sa akin ni Kristel. Isa pa, hindi ko naman kilala 'yong Marco. In the first place, wala akong kakilala sa ibang section, mga kaklase ko lang talaga kilala ko.
Pero ayun na nga, dahil ako raw 'yung gusto nung Marco, naghanap ng ibang magiging crush si Kristel. Nakita niya si Stanley na kaklase namin ni Annie, kaya siya na ang next target niya.
"Ibibigay ko lang naman number mo diba?" Tanong ko kay Kristel.
Ramdam na ramdam ko na nagpipigil siya ng pag-iisnab sa akin. Gusto ko tumawa sa mukha niya.
"Hindi! Ilalakad mo ako sa kanya. Ipapakilala mo ako."
"Bakit hindi ka patulong sa iba?" Napalingon kami kay Annie. "Diba magkapit-bahay kayo ni Daniel? Magkaibigan sila ni Stanley, so bakit hindi ka sa kanya magpatulong?"
Umirap na talaga si Kristel, pero hindi sa akin, kay Annie. "Kung close lang kami, sana siya kausap ko ngayon diba?"
Tumawa si Annie saka bumulong. "Sabihin mo lang, binasted ka kasi ni Daniel dati." Bumulong siya pero narinig ko, narinig din ni Kristel.
Feeling ko may usok na lumabas sa butas ng ilong at tainga ni Kristel. "Annie!"
Nagpigil ako ng tawa. "Sige na, susubukan ko, Kristel." Sabi ko.
Mabilis siyang tumingin sa akin saka ngumiti ng plastik. "Thank you, Maddie!"
Umalis na siya agad at naiwan kami ni Annie. Tiningnan ako ni Annie saka sinimangutan.
"Tutulungan mo talaga 'yung panget na 'yon?"
Natawa na ako. "Annie, ang judgmental mo!"
Tumawa na rin siya. "Totoo naman! Kita mo ang kapal ng make up niya? High school pa lang pero make up niya pang bangkay!"
"Hahaha, Annie, anong connect nun?"
"Basta! Naiirita ako sa mukha niya."
Hindi ko na lang pinansin. Nilagay ko na sa bag ko ang mga notebook at libro ko. Sumunod si Annie sa akin pagkalabas ng classroom.
"Susunduin ka ba ngayon?" Tanong niya.
"Hindi yata. Magcocommute lang ako." Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko. Nagtext nga si Daddy, hindi niya ako masusundo.
"Oh talaga? Oh tara na, sabay na tayo. Libre mo ako pamasahe." Tumawa siya.
Malapit na kami sa school gate nung makita namin si Stanley na kakapasok lang sa sasakyan nila. Nakababa ang bintana ng sasakyan nila kaya nakita ko ang napaka-gwapong Daddy niya.
Elementary hanggang high school magkaklase kami nina Annie, Stanley, at Daniel. Puro girls lang talaga ang mga ka-close ko. Nakakausap ko rin naman ang mga boys pero si Stanley lang ang hindi ko nakakausap. Hindi ko alam bakit pero awkward ang feeling ko kaya hindi ko siya tinitingnan o kinakausap.
BINABASA MO ANG
Sana Hindi Na Lang
Short StorySana hindi na lang ako umamin sayo. Sana hindi na lang kita nagustuhan. If I didn't, we're still close, you're still by my side. ©️2023