CHAPTER 24 First Target

707 27 0
                                    




⚠️ Grammatical error and wrong typos ahead.



Akira's P.O.V


Nandito ako ngayon sa kwarto ko tumatawa mag isa. Hindi parin ako satisfy sa ginawa ko kanina kulang pa yung dugo na nakikita ko.




Nakaupo ako ngayon sa study table ko at nag-iisip kung sino ang una kung target sa mga royalties hindi ko naman sila papatayin, papahirapan ko lang sila gaya ng ginawa nila sa aking katawan at kay farrah na siyang gumamit sa katawan ko dati.





Lumabas nalang ako dahil nabobored na ako sa loob at paglabas ko palang ay maraming kawal ang tumatakbo sa hallway ng palasyong toh. Sinundan ko naman sila kung saan sila pupunta at nakita ko nga na pupunta sila sa labas ng palasyo at nakita ko sila mom, dad, ate sophia, kuya carl, kuya john at max pati na ang mga walang kw*nta kung mga kapatid at ang royalties nakanganga sila at gulat na gulat sa nakita nila, nakita ko din ang mga royalties na nagsusuka sa gilid. Lumapit naman ako kay mom at tinanong ko ito.





"Mom anong nangyayari bat nasa labas kayo"-sweet na sabi ko kay mom kaya napatingin silang lahat sa akin.




"Sweetie bat lumabas ka, bumalik ka muna sa loob"-sabi niya sa akin pero hindi ko pinansin ang sinabi niya sa akin at lumapit ako sa kanila.




Pagkalapit ko ay nakita ko nga ang apat na babaing p*natay ko at yung mga lamang loob na nasa plastic.





"Mahal na hari hindi po namin nakita kung sino ang naglagay dito"-sabi ng kawal kay dad.




"ANOOO SINO ANG PANGAHAS NA GUMAWA NITO"-sigaw na galit ni dad para mapangisi ako ng maalala ko yun.




"Hindi din namin alam mahal na hari dahil gutay na gutay po ang katawan nilang apat"-sabi ng kawal kay dad. Kaya mas lalo akong napangisi ng walang dahilan, hindi talaga nila malalaman na ako ang gumawa n'yan sa sa kanila. Tumawa naman ako ng mahina yung ako lang ang makakarinig at ngumisi ng nakakakilabot.



THIRD PERSON P.O.V



Hindi alam ni akira na may matang nakatingin sa kanya hindi lang isa kundi marami sila. Ito ay ang mga royalties ang tatlong kuya niya at ang mga kaibigan niya na sina ate sophia, kuya carl, kuya john at max. Kanina pa nila tinitignan si akira at nakita nga nilang tumawa ito ng mahina at ngumisi. Kaya napaatras sila ng makita nila yun napatingin naman sila sa gilid ng paa ni akira na may kuting dugo dito at sa likod naman ng kamay ni akira ay kunai na palagi niyang dala nakatago ito sa isang kamay niya. Nagulat ang lahat ng lumingon sa kanila si akira at ngumisi ito sabay tawa sa kanila nilabas naman ni akira yung kunai niya na may kunting dugo pa ito. Napaatras naman ang mga royalties na lalaki at ang mga babaing royalties naman ay natumba.





Nang dahil sa pagtumba ng mga babaing royalties ay napatingin sa kanila ang hari at reyna kaya dali daling itinago ni akira yung kunai niya sabay sabing.





"My gosh royalties are you okay"-sweet na sabi niya at lumapit sa mga royalties sumunod naman ang hari at reyna sa anak nila. Nakita ng lahat kung paano tinulungan ni akira ang isang babaing royalties para tumayo at pagkatapos ay may binulong si akira sa tenga ng isang babaing royalties.





"Your next. I will kill you"-bulong na sabi ni akira ng marinig yun ni alexa ay nagulat siya at natulak niya si akira kaya nagulat ang lahat sa ginawa niya.





"YOU B*TCH"-sigaw ni alexa at galit na galit ito umakting naman si akira na natatakot siya.





"Mom, dad it's hurt"-iyak na sabi ni akira at tinignan niya yung siko niya. Nang makita yun ng reyna ay dali dali siyang pumunta kay alexa at sinampal ito ng malakas kaya napaupo naman ito.




"HOW DARE YOU ALEXA, BAKIT MO TINULAK ANG ANAK NAMIN. IKAW NAYONG TINOTULUNGAN IKAW PA ANG MAY GANANG ITULAK ANG ANAK KO"-malakas na sigaw ng mahal na reyna at dali daling pumunta sa anak niya na umiiyak na ngayon dahil sa sakit. Lumapit naman ang mga royalties kay alexa at tinulungan itong tumayo.





"Mom I'm Fine, baka nabigla lang po si ate alexa"-sabi ni akira sa ina niya. Pero deep inside gusto na niyang sumuka dahil sa pagtawag niya ng ate kay alexa.





Tinignan lang ng mahal na hari ang tatlong anak niyang lalaki na lumapit kay alexa. Pati na ng mga royalties ay tinignan niya ng masama hindi kasali sila ate sophia.





"Baby pumasok muna tayo sa loob ng palasyo para magamot natin yang sugat mo"-sabi ng mahal na hari sa anak niya. Nakita naman itong tumungo lang kaya nilapitan niya ang anak niya at ang asawa niya para umalis na.




Pero bago sila makaalis ay tumingin muna si akira sa mga royalties pati sa tatlong kuya niya bago kay alexa at ngumisi ito sa kanila. Ngising panalo sa laro yun ang iginawad niya sa mga royalties nagulat naman ang mga royalties sa nakita nila kay akira pati na ang mga kaibigan ni akira ay nagulat din.




END OF CHAPTER 24.




📍 PLEASE SUPPORT MY STORY AND DO VOTE. ALSO DON'T FORGET TO SHARE YOUR THOUGHTS OR FEEDBACKS ON THE COMMENT SECTION. THANK YOU!

THE MAFIA GAY REINCARNATED TO A WEAK GAY PRINCE ( ONGOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon