CHAPTER 64 Explain and Forgiveness

346 13 6
                                    

Disclaimer: ⚠️ GRAMMATICAL ERROR AND WRONG TYPOS AHEAD.

[ Alec's P.O.V ]

Nandito kaming magkakaibigan sa sala ng palasyo nina Akira. Nagkukuwentuhan ang mga kaibigan ko at ako naman ay tahimik lang at iniisip yung nangyari sa amin ni Akira yung halikan namin at muntikan pang mapunta sa pagtatalik, hindi kuna kasi nakontrol yung emosyon ko kaya nangyari yun sa amin.

“Bakit wala pa sina Akira at ang mga kaibigan niya!”–sabi ni Britney sa amin kaya napatingin kami sa kanya.

“Yan din ang napapansin ko kanina pa lang!”–sabi din ni Marco sa amin.

“Sige pupuntahan ko lang siya sa kwarto niya baka nandon siya at yung mga kaibigan niya!”–sabi ni Devi sa amin at tumayo kaya tumayo nadin kami.

“Sasama nalang kami sayo Devi!”–sabi ko sa kanya kaya tumango lang ito. Naglalakad na kami ngayon sa hallway papunta sa kwarto ni Akira.

“Sana kausapin na tayo ni akira at maging okay na tayong lahat!”–sabi ng kapatid ko na si Alexa habang naglalakad kami.

“Kaya nga miss ko na siya!”–sabi naman ni Britney sa amin.

Nang makita namin ang pinto ng kwarto ni ay agad kaming lumapit dun narinig nga namin ang sigawan at tawanan sa loob kaya dahan dahan naming binuksan ang pinto at nakita namin namin sila na tumatawa habang nag hahampasan ng mga unan nakita nga namin sa sahig ang mga feathers na nakakalat nakita namin na nasa kama sila naghahampasan at tumatalon pa.

[ THIRD PERSON P.O.V ]

Makikita mo naman sa mukha ng mga royalties ang inggit, sisi, lungkot at pagkadismaya sa nakita nila. Inggit na sana sila nalang ang nasa posisyon ng mga kaibigan ni Akira. Sisi dahil sa mga nagawang mali nila kay Akira. Lungkot dahil nakita nilang masaya si Akira pero hindi dahil sa kanila kundi dahil sa totoong mga kaibigan niya. Dismaya kung bakit ngayon hindi parin sila pinapansin ni Akira.

Si Akira naman at mga kaibigan niya ay hindi parin nila napapansin na may nakatingin na pala sa kanila dahil busy sila sa paghahampasan sa mga sarili nila kaya hindi nila napansin na kanina pa nakatingin ang mga royalties at ang tatlong kuya ni Akira.

Nakita nilang lahat kung paano nalaglag si Farrah at napasigaw ito sa sakit. Tatawa na sana sila pero hindi nila ito natuloy.

“AHHHHHHH F*CK ANG SAKIT NG LIKOD KO. FEEL KO NA DISLOCATE ITO!”–sigaw na sabi ni Farrah sa mga Kaibigan niya. Tatawa na sana sina Akira ng hindi ito natuloy dahil napatingin sila sa may pinto ng kwarto niya at nakita nga nilang anim ang lahat ng royalties na nakatingin sa kanila.

“AHHHHHH SH*T, HEY B*TCH CYRILL HELP, NAKAKAHIYA SA KANILA!”–sabi ni Farrah kay Cyrill pero hindi ito pinansin ni Cyrill dahil nakatingin lang ito sa pinto.

“Need a Hands?!”–tanong na sabi ni john at sabay lahad ng kamay para kay Farrah kaya napatingin naman si Farrah kay John at nakita parin ni Farrah ang kulay ng mata ni John. Tinanggap naman ni Farrah ang kamay ni John para tulongan siya nitong makatayo.

“Ang ganda talaga ng mata mo, hindi nakakasawang tignan!”–sabi ni Farrah kay John kaya nagulat naman ang mga kaibigan ni John.

“Anong sinabi mo Farrah, nakita mo ang pagbabago ng mata ni John!”–gulat na sabi ni Demi sa kanya kaya napatango naman si Farrah.

“Hindi moba alam kung sino ang makakita ng pagbabago ng kulay ng mata ng isang bampira ay siya ang magiging mate nito!”–sabi ni Demon kaya nagulat naman si Cyrill sa narinig niya pati si Farrah na napatakip pa ng bibig at humarap kay John.

THE MAFIA GAY REINCARNATED TO A WEAK GAY PRINCE ( ONGOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon