Nakatayo ako habang hinihintay na makalapit si Annie sa akin. Napakalaki ng mga ngiti niya nang bumitaw na siya sa hawak ni Oliver at lumapit sa akin para makaupo sa pwesto niya. Sumunod na rin ako ng upo.
"Huuuy! Annie, ano 'yun?" Naunahan na akong magtanong ng mga kaklase namin. Kaliwa't kanan na rin ang tanong sa direksyon ng mga boys.
Tumawa si Annie. "Anooo? In a relationship na kami. Mamaya papalitan ko na status ko sa facebook." I swear abot hanggang tainga ang mga ngiti ng kaibigan ko.
"Kyaaah! Hindi namin expect na magiging kayo! Anong nangyari?"
"Diba hindi mo pinapansin ang boys kailan lang?"
Napatango ako at naghintay ng sagot.
"Past is past." Komento lang niya.
Kinulit pa siya ng kinulit ng mga girls pero ang kaibigan ko parang artista kung makasagot– hindi diretso at puro tawa.
Pagka-lunch, ayun ang bakla nakalimutan yata na magkaibigan pa kami! Simula break at ngayong lunch ay kay Oliver agad siya nakadikit. Inaaya pa rin niya ako at hinihintay pero mabilis siyang nakakapit kay Oliver. Tapos magkatabi na sila sa table habang kumakain. Napapailing na lang kaming mga kasama nila.
"Pwede na ba kayo mag-kwento ngayon?" Tanong ni Daniel habang nasa canteen kami.
Nagkatinginan sina Annie at Oliver. "Well, nung sinundan ko siya kahapon nag-sorry ako tapos okay na kami. He confessed then sabi ko kami na."
Kumunot talaga ang noo ko at hindi ko napigilan na ang magtanong. "Hindi mo sinabi sakin na gusto mo pala si Oliver?"
"Haha, hindi naman talaga. Pero nung nag-confess siya, kinilig ako. So why not try it?"
"Okay lang sayo 'yun, bro?" Tanong ni Daniel.
"Hm, okay lang." nakingiting sagot ni Oliver.
Hindi ko maintindihan kung gusto na rin ba ngayon ni Annie si Oliver pero kung hindi, hindi naman niya sasagutin agad ito diba? Saka ganun ba yun? In a relationship agad pagka-confess ng lalaki? Hindi ba naawkward si Annie nung mag-confess si Oliver sa kanya?
Pagkatapos ng klase, nagpaalam na si Annie at sabay sila ni Oliver na umalis. Maiiwan din naman talaga ako ngayon dahil hihintayin ko si Daniel at para maumpisahan na namin ang research for our assignment.
I took this chance para kausapin si Marco. Sobrang kaba ko nung sinend ko iyong text sa kanya. Wala pa siya pero nahihiya na ako at naaawkward na ako.
Nagkita kami sa likod ng building namin. Nagulat ako nung nauna siyang makarating doon at hinihintay na ako.
"Sorry, naghintay ka pa." Nilakasan ko ang loob ko.
"Okay lang." ngumiti siya.
"Ano... ahm..." pinaglaruan ko ang mga daliri ko. Iniwan ko ang bag ko sa classroom namin at pinabantay ko kay Daniel kaya wala akong buhat ngayon. Kinusot ko ang palda ko.
"Maddie, okay lang. Please be comfortable when you talk to me."
Napaangat ang tingin ko sa kanya. Nanginginig ang boses ko at nangangati ang mga mata ko. Gusto kong maiyak sa kaba at guilt.
"Sorry. Hindi pa ako magpapaligaw."
I saw pain in his eyes pero hindi natanggal ang mga ngiti niya. "I kind of... expected it. I mean I was happy when you agreed pero nagulat ako. I just thought bawiin mo man o hindi, I'd be happy."
BINABASA MO ANG
Sana Hindi Na Lang
Short StorySana hindi na lang ako umamin sayo. Sana hindi na lang kita nagustuhan. If I didn't, we're still close, you're still by my side. ©️2023