CHAPTER 46 DORM OF ROYALTIES

500 22 0
                                    

Disclaimer: ⚠️GRAMMATICAL ERROR AND WRONG TYPOS AHEAD.


[ Akira's P.O.V ]


Nandito kami ngayon sa harap ng dorm ng mga royalties para kunin yung mga gamit ko sa loob. Kakatok na sana ako ng unahan na ako ni Farrah.



"Ano bayan Farrah atat na atat ka bang makita si John"-sabi ni Cyrill sa kanya kaya napataas naman ng kilay si Farrah.




"Huy wag ka ngang mag name drop jan.... Baka nga hindi ako ang magiging mate niya ehh"-malungkot na sabi ni Farrah sinabi kasi nila ang mga crush nila sa akin nong pagpasok palang daw sa Section Royalties....Diba ang lalandi ng mga kaibigan ko.




"Pwede ba Cyrill hayaan muna si Farrah. Baka ikaw din excited kang makita si Carl ayieeeee"-tukso ni Kella kay Cyrill nakita naman namin na namula si Cyrill.......Shocks




Sasagot na sana si Cyrill ng biglang bumukas ang pinto ng dorm ng mga royalties kaya napatingin kami....At nakita nga namin si kuya Xander pala ang nagbukas ng pinto.



"Bunso bumalik ka"-masayang sabi niya sa akin at niyakap ako pero hindi ako gumanti sa yakap niya sa akin.




"Pwede bang wag mo akong yayakapin"-cold na sabi ko sa kanya kaya napabitaw siya sa yakap at tumingin sa akin pero tinignan ko lang siya ng malamig.





"Pwede bang wag kang paharang-harang sa pinto dahil papasok ang mga magagandang dilag katulad namin kaya umalis ka jan"-sabi ni Kella at tinulak ng malakas si kuya Xander nakita naman namin na napaupo si kuya pero nilagpasan lang yun ni Kella at pumasok na sumunod sa kanya sina Demon, Farrah, Cyrill, Demi, at ako ang huli tinignan ko lang siya at nilagpasan ko nalang din siya. Nakita ko naman ang mga kaibigan ko na huminto sa sala kaya lumapit ako sa kanila at ng makalapit na ako ay nakita kung tumingin pala sila sa mga royalties ng masama kaya nilapitan ko nalang sila.





"Tara na kunin na natin yung mga gamit ko sa taas. Wag niyo nalang pansinin ang mga walang kwentang taong yan"-sabi ko sa lima kung kaibigan bago tumingin sa mga royalties ng malamig..... Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata nila. Nakita ko naman sina ate Sophia, Carl, John at si Max ang mga kaibigan ko, sorry guys hindi ako galit sa'inyo pero kailangan ko tong gawin.





"Okay queen kunin na natin yung mga gamit mo, kasi parang hindi namin kaya na magtagal dito dahil maraming mga insekto"-sabi ni Kella at tinignan ng masama ang mga royalties at naunang pumunta sa taas.....Hindi ko alam bat galit sila sa mga royalties




Sumunod naman sina Demi, Demon, Farrah, Cyrill na tumatawa pa sa mga sinabi ni Kella kaya umiling na lang ako sa mga kabaliwan ng mga kaibigan ko.... At nauna pa talaga sila papunta sa taas na hindi alam ang kwarto ko hayssttt parang mga timang lang HAHAHAHA




Devi's P.O.V [ Brother of Akira ]



Nakita nga namin ang mga kaibigan ni lil sis sa loob ng dorm namin at lahat sila nakatingin ng masama sa amin pero ako nakatingin lang ako sa isang witch Demi yata ang pangalan niya. Sobrang ganda kasi niya, nakita naman namin si lilsis sa likuran nila at lumapit siya sa mga kaibigan niya at nagsalita.

"Tara na kunin na natin yung mga gamit ko sa taas... Wag niyo nalang pansinin ang mga walang kwentang taong yan"-sabi ni lilsis kaya nasaktan kami ng marinig yun galing sa bibig niya. Kahit pa sina Sophia, Carl, John at si Max ay nasaktan sa sinabi ni bunso. Alam kung nasaktan sila dahil sila ang unang naging kaibigan ni bunso.




"Okay queen kunin na natin yung mga gamit mo, kasi parang hindi namin kaya na magtagal dito dahil maraming mga insekto"-sabi pa ng isa kaya mas lalo kaming napahiya sa sinabi niya. Hindi namin alam kung bakit ang laki ng galit nila sa amin wala naman kaming nagawang mali sa kanila. Nakita ko naman na nakatingin ng malamig sa akin si Demi at sumunod nalang sa bunsong kapatid niya. Narinig namin ang tawanan nila at si lilsis ay umiling lang at sumunod na din sa mga kaibigan niya.






"Bat ang sungit ng mga kaibigan ni bunso sa atin para bang may nagawa tayong malaking kasalanan sa kanila?"-tanong ni Devil sa amin kaya napatingin kami sa kanya.



"Oo nga pati yung tatlong witch ang sama kung makatingin sa atin pero yung isa sobrang lamig kung makatingin sa atin"-sabi ni Bryan tumungo naman sila sa sinabi nito. Baka si Demi yung sinasabi niya na sobrang malamig makatingin.



Nakita naman namin na paika-ika kung maglakad ang isa ko pang kapatid na si Xander siya kasi yung nagbukas ng pinto.... Tinanong naman ito ni Alexa.



"Xander anong nangyari sayo bat paika-ika ka kung maglakad HAHAHAHA?"-tanong ni Alexa sa kapatid ko.... Nakita naman namin ang inis nito sa mukha. Ano ba talaga ang nangyari sa kanya HAHAHA.


"Kainis yung Kella na yun tinulak ba naman ako ng malakas kaya napaupo ako sa sahig"-inis na sabi niya sa amin at hinawakan yung pang-upo niya. Sa sinabi niyang yun ay napatawa kami dahil sa itsura niya. May katapat na si Xander HAHAHAHA.





"HAHAHAHAHAHA talaga bro tinulak ka nong isang witch kung makatingin sa atin parang may ginawa tayong masama"-tawang sabi ni Marco tumungo lang yung kapatid ko.




"Uyy okay kana pala unggoy"-sigaw ng isa sa kaibigan ni lilsis yung may green ang buhok siya yata si Kella ang nagtulak kay sa kapatid ko na si Xander.




"Gago kaba bat mo ako tinulak, ano gusto mo suntukan nalang tayo"-inis na sabi ng kapatid ko at sumugod kay Kella.... Kaya napatayo kaming lahat ng royalties at lumapit agad. Sobrang galit gustong manakit HAHAHAHA.



"Ay galit kana sa akin baby boy"-sabi ni Kella yata yun at lumapit ito sa kapatid ko at hinawakan yung dibdib nito at may binulong ito bago hinalikan niya ang kapatid ko. Nagulat naman kami sa ginawa ng Kella na yun nakita namin na tumawa ito bago umalis.




"Bye baby boy...... See you around"-sabi niya sa kapatid ko at nag wink pa nakita ko naman sa mga kaibigan ni lilsis na parang tumatawa lang sa ginawa ni Kella pati si lilsis napatawa rin bago umalis. Nakita ko naman sa mga kaibigan niya na may mga dala itong mga bag. Baka mga damit yun ni lilsis bat ba siya lumipat ayaw niya naba kaming makita. Nang makalabas na sila lilisis sa dorm namin ay napatingin kami kay Xander ang kapatid ko nakita namin na namumula ang buong mukha nito. Sobrang pula niya dahil sa ginawa ng Kella na yun sa kanya. Kaya napatawa kami dahil hanggang ngayon tulala parin ito at namumula kaya tinapik ito ni Devil isa ko paring kapatid.




"Tama na yan bro wala na ang baby mo"-sabi ni Devil at tumawa ng malakas kaya nabatukan ko siya ng malakas kaya napatumba siya sa sahig.




"Aray ko naman bro dapat si Xander yung binabatukan mo dahil wala parin siya sa sarili niya"-sabi niya sa akin at tinuro si Xander na nakatulala parin hanggang ngayon. Lumapit naman ako sa kanya at sinampal ko siya ng mahina. Kaya napatingin ito sa akin at gulat na gulat dahil kaming lahat ay nakatingin sa kanya.



END OF CHAPTER 46.


📍PLEASE SUPPORT MY STORY AND DO VOTE AND ALSO DON'T FORGET TO SHARE YOUR THOUGHTS OR COMMENT ON THE COMMENT SECTION. THANK YOU!



Author: Renz_Noen

THE MAFIA GAY REINCARNATED TO A WEAK GAY PRINCE ( ONGOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon