CHAPTER 54 Itinadhana Part 2

336 16 0
                                    

Disclaimer: ⚠️ GRAMMATICAL ERROR AND WRONG TYPOS AHEAD.




[ Xander's P.O.V ]



Nandito parin kaming mga royalties kasama sina mom at dad sa dinning area. Nagulat parin kami sa mga nangyari ngayong araw.




"Mom talaga bang ikakasal kami sa kanilang tatlo"-sabi ni Devil kina mom at dad.



"Oo anak bakit ayaw niyo ba sa kanila, magaganda naman sila diba hindi mo aakalain na mga lalaki sila"-sabi ni mom sa aming tatlo ang mga kaibigan naman namin ay nakikinig lang.



"Sa akin mom okay lang naman. Ang tanong okay lang ba sa kanila iyon"-sabi ni kuya Devi kay mom kaya napatingin kami sa kanya. Kailan pa ito naging interesado sa isang bagay.



"Ikaw Xander okay lang ba sayo na maikasal kay Prince Kella?"-tanong ni dad sa akin kaya agad akong tumango. Syempre gusto ko rin naman si Kella..... At ngayon na alam ko nadin na gusto niya ako kukunin ko na itong pagkakataon na makausap ko siya ng maayos.




"Okay lang din naman sa akin mom pero ang sadista kaya nila at palaging masungit sa amin."-sabi naman ni Devil kaya napatawa kami. Sh*t Oo nga nakalimutan namin na galit pala sila sa aming mga royalties



[ Alec's P.O.V ]




Nakikinig lang ako sa mga pinag-uusapan nila pero deep inside gusto ko ng sumigaw sa nalaman ko. Kami ni Akira ang itinadhana kaya hindi na ako pwedeng maghanap ng iba kundi siya lang.


Nang may biglang tinanong si Bryan sa mga magulang ni Akira.



"Diba po tita kapag bampira ang isang tao ay mayron siyang mate. So paano na si Alec kung nakatadhana na pala siya kay Akira?"-tanong ni Bryan kaya napatingin kami sa kanya.




"Actually kahit magkaroon man ng mating season ay si Akira parin ang magiging mate ni Prince Alec. Yun ang sabi ng mahal na dyosa sa amin."-sabi naman ni tita kaya napa yess ako sa isip ko.




"Magiging akin ka narin baby wala ng makakaagaw sayo sa akin. Promise sasabihin ko sayo lahat ng nararamdaman ko para sayo pagkinausap muna ulit ako"-sabi ko sa isip ko at ngumiti.... Nakita ko lang na tumango sila sa sinabi ng mom ni akira.





[ THIRD PERSON P.O.V ]



Hinahanap parin nina Akira ang tatlo niyang kaibigan pero hindi talaga nila ito mahanap kaya agad hinawakan ni Akira ang dalawa at naglaho ito.



Paglaho ni Akira ay nandito na sila sa garden ng palasyo nila at nakita nila ang tatlo nilang kaibigan na nag-aasaran at nagtatawanan. Akala nila kung ano na ang ginawa ni Kella sa dalawa haysttt.



[ Akira's P.O.V ]



Nang makita namin ang tatlo na nagtatawana lang sa may garden ay nilapitan namin sila.



"Mukha yatang masaya ang mga isip bata dito"-sabi ni Demon ng makalapit kami sa kanila.



"Of course ganyan talaga pag magaganda, hindi katulad niyo"-sabi ni Farrah at nagflip hair ito.


"Dream on girl, ikaw lang naman ang nagsabi na maganda ka"-sabi naman ni Demon sa kanya.



"Truee ka jan Demon ang pangit kaya ni farrah HAHAHAHAHA"-sabi ni Cyrill at tumawa ng malakas.



"Wow hiyang hiya ako sayo Cyrill eh mas pangit pa nga kayong dalawa ni Kella"-asar naman na sabi ni Farrah sa kanila.




"So sinabi mo ba na pangit ako, so ganun din ang dalawa kung kapatid."-sabi naman ni Kella kay Farrah.



"Bat na damay sina Demi at Demon dito duh"-malditang sabi ni Farrah.



"Gaga ka rin talaga Farrah malamang isasali talaga niya sina Demi at Demon tignan mo naman ang tatlo. Hindi mo ba alam kung ano ang triplets ang bobo mo"-sabi naman ni Cyrill sa kay Farrah.




"Ayyy Oo nga pala sorry naman teh ang high mo naman ngayon hindi ko ma reach"-sabi ni Farrah at tumawa ito ng malakas. Anong nakakatawa sa sinabi niya.


Tumabi naman kami ng upo sa kanila nasa damohan kasi kami ngayon nakaupo na pabilog. Hindi naman kasi kami maarte dito tulad ng iba jan, ang aarte hindi naman maganda.



Nagkukuwentuhan lang kami dito at hindi nalang kami bumalik sa loob ayaw kasi namin na makita ang mga royalties kasi naiirita daw sila kaya pumayag narin ako ayaw ko din kasi silang makita ngayon.



END OF CHAPTER 54.




📍 PLEASE SUPPORT MY STORY AND DO VOTE AND ALSO DON'T FORGET TO SHARE YOUR THOUGHTS OR FEEDBACKS ON THE COMMENT SECTION. THANK YOU!



Author: Renz_Noen

THE MAFIA GAY REINCARNATED TO A WEAK GAY PRINCE ( ONGOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon