CHAPTER 9 Meet the Noble's

907 29 0
                                    

Akira's P.O.V

Nandito ako ngayon sa kwarto ko dahil inis na inis ako sa nangyari sa akin kanina. Sino naman ang hindi maiinis kung nanakawin niya yung first ko. Kainis para yun sa nakatadhana na sakin pero ninakawa lang niya.

"AHHHHHHHHHHHHHH NAKAKAINIS NAMAN OHHH"-sigaw ko sa kwarto ko. Nang biglang may kumatok sa pinto. Kaya lumapit naman ako para tignan kung sino ang kumatok ng makita ko ay si ate sophia lang pala at kasama pa sina kuya carl at kuya john.

"Anong nangyari akira, may masakit ba sayo, may pumasok ba sa kwarto mo, ano samagot ka"-sigaw ni ate sa akin ang OA naman nito.

"Ano ba ate ang OA mo naman eh, pano ako sasagot eh sunod sunod yun"-sigaw ko din sa kanya kaya napatawa naman yung dalawa.

"Ang sakit mo naman magsalita sa akin akira hindi naman ako OA ha"-sigaw niya at umakto pa itong natatampo. Kaya napatawa nalang ako.

"HAHAHAHA ang pangit mo ate sophia"-tawang sabi ko sa kanya.

"Pwede ba kaming pumasok akira"-sabi naman ni kuya john kaya binuksan ko ito ng malaki. Pumasok naman sila sa kwarto ko ay umupo pa talaga sa higaan ko.

"Ano ba kasi ang nangyari sayo narinig kalang namin na sumisigaw"-sabi naman ni kuya carl sa akin.

"Kaya nga ano ba kasi yung nangyari akira, nag-alala na kami baka napano kana"-sabi naman ni ate sa akin. Napaka suwerte ko dahil nandito sila. Kaya ayaw kung maging cold sa kanila dahil sobrang bait nilang tatlo. Ayaw ko silang masaktan pag may gustong manakit sa tatlong ito ako ang makakalaban nila.

"Wala lang to ate at kuya's naiinis lang ako"-sabi ko naman sa kanila kaya tumungo nalang ito.

"Pag may problema ka akira sabihin mo naman sa amin dahil handa kaming makinig sayo"-sabi ni ate sophia. "Pano kung sabihin ko sa inyo na naiinis ako dahil may nagnakaw na first kiss ko. Wait lang nakaw ba yun dahil sabay kaming natumba ahhhhhhhh"-sabi ng isip ko.

"Ayan ka na naman akira nakatulala ka naman, at bakit namumula yung mukha mo may lagnat kaba"-sabi ni kuya carl at tumingin sa akin kaya napatingin naman ang dalawa sa akin. Kaya napaiwas ako ng tingin sh*t.

"Oo nga akira namumula ka may masakit na sayo"-alalang sabi ni ate at lumapit sa akin at hinawakan yung noo ko.

"Wala ka naman lagnat nat namumula ka"-sabi pa niya sa akin sh*t talaga.

"Wala lang to ate mainit kasi"-sabi ko sa kanya.

"Huh hindi naman mainit ha, sa katunayan sobrang lamig nga nang kwarto mo eh"-sabi naman ni kuya john sa akin.

"Wala lang to, wag na kayong mag-alala da akin"-sabi ko sa kanila.

"Pano kami hindi mag-alala sayo kung narinig ka namin na sumigaw, kaibigan mo kami akira"-sabi naman ni kuya carl sa akin.

"Wala lang talaga, gutom lang talaga ako hehehe"-sabi ko sa kanila sabay pout. Napaiwas naman sila ng tingin ano ba talaga ang problema nang mga to.

"O siya pumunta na tayo sa baba at kakain na tayo"-sabi ni ate sophia at tumakbo ito. Sumunod naman yung dalawa. Anong problema nong tatlong yung pangit ba ako pag nag pout. Hindi ko nalang yun pinansin at lumabas nalang ako sa room ko at nakita ko nga sila sa kusina na nakaupo na sa mga upuan nila at nakita ko rin ang masasarap ng mga pagkain. Nag-uusap usap lang kaming apat at minsan din ay tumatawa dahil sa bangayan ng dalawang kasama namin ni ate.

"Pwede ba carl wag mong ubusin lahat, patay gutom ka talaga ano"-suway ni kuya john kay kuya carl.

"Ano bang problema mo kita mong kumakain yung tao eh"-sabi naman ni kuya carl at kami naman ay nakikinig lang.

THE MAFIA GAY REINCARNATED TO A WEAK GAY PRINCE ( ONGOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon