Kabanata 22

2 0 0
                                    

Hindi mawala ang nginig ng katawan ko at bilis ng pintig ng puso ko. Ilang oras na matapos akong makauwi ng bahay at nararamdaman ko na ang gutom ko. I think it's already passed lunch time.

Kanina pa nagva-vibrate ang cellphone ko pero hindi ko magawang tingnan kung anong nagnonotif doon. Ni hindi ko alam kung nasa bahay ba sina Mama at kung alam ba niyang nakauwi na ako kanina pa. Hindi nila alam na ipapakilala ako ni Marco sa family niya ngayon, ang alam nila ay usual date lang naming dalawa.


Hindi ko rin napansin na umiiyak na pala ako. Pinunasan ko ang pisngi ko at sinubukan tumayo pero nanghina ang tuhod ko at napaupo ulit. Thankfully, sa kama ako nakaupo kaya nag-bounce lang ako. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari. Paulit-ulit sa utak ko ang senaryo at pag iisip na baka misunderstanding ko lang talaga ang lahat. Sobrang nahihiya ako sa ginawa ko at sa sarili ko. Nagpunas ulit ako ng pisngi nang may makatakas na naman na luha.

Sinubukan ko ulit tumayo and when I was able to, sinigurado kong maayos ang mukha ko. Umiyak ako pero hindi ganun kalala dahil tahimik lang na bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko nga napansin na umiiyak na ako. Kinuha ko ang tuwalya ko na nakasabit sa likod ng pintuan at lumabas ng kwarto. Dahan dahan at nakayuko ako habang naglalakad palabas ng kwarto at papunta ng kusina kung saan nandun ang banyo pero pinapakiramdaman ko rin kung nandiyan ba si Mama o kaya si Kuya sa paligid.


Nalagpasan ko lahat ng walang tumatawag sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag. Mabilis akong pumasok ng banyo at napahawak sa dibdib ko. Phew! Wala si Mama! First time ko ganito kumilos sa sarili naming bahay.


Naligo ulit ako. Pakiramdam ko kailangan kong buhusan ng malamig na tubig ang ulo ko para magising at kalimutan ang nangyari. I still don't know what he meant by 'do it' pero sa mga nangyari, is it safe to say na tama ang hinala ko? Pero pwede ring hindi dahil hindi ko pinakinggan ang explanation ni Marco. Pero ano pang mukha ang maihaharap ko? Nag walk out ako and I'm sure panget na ang impression ng Mama niya sa akin. And even if I was wrong, I still don't have the guts to be with him anymore. I may have hurt him for not trusting him. Misunderstanding or not, I know it's already over for us. Mag-sorry man ako o mag-sorry siya, there's no going back. Pero siguro explanations are needed? We need closure pero siguro hindi agad agad dahil sobrang hiya talaga ng ginawa ko.


Habang naliligo, pinagdasal ko na sana walang pasok ng 1 week!


Pagkalabas ko ng banyo, nagulat ako at pareho kaming napasigaw ni Mama. Nagluluto siya.


"Maddie? Kakauwi mo lang?"


"Kanina pa po."


"Akala ko ba may date kayo ni Marco?"


"Hindi na po natuloy. May kinailangan kasi siyang gawin." Pagsisinungaling ko. Yeah, iyon ang naisip kong idahilan kung sakaling tanungin ako ni Mama.


I really don't want to lie pero anong magagawa ko? Anong sasabihin ko? Natatakot ako sa magiging reaksyon ng parents ko and I don't really want to tell them what happened coz it'll just be a one-sided story. My point of view.

Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang niluluto niya. I tried my best to act normal dahil ayokong makita niya o mapansin niya ang panginginig ng katawan ko. I didn't expect na marami akong magagawang firsts dahil sa nangyaring ito.


Pagkalapit ko sa kanya, nakita ko kung anong niluluto niya. Ah, nagpiprito siya ng banana cue para meryenda. Hindi ako kumain ng lunch, so isasabay ko na ang lunch at meryenda. Naramdaman ko na naman ang gutom. Nakahawak ako sa tuwalyang nakabalot sa katawan ko at mabilis na tumakbo pabalik sa kwarto ko.

Pagkabalik ko ng kwarto, inuna kong kunin ang cellphone ko bago ako magbihis ng damit. Nilakasan ko ang loob ko at lumunok. They're all messages and missed calls from Marco. Binuksan ko ang mga messages niya.


Sana Hindi Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon