CHAPTER 60 Demon and Devil

206 10 0
                                    


Disclaimer: ⚠️ GRAMMATICAL ERROR AND WRONG TYPOS AHEAD.

[ Demon's P.O.V ]

Nag-uusap na kami ngayon ni Devil sa garden nila akira, naging okay naman kami at nag-usap na kami tungkol sa kasal. Alam naman namin na matagal pa yun mangyayari pero pinag-usapan na namin yun at okay naman sa kanya at pumayag siya sa gusto ng mga magulang namin. Nandito parin kami sa garden at nakita nga namin si kuya Demi at Devi sa malayong parte ng garden alam kung nag-uusap narin sila tungkol dito.

“So anong meron tayo ngayon?!–tanong ni Dev sa akin yung kasi ang gusto niyang itawag ko sa kanya.

“Ewan ko! Ngayon lang naman tayo nag-kausap diba at higit sa lahat hindi naman tayo magkaibigan.”–sabi ko sa kanya kaya lumukot naman yung mukha niya.

“Alam ko yun! So ano pwede ba kitang ligawan!”–sabi niya sa akin kaya nagulat ako sa narinig ko. Bakit naman niya ako liligawan.

“Huh? Bat ka naman manliligaw sa akin hindi naman ako tunay na babae!”–sabi ko sa kanya.

“Ano naman kung hindi ka tunay na babae, atleast alam ko sa sarili ko na ikaw ang mahal ko!”–sabi niya sa akin.

“Wala namang masama kung manligaw ako sa isang gay diba, gagawin ko ito dahil gusto kung ipakita sayo na totoo ang nararamdaman ko para sa'yo”–sabi niya sa akin kaya bumilis yung tibok ng puso ko sa sinabi niya sa akin.

“Ikaw bahala kung yan ang gusto mo!”–sabi ko sa kanya kaya nakita kung napangiti naman ito sa sinabi ko.

“So pwede ko bang hawakan yung kamay mo”–sabi niya sa akin kaya nagulat ako sa sinabi niya sa akin.

“Huh? Bakit mo naman hahawakan yung kamay ko eh, hindi ka pa naman nangliligaw diba?!”–gulat na sabi ko sa kanya, tumawa lang ito sa sinabi ko at kinuha niya yung kamay ko at hinawakan ito.

“Ang lambot naman ng kamay mo parang kamay ng isang tunay na babae!”–sabi niya sa akin ay hinawakan parin ito.

Nakita ko nalang mag ka holding hands na yung kamay naming dalawa. Kaya napangiti naman ito sa ginawa niya. Hinayaan ko nalang ito.

Devil's P.O.V [ BROTHER OF AKIRA ]

Sobrang saya ko ngayon dahil katabi ko ngayon si Demon alam kung nababagohan siya sa mga kilos ko pero sobrang saya ko lang talaga ngayon. Lalo na ng malaman ko at ng dalawa kung kapatid na nakatadhana na pala kami sa kanila.

Nakita ko rin ang kapatid ko na si kuya Devi na kausap si Demi alam kung gaano kagalit sila sa isa't isa kaya alam kung mahihirapan si kuya Devi nito na suyuin si Demi. Cold pa naman yung kapatid ni Demon.

“Dev! Pwede naba tayong bumalik sa mga kaibigan ko, baka naghihintay na sila sa akin!”–sabi ni Demon sa akin at magkahawak parin kami ng aming mga kamay.

“Ayaw mo nabang mag stay dito? Naiilang ka ba o hindi ka ba komportable sa akin?!”–tanong ko sa kanya nakita ko naman na umiling lang siya.

“Hindi naman sa ganon ano kasi gutom na kasi ako alam mo naman diba na hindi natuloy yung pagkain namin nong hinabol namin sina Kella, Farrah at Cyrill.”–sabi niya at yumuko sa akin.“Cute”

“Sige babalik na tayo sa mga kaibigan mo. Dahil gutom na ang mahal ko!”–sabi ko sa kanya.

“Anong mahal ang pinagsasabi mo jan! Hindi ka pa nga nanliligaw at hindi pa nga kita sinasagot jan eh!”–mahinang sabi nito at yumuko pa.

“Syempre para masaya ka. At alam kung duon din pupunta ang pangliligaw ko sa'yo!”–bulong ko sa tenga niya. Napansin ko naman na nagulat ito.

“Pwede bang lumayo ka sa akin!”–mahinang sabi niya sa akin at namula ang buong mukha niya.

“Ayieeeee nagba-blush ang mahal ko!”–tawang sabi ko at kiniliti ang tagiliran niya.

“Cheeee! Tumahimik ka nga jan Dev!”–sabi niya sa akin.

“Tara punta na tayo sa mga kaibigan mo baka naghihintay na sila sa'yo!”–sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya at naglaho na kami. Lumitaw naman kami sa sala at dun lang namin napansin na walang tao kahit isa kaya naglaho ulit kami at lumitaw kami sa pinto ng dinning area namin.

Binuksan naman namin ito at nakita ko nga ang bunso kung kapatid at kasama niya si Farrah, Cyrill at Kella na kumakain, nakita ko rin ang mga kaibigan ko na nakatingin lang sa apat na kumakain.

Katabi naman ni Xander ay si Kella na palaging nagtatawanan kaya napatingin kami sa isa't isa ni Demon.

Hiii besss tapos naba kayong mag-usap ni fafa Devil”–sabi ni Farrah ng makita kami. Alam kung iniinis lang niya si Demon.

“Huy Farrah tumigil ka jan kung ayaw mong maaga kang mawala sa mundong to!”–sabi naman ni Demon kaya napatawa ako ng mahina.

“Sorry tatahimik na po!”–sabi ni Farrah at nag zip siya ng bibig niya HAHAHAHA.

Nakita ko naman na palihim na tumitingin sa kanya si John.

Nang makalapit na kami sa kanila ay agad umupo si Demon sa tabi ng kapatid niyang si Kella at nagsandok agad ng pagkain. Halatang gutom talaga ang mahal ko. Tumabi nalang din ako sa kanya.

“Kamusta kaya yung pag-uusap nina Demi ngayon? Baka nag-away nayung dalawang yun!” –sabi ni Cyrill kay bunso. Napatingin naman kaming lahat.

“Wait lang bat nandito ang mga royalties, hindi ba sila pwedeng umalis nalang, naiinis ako sa mga pagmumukha nila!”–biglang sabi ni Demon kaya hinawakan ko lang yung kamay niya. Alam kung galit parin sila sa aming mga royalties.

“Hayaan mo nalang sila diyan Dem”–sabi ni bunso kay Demon kaya tumago nalang ito. Pero nakatingin parin ito sa mga royalties ng masama.

“Tama ka jan Cyrill medyo mainitin pa naman yung ulo ni Demi baka hindi magkasundo yung dalawang yun at mag-aaway lang palagi!”–sabi ni Kella sa mga kaibigan niya. At si bunso naman ay tahimik lang na kumakain. Alam namin na napipilitan lang si bunso na pakisamahan kami. Pero hindi kami titigil at gagawa kami ng paraan na maging okay na ulit kami ni bunso at maging magkakaibigan ulit kami kasama ang mga kaibigan niya.

Nandito parin kami sa dinning Area at nag-uusap kaming magkakaibigan at sina Demon naman at si bunso ay may sariling mundo din kasama sina Kella, Farrah at Cyrill.

END OF CHAPTER 60.

📍 PLEASE SUPPORT MY STORY AND DO VOTE AND ALSO DON'T FORGET TO SHARE YOUR THOUGHTS OR FEEDBACKS ON THE COMMENT SECTION. THANK YOU!

Author: Renz_Noen



THE MAFIA GAY REINCARNATED TO A WEAK GAY PRINCE ( ONGOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon