CHAPTER 57 Exciting Day

368 18 6
                                    




Disclaimer: ⚠️GRAMMATICAL ERROR AND WRONG TYPOS AHEAD.



[ Akira's P.O.V ]



Nang makita ko sina mom at dad na tumingin sa amin o sa akin at pati na ang tatlo kung kuya at si Alec kasama ang mga royalties ay agad akong naglaho pati mga kaibigan ko ay naglaho din. Lumitaw naman kami sa harapan nina mom at dad at binati ko sila.





“Hi mom, dad wag kayong mag-alala naglalaro lang po kami diba guys”–sabi ko sa kanila at tumingin sa mga kaibigan ko. Nakita ko naman na nagulat sila sa sinabi ko.




“Opo tita, tito naglalaro lang po kami sobrang nag enjoy nga kami”–sabi ni Demi kina mom at dad.




Yesss po tito,tita sobrang enjoy na enjoy po kami gusto pa nga namin na maglaro eh”–sabi naman ni Demon at at sinangayonan nina Demi, Kella, Cyrill at Farrah.




“Oo nga tita sobrang saya pala maglaro”–sabi din ni Kella.




“Oo nga gusto pa namin maglaro”–sabi ng dalawa na sina Cyrill at Farrah kaya tumawa ako. Ang galing nakuha nila agad ang gusto kung sabihin sumabay sila sa mga sinabi ko kina mom at dad.




“Ahm mom, dad may supresa ako sa inyong lahat”–sabi ko sa kanila nakita ko naman na nagtaka sila.




“Ano naman yun baby”–sabi ni dad sa akin. Nakita ko sa mukha ni dad na nagtataka siya sa ibibigay ko.




“Ito po mom, dad souvenir ko po, pwede ko bang ilagay ito sa kwarto ko o pwede naman sa sala ng palasyo diba”–sabi ko sa kanila kaya nakita kung lumaki yung mga mata nilang lahat dahil sa gulat HAHAHAHA.




Pero sweetie hindi pwede yan dun itapon mo nalang yan sweetie, nakakadiring tignan”–sabi ni mom sa akin kaya napatawa ako ng malakas.




“HAHAHAHAHAHA Joke lang po yun mom, hindi naman kayo mabiro. Sobrang seryoso niyo kasing lahat”–sabi ko sa kanya kaya nakita ko naman napahinga sila ng malalim. Narinig ko naman na tumawa ng mahina yung lima.




“Itapon mo na yan baby”–sabi ni dad sa akin kaya tumango ako sa kanya. Inihulog ko yung ulo sa paanan ko sabay tinapakan ko ito ng paulit-ulit nakita ko naman na nagulat sila sa ginawa ko akala siguro nila na itatapon ko ito “no way” inapakan ko ito ng paulit-ulit ng nakita ko na itong nadurog ay tumawa ako pati na yung mga kaibigan ko. Nagulat naman ang lahat sa ginawa ko. Pati yung mga nasasakupan ko at mga kalahi naming fairy ay nagulat sa ginawa ko.




Sayang naman dad kung itapon ko lang, naghirap pa naman ako para patayin lang yung dep*ta na yun”–sabi ko kay dad. At ngumiti ako sa kanila na parang walang nangyari.




“Mom pwede na ba kaming bumalik sa palasyo dahil sobrang gutom na kasi kami please”–sabi ko kay mom sabay pout sa kanya.




Sige sweetie bumalik na kayo sa palasyo, kakausapin lang namin ang kawal at mga tao dito, kung bakit sumalakay ang mga darkian at ano ang gagawin nila sa mga kalahi nating fairy”–sabi ni mom kaya tumango nalang ako at naglaho na. Alam kung susunod yung mga kaibigan ko. Lumitaw naman ako sa sala ng palasyo namin at hindi rin nagtagal ay nandito na rin ang mga kaibigan ko.




Ito yata ang pinaka-exciting na araw sa atin”–sabi ni Demon at tumawa ito. Tumawa nadin sina Farrah at Cyrill.




“I agree with you Dem sobrang saya ang nangyari sa atin ngayon diba Cyrill”–sabi ni Farrah. Hindi ko akalain na sobrang lakas din ng dalawang to kahit hindi nila ginamit ang mga kapangyarihan nila.




“Oo nga gusto kung ma experience ulit yun HAHAHAHA”–sabi naman ni Cyrill at tumawa ulit.




“Pero mas gusto ko sana yung souvenir ni queen”–malungkot na sabi ni Kella. HAHAHAHAHA. Ako nga gusto ko rin sana yun pero ayaw nina mom at dad.




“Kaso ayaw ng dad ni queen pero okay narin yun dahil useless naman yun at ang pangit pa ng mukha HAHAHAHA”–sabi naman ni Demi sa amin kaya napatawa kami ng biglang tumunog yung tiyan ni Farrah.




“Hehehe sorry guys gutom na kasi ako alam niyo naman diba hindi natuloy yung pagkain ko dahil hinabol kami ni Kella–sabi ni Farrah sabay nag peace sign. Nagulat naman si Kella sa narinig niya galing kay Farrah.





“Huy bat kasalanan ko pa, kasalanan niyo yun dahil ang daldal niyong dalawa ni Cyrill paano na ngayon ito alam na ni Xander na gusto ko siya kainis kasi kayong dalawa”–sabi ni Kella at tinuro yung dalawa pero tinawanan lang siya ng dalawa. At nag àpir pa talaga sila.





Sorry na kasi bhiee nadulas kasi ng magagandang labi naming dalawa kaya nasabi namin iyon, ayaw mo nun nalaman na ni Xander na gusto mo siya. HAHAHAHA”–sabi ni Farrah at tumawa ito ng malakas. Tsk mga baliw talaga tong mga kaibigan ko.


“Kaya nga Kella halata naman kasi sayo pati na si Xander na gusto niyo ang isa't isa, hindi kaya kami tanga. At baka alam din yun ng mga royalties masyado kasi kayong halatang dalawa”–sabi naman ni kella kaya napatango kami. Masyado kasing halata tong bakla nato na gusto niya si kuya Xander ayaw pang aminin sa amin.



“Wag mo munang isipin yun Kella, okay”–sabi ni Demi kay Kella.Tumango lang si Kella sa kanya. Halata mo sa mukha ng mga kaibigan ko na sobrang napagod sila dahil sa nangyari kanina.

“I think dapat maligo na muna tayo kasi ang baho ng dugo ng mga darkians”–sabi ni Demon kaya sumangayon ako sa sinabi niya nakita ko naman ang apat na tumango lang. Hindi ko nalang ito pinansin at naglaho nalang ako papunta sa kwarto ko para maligo na.  Tsk mga useless lang yung pinadala ng pisting hari na yun. Gaganti talaga ako sa ginawa nila sa mga kalahi namin. Papatayin ko talaga ang pisting hari ng Dark Kingdom.




END OF CHAPTER 57.




📍 PLEASE SUPPORT MY STORY AND DO VOTE AND ALSO DON'T FORGET TO SHARE YOUR THOUGHTS OR FEEDBACKS ON THE COMMENT SECTION. THANK YOU!





Author: Renz_Noen

THE MAFIA GAY REINCARNATED TO A WEAK GAY PRINCE ( ONGOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon