Pagbalik namin sa school kinabukasan, nalaglag ang panga ko nang makita ang mukha ni Marco. May pasa siya sa gilid ng labi at hindi niya ako matingnan ng diretso. Dumating sina Annie at Oliver na parehong seryoso ang mga mukha. Naramdaman ko agad ang bilis ng tibok ng puso ko. I'm also feeling regret. Nagsisisi ako na sinabi ko kay Annie at hinayaan ko siyang sabihin sa mga kaibigan namin. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko na sensitive topic yata ang nangyari at nakakahiyang malaman ng iba.
Dumating din sina Mykel, Justin, Jio, at Austin na nasa labas ng room. Nang magkatinginan kami, sila ang naunang nag-iwas ng tingin. I guess, they also know what happened. Kung sinong nagsabi, hindi ko alam.
What will they think of me? Madaldal? Pakipot kasi hindi ko binigay ang sarili ko kahit na may relasyon naman kami ni Marco?
Umupo na lang ako sa upuan ko at umupo na rin si Annie. Napansin ko ang pag-irap niya kay Marco bago siya umupo sa pwesto niya. Naaawa ako kay Marco. He's not a transferee pero para na rin siyang transferee dahil ngayon lang namin siya naka-klase. Siya lang mag-isa samantalang ang tagal na ng pinagsamahan naming lahat magkaklase sa section A.
"Maddie." Tawag ni Annie.
Inangat ko ang tingin sa kanya dahil nakayuko ako.
"Hindi ko sinabi sa boys. They already knew."
Nanlaki ang mga mata ko. "Sinong nagsabi?"
"Sabi ni Oliver, lumapit si Marco kay Daniel to ask for help and advice. Christian was there too nung mag-usap sila, kinwento lang niya kay Oliver."
Napalingon ako kina Daniel at Christian. Hindi lumilingon si Daniel dito pero ramdam ko ang galit kahit na likod niya lang ang nakikita ko. Lumingon si Christian sa akin, marahil ay napansin ang mga tingin ko. Nagulat ako when he smiled at me. It's like he's telling me everything's okay and they're here for me. Gusto ko tuloy maiyak. Wala naman nangyari, hindi natuloy kung ano man ang gustong mangyari ni Marco noon pero sa mga inaakto nila, parang napaka big deal at may nangyari nga.
"I'm sorry." Bulong ko.
Kumunot ang noo niya.
"Bakit ka nagso-sorry? It's his fault." Narinig ni Annie ang sinabi ko.
Nilingon ko ang kaibigan ko pero hindi nalang ako nagsalita. I suddenly thought of Stanley. Kung nandito siya at nalaman niya ang nangyari, ano kayang magiging reaksyon niya? I'm sure daig pa niya si Annie at magagalit iyon sa akin. I miss him.
Dumating ang lunch, sa canteen na kami kumakain. Noon kasama si Marco, sa labas ng school. Pero simula nung hindi na kami okay, bumalik kami sa canteen.
"Gusto mo siyang makausap?" Nagtataka na tanong ni Oliver.
Tumango ako. "Hindi pa kami nagkakausap simula nung araw na iyon. Hindi ko alam kung anong meron sa relasyon namin ngayon."
Binagsak ni Annie ang kanyang kutsara sa table. Napalingon ang ibang mga estudyante sa amin pero pinigilan naman siya agad ni Oliver.
"Obvious naman 'yun, break na kayo."
"Mads, I think it's best na huwag na kayo mag-usap." sabi ni Christian.
"Hindi ba kailangan ng closure kapag nag-end ang relationship?" Tanong ko.
"Oo, pero sa kaso nyo parang hindi na kailangan. Binastos ka niya."
Tiningnan ko si Daniel na mula kanina ay tahimik. Hinanap ko ang mga tingin niya at napatalon siya nang makitang tinitingnan ko siya.
BINABASA MO ANG
Sana Hindi Na Lang
Krótkie OpowiadaniaSana hindi na lang ako umamin sayo. Sana hindi na lang kita nagustuhan. If I didn't, we're still close, you're still by my side. ©️2023