CHAPTER 10 New Student

848 33 0
                                    

Akira's P.O.V

Pagkatapos ng moment namin kanina sa kwarto ko ay lumabas na kami sa dorm namin at pumunta nalang kami sa cafeteria. Actually yung cafeteria namin ay open parin kahit gabi dahil marami ang mas gusto nalang na pumunta sa cafeteria kaysa maglato pa ng mga pagkain sa dorm nila.

Nang makapasok kami sa cafeteria ay bumungad sa amin ang maingay na nasa loob nito. Nakita ko ang maraming student sa nandito yung mga witch clan, fairy clan, vampire clan, wolf clan, Mermaid clan, Elf clan, Dragon clan. Actually curious ako kung sino ang mga prinsipe ng witch,elf,dragon clan nalaman ko kasi na hindi pa sila nakapasok sa school nato pero yung tatlo daw na prinsipe ng witch clan ay nakapag-aral narito pero dahil may mission sila galing sa mahal na dyosa ay umalis sila at hindi daw nila alam kung ano ang misyon nila. Yan ang kwento-kwento sa academy. Dahil may lahi akong pag ka marites kaya nalaman ko HAHAHAHAHA.

Nakaupo na kami ngayon at sina kuya naman ay nag order ng mga pagkain namin.

"Feel ko may relasyon talaga yung dalawang yun"-sabi ni ate sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Sino"-tanong ko sa kanya.

"Yung dalawang yun"-sabi niya at may tinuro kaya napatingin naman ako sa tinuro niya.

"Saan diyan eh maraming tao kaya ang dumadaan"-balewalang sabi ko sa kanya.

"My gosh akira, yung dalawang yun sina john at carl ang tinutukoy ko parang may relasyon talaga sila"-sabi ni ate at pinaikotan pa ako ng mata. Aba attitude ang lola niyo.

"Dapat sinabi mo nalang kasi yung pangalan nila hindi yung tinuro mo lang"-maldita ko ding sabi sa kanya. Sasagot na sana siya ng biglang dumating sina kuya na may dalang pagkain.

"Anyari sa inyong dalawa para kayong t*nga"-sabi ni kuya john sa amin at inilapag yung mga pagkain. Umupo naman sila sa bakanteng upuan.

"Umamin nga kayo may relasyon ba kayong dalawa"-sabi ni ate sophia sa dalawang na bago lang nakaupo at ng marinig nila yung sinabi ni ate sophia at hindi natuloy ang pagkaupo nila at tinignan nilang dalawa si ate sophia.

"ANO/WHAT"-sigaw nila ng sabay at sabay pang umupo.

"Ang sabi ko may relasyon ba kayong dalawa"-sabi pa ulit ni ate sophia.

"Hindi kaba nag-iisip sophia alam mong may mate kaming mga bampira at lobo diba"-gulat na sabi ni kuya carl sa amin.

"At alam mong hindi pa mating season nagyon kaya pano kami magkakaroon ng relasyon ng mokong na ito kung pareha kaming straight"-gulat din na sabi ni kuya john at tinignan ng masama si ate sophia. At ang ginawa lang ng babaing to ay nag peace sign lang sa kanila.

"Sorry naman, akala ko kasi, namin ni akira na may relasyon kayong dalawa hindi pala"-hiyang sabi ni ate sophia at dinamay pa ako.

"Huy ate bat mo ako dinadamay ikaw lang kaya ang may gustong malaman yun luh"-sabi ko kay ate.

"Ako lang ba akala ko, gusto mo rin malaman HAHAHAHAHA"-tawang sabi ni ate sa amin.

"Umamin ka nga ate adik kaba"-sabi ko sa kanya at napatigil naman ito sa pagtawa at tinignan ito sa akin.

"Ano hindi porket tumawa lang ako adik na, ikaw nga hindi ko pinakialaman na duwende ka sinabi ko ba"-sabi niya sa akin kaya napa pout naman ako. At yung tatlo naman ay tumatawa lang sa akin. Bahala sila hindi ko sipa bati.

"Ahm kuya ano pala yung mating season nayan"-tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ang mating season ay ginagawa lang yan sa mga bampira at lobo. Pag nagsimula na ang red moon ay dun kami maghahanap ng aming mate. At dapat dito lang yun sa academy kahit lalaki yung magiging mate namin ay dapat tatanggapin parin namin ito dahil parte na sila ng buhay namin dahil nakakonekta nayun sa una pa lang namin magkita para bang red string of fate ika nga nila. Pagnakita na namin yung mate namin ay mamarkahan na namin sila sa aming mga bampira ay kinakagat namin yung leeg nila, at pag sa mga lobo naman ay pag nag anyo sila ng kanilang wolf form sa harap ng mate nila"-sabi ni kuya john sa amin kaya napatango nalang kaming dalawa ni ate sophia.

THE MAFIA GAY REINCARNATED TO A WEAK GAY PRINCE ( ONGOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon