CHAPTER 55 Garden Of Fairy Kingdom

323 17 0
                                    




Disclaimer: ⚠️ GRAMMATICAL ERROR AND WRONG TYPOS AHEAD.



[ Akira's P.O.V ]



Nandito parin kami sa garden ng palasayo namin nag kukuwentohan ng biglang nagsalita si Cyrill.




“Lumabas kaya tayo sa palasyo punta tayo sa bayan”–sabi niya sa amin kaya agad naman kaming pumayag nabobored narin kasi ako sa palasyo.


“Ayy bet gusto ko yan”–hyper na sabi ni Farrah at tumayo agad.



“Ano G, gusto niyo bang sumama queen”–sabi ni Cyrill kaya tumungo nalang kami sa sinabi niya.



“Ano gagamit paba tayo ng karwahe o mag teleport nalang tayo papunta dun”–sabi ni Kella at tumayo na din ito.



“I think mag teleport nalang tayo dun, agaw atensyon kasi pag gumamit pa tayo ng karwahe”–sabi ni Devi na sinangayonan namin.



“Lumapit nalang kayo sa akin”–sabi ko sa kanila. Lumapit naman silang lima sa akin kaya agad kaming naglaho.



Paglitaw nga namin sa bayan ay nagkakagulo ang lahat kaya dali dali kaming tumakbo at lumapit sa isang matandang babae na nakahiga sa lupa at may saksak ito sa tiyan.




“Ginang anong nangyari sa'inyo bat nagkakagulo ang mga tao dito”–sabi ni Cyrill sa ginang at tinulungan ito agad naman akong lumapit sa ginang at hinawakan ko ang sugat niya. Nakita ko nalang na umilaw ng kulay puti ang kamay ko hudyat na ginamit ko ang healing power ko. Nakita naman namin na wala na yung sugat ng ginang.



Ano ba talaga ang nangyari dito?”–sabi ko sa ginang.




“Kasi mahal na prinsipe ang mga darkians po sumugod dito at kinuha nila ang mga lalaki at mga babaeng fairy”–iyak ng sabi ng ginang kaya nagalit naman ako. Walang sino man ang dapat umapi sa mga nasasakopan namin.



Kaya agad akong naglaho kung saan nakita ko ang maraming mga darkians na may mga bihag na mga fairy kaya dali dali ko silang nilapitan.




“FAIRY LIGHTNING SWORD”–sigaw ko bigla kaya lumabas naman sa kamay ko ang isang spada namay parang pakpak sa hawakan at may pula itong diamond na parang dugo. At nakita ko naman na sobrang haba ng spada nato. Winasiwas ko ito at may nakita akong kuryente na lumalabas dito. Tumingin naman ako sa mga darkians.




“Wag na wag niyong gagalawin ang nasasakopan namin, lupain ito ng mga fairy kaya wala kayong karapatan na tumungtong dito”–galit na sabi ko sa kanila at naglaho ako.




Naglaho naman ako sa isang lalaki kaya agad ko itong pinutulan ng ulo. Nakita ko naman na nagulat sila pero hindi ko nalang yun pinansin at sumugod ulit sa isa nakita ko kasi na saksakin na sana akong ng isang darkians kaya agad akong naglaho sa likod niya at sinaksak ko ito patalikod at pinataas ko yung spada ko papunta sa ulo niya kaya nakita ko nalang na nahati yung katawan niya. Nakita ko naman na may kinakalaban narin ang mga kaibigan ko. May lumapit naman sa akin na tatlong darkians at sabay na umatake sa akin pero agad akong naglaho sa likod ng isang darkian at pinatid ko ito nakita ko naman na natumba ito at yung isa naman na darkian ay saksakin na sana niya ako ng nakaiwas agad ako sa saksak niya at nahawakan ko yung kamay niya kaya agad ko siyang binalibag. Nakita ko naman na napasigaw siya sa sakit kaya agad kung sinaksak yung bunganga niya gamit ang spada ko. Saksakin na sana ako ng isa ng bigla nalang itong natumba kaya napatingin ako kung sino ang gumawa nun sa kanya at nakita ko nga si Demi na maraming dugo sa katawan niya. Tumingin naman ako sa mga kaibigan ko at marami nadin silang mga dugo sa katawan nila, tumingin naman ako sa mga darkians. Sh*t bat ang dami nila.



“Taposin na natin ito Demi”–cold na sabi ko sa kanya.




Kaya agad akong naglaho at pinagpuputol ko ang ulo ng ibang darkians ganon rin ang ginawa ng mga kaibigan ko pinutolan din nila ng ulo ang lumalapit sa kanila. Hindi na namin hinintay na umatake sa amin ang darkians dahil kami na ang sumugod sa kanila nakita ko naman na may sasaksak kay Farrah kaya agad akong naglaho at lumitaw ako sa likod ng lalaki at pinutulan ko ito ng ulo hindi pa ako nakuntento chinop-chop ko yung katawan niya. Napatingin naman sa akin si Farrah at nagulat ito sa nakita niya. Nakatalikod kasi siya dahil may kinalaban siya kaya hindi niya napansin na malapit ng siyang masaksak ng isang darkians.



Naglaho ulit ako at lumitaw ako sa apat na darkians at agad ko silang pinutulan ng ulo at pinagsaksak ko sila ng paulit-ulit nakita ko naman si Demi ng may kalaban na isang darkians at ng makahanap na siya ng pagkakataon ay agad siyang naglaho sa gilid ng isang darkians at pinutulan niya ito ng ulo. Smirk sobrang advantage talaga kapag nakakapaglaho ka. Kaming mga royalties lang kasi ang may kakayahang maglaho except kina ate Sophia kung bibigyan sila ng basbas ng mahal na dyosa ay pwede na silang makapaglaho.



END OF CHAPTER 55.





📍 PLEASE SUPPORT MY STORY AND DO VOTE AND ALSO DON'T FORGET TO SHARE YOUR THOUGHTS OR FEEDBACKS ON THE COMMENT SECTION. THANK YOU!



Author: Renz_Noen

THE MAFIA GAY REINCARNATED TO A WEAK GAY PRINCE ( ONGOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon