CHAPTER 47 XANDER

493 22 1
                                    

Disclaimer: ⚠️ GRAMMATICAL ERROR AND WRONG TYPOS AHEAD.




Xander's P.O.V [ Brother of akira ]



Nandito na ako ngayon sa kwarto ko iniisip ko parin yung nangyari sa akin kanina sa sala naiinis ako dahil sa nangyari. Naalala ko parin yung ginawa ni Kella sa akin kanina yung paghalik niya sa akin. Pati yung binulong niya sa akin.



“Ang hot mo pag galit ka babyboy yan ang gusto ko. I love.....you”–bulong na sabi niya sa akin kanina kaya. Natulala ako ng marinig ko yun sa kanya at tumibok nalang ng malakas ang puso ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin unang kita ko palang sa kanya sa classroom bigla nalang huminto yung mundo ko at siya lang yung nakita ko. Napatawa nga ako nong tinaasan niya ako ng kilay niya.



“Sh*t Xander what happened to you halik lang yun diba galit ka sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtulak sayo sa sahig”–sabi ko sa sarili ko at sinabunutan ko yung buhok ko. Nakahiga parin ako at hindi parin naalis sa isip ko ang nangyari kanina kainis ka talaga Kella. Pumunta nalang ako sa bathroom ko para maligo nalang at para maalis ko sa isipan yung nangyari sa akin kanina. Naiinis talaga ako at nahihiya dahil nandon ang ibang royalties at nakita nila ang ginawa ni Kella.



Pagkatapos kung maligo ay paika-ika akong lumabas sa bathroom at pumunta muna ako sa study table ko at pinunasan ko yung basang buhok ko at ng matapos na ako sa ginagawa ko ay pumunta na ako sa kama para matulog na dahil may pasok pa kami bukas. Makikita ko na naman si Kella. Napangiti naman ako sa na isip ko. Ewan anong nangyayari sa akin.



[ Akira's P.O.V ]


Nandito kami ngayon sa bagong dorm namin nakaupo kami sa sofa sa sala namin at tawang tawa parin kami sa ginawa ni Kella kanina sa kuya ko. Sinong baliw ang kayang gawin yun edi si Kella HAHAHAHAHA.




“Huy kella ano yung kanina bat may pahalik halik kapa sa lips”–sabi ni Farrah at tinutusok yung tagiliran ni Kella..... Nakita naman namin na namumula si Kella. What the f*ck masyado na talagang halata ang bakla nato.




“Huy bat namumula ang beshy namin HAHAHAHA”–sabi ni Demon kapatid ni Kella at tumawa ng malakas kaya napatawa na din kami pati si Demi na tahimik lang palagi ay napatawa din. Sino naman ang hindi mamumula pag hinalikan mo ang isang tao.



“Kainis hindi ko alam bat ko siya hinalikan sa labi”–sabi ni Kella kaya napahinto kami sa pagtatawa namin at tumingin sa kanya na namumula parin. Ano yun trip trip lang kung ganon HAHAHAHA.



“Gaga ka bat hindi mo alam...pero kung makahalik ka sa lips ni Xander wagas. Baka type mo siya”–biglang sabi ni Cyrill kaya napatingin sa kanya si Kella na namumula ang buong mukha at biglang nalang itong tumakbo papunta sa taas. Nahihiya yata sa ginawa niya kanina.




“Huyyy Kella bumalik ka dito.....totoo ngang crush mo si Xander”–sigaw ni Farrah at tumatawa pa. Napailing nalang kami sa mga pinagsasabi niya. Ang lakas talaga ng amats ni Farrah HAHAHA.



“Baliw din yung kapatid niyo Demon, kung makahalik sa lips ni Xander parang may label sila HAHAHAHAHA”–tawang sabi ni Cyrill kaya napatawa nadin kami.



“Ewan ko dun bigla bigla nalang nanghahalik HAHAHAHA”–tawang sabi ni Demon. Kaya napatawa nadin kami sa sinabi niya.




“Pero mga besh curious ako kung ano ang binulong ni Kella kay Xander”–sabi ni farrah kaya napatingin kami sa kanya. Oo nga noh ano kaya ang binulong ng kella na yun kay kuya Xander gusto din namin malaman ehh HAHAHAHA.




“Farrah maretis ka din ano”–sabi ni Demi kaya nakita naman namin na clueless si Farrah.



“What is Maretis Demi? Alam mo ba yun Cyrill?”–tanong ni Farrah kay Cyrill kaya napatawa kaming tatlo ni Demi, Demon at ako. Nakita namin na umiling lang si Cyrill sa kanya.




“Ang tsismosa mo raw Farrah. Yun ang ibig sabihin nun HAHAHAHAHA”–sabi ni Demon na tumatawa padin kaya napatingin naman kami kay Farrah.




“Ahhh yun lang pal–WHATTTT”–sigaw ni Farrah bigla kaya nagulat kami at napatalon sa mga upuan namin. Ang OA naman ng reaction nito HAHAHAHAHA.




“Ang OA mo Farrah alam mo ba yun”–sabi ni Cyrill at hinawakan yung dibdib niya sino naman ang hindi magugulat kung bigla ka nalang sumisigaw. Kung ako yun baka nasuntok ko na yun HAHAHAHA.



“No hindi ako papayag na tawagin ako ni Demi na tsismosa”–hesterical na sabi ni Farrah at tumayo pa at hinahampas ang sofa..... Sa mag kakaibigan meron talagang isang OA at si Farrah yun HAHAHAHAHAHA




“Huy Farrah ang OA mo para yun lang nagkakaganyan kana para kang baliw jan HAHAAHA"–sabi ni Demon at pinaupo si Farrah. Pero hindi parin umupo si Farrah




“Sa ganda kung toh tatawagin lang akong tsismosa ni Demi no way. Over my dead gorgeously body. Magkakamatayan tayong dalawa Demi HAHAHAHA”–sabi ni Farrah sa amin at tumatawa pa ang lakas ng amats nito. Kaya napatingin kaming apat nina Demi, Demon, Cyrill at ako at sabay na tumawa kami ng malakas at umalis nalang at iniwan namin siya sa sala na mag-isa bahala siya dun. Pumunta nalang kami sa mga kwarto namin at iniwan namin dun si Farrah. Sobrang saya ko ngayon dahil nandito na sina Demi, Demon, Kella, Farrah at si Cyrill. Mga timang talaga ang mga kaibigan ko HAHAHAHAHA




Pumunta na ako sa higaan ko para matulog na pero bago yun pumunta muna ako sa bathroom ko para maligo muna. Pagkatapos kung maligo ay pumunta muna ako sa study table ko para punasan yung basang buhok ko ng matapos na ako sa ginagawa ko ay pumunta na ako sa kama ko para matulog. Haysst may pasok na naman bukas.





END OF CHAPTER 47.





📍 PLEASE SUPPORT MY STORY AND DO VOTE AND ALSO DON'T FORGET TO SHARE YOUR THOUGHTS OR FEEDBACKS ON THE COMMENT SECTION. THANK YOU!

 

Author: Renz_Noen

THE MAFIA GAY REINCARNATED TO A WEAK GAY PRINCE ( ONGOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon