Chapter Sais

97 3 0
                                    


Dale's POV:


I woke up dahil sa sunod sunod na tunog ng phone ko, istorbo sa tulog sino ba to?

Inis na kinuha ko ang phone ko at mabilis na sinagot.

"Who the hell are you to disturb my peaceful sleep". Pero wala nagsalita sa kabilang linya, chenick ko ang caller at nakitang kong si Alex, kumunot ang noo ko ng magsalita si Alex.

"Ahm-sorry to disturb your peaceful sleep JD, pero si Miss Mourenar yung kaninang may hawak ng phone. Matatapos na kase angklase sa kanya, hindi ka rin-". Hindi ko na pinatapos si Alex sa mga sinasabi niya at agad na pinatay ang tawagpara tumakbo sa cr.

Mga 5mins lang akong naligo at patakbo akong pumunta sa kotse ko, lagot ako neto. Halos 30mins nalang bago matapos ang klase namin sa kanila. Oo sinabi kong iinisin ko siya pero hindi naman ganito.

Halos maging the flash ako sa pagpapatakbo ng sasakyan ko, mabilis akong nakarating sa parking lot at di na inayos ang sarili, 20 mins nalang tapos na subject niya. Lagot talaga ako neto.

Hingal na hingal akong kumatok sa room namin. Hindi ko din alam kong anong irreason ko sa kanya lalot siya pala yung tumawag kanina. Grabeng umaga to kahihiyan agad.

I knock 4 times, at hindi padin ako pinagbubuksan.

Kasalan kase ng lips niya to eh masyadong matamis di tuloy ako nakatulog. 2mins nalang at hindi niya talaga ako pinapasok, naghintay analang ako dito sa labas, para humingi ng pasensya sa kanya. Kahit kase nasa labas ako rinig ko mga pampaparinig niya sakin, pati nadin ang titigniya tagos sa buto.

Naunang lumabas si Alex kasunod neto si Aston, na parang wala din sa sarili nila ang dalawang to.

They looked at me, na parang naghihingi ng sorry, pero wala naman silang kasalanan, kaya sinuklian ko nalang ng ngiti to assure them na okay lang. It's my fault after all, ay si Miss pala may kasalanan.

Syempre na shocked ulit sila, this is the first time na bigyan ko sila ng ngiti.

Magsasalita na sana ako ng rawagin ako ni Miss sa sobrang napakalamig na boses, parang manginginig ka na paglingon mo pala.

"Miss Jayd Dale Pasderin, come inside". Shit, buong pangalan kabadong bente akong pumasok, medyo nanginginig din ang kamay ko. Hindi din ako makatingin sa kanya ng diretso at nakayuko lang na lumapit sa kanya.

Takot na kung takot pero, bibigyan ko ng 1B who will dare to stare at her.

I'm in front of her table, nakayuko padin ako dahil ayokong salubungin ang tingin, ramdam ko din ang tingin neto para akong napapaso. Bigla etong nagsalita, kaya parang nagulat ako.

"Care to explain your attitude earlier, hmmm"?. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa tono niya ngayon kung kakabahan ba or kung ano.

"Ahm- A-ano p-po k-kase Miss-". I was cut off by her, nakayuko padin kase ako at hindi ko alam itsura niya ngayon.

"Eyes up here Dale, I'm talking to you". Parang biglang lumambing boses niya. Unti-unti kong inangat ang tingin ko, na scam ako mga besh ang sama ng tingin sakin as in sobra, sobra pa sa sobra. Dapat di na ako na ako nag angat ng tingin. Alam niya kahinaan ko, kainis.

"Now, talk to me. Explain everything, maybe I could give you a chance". Sasabihin ko ba ang totoo, bahala na  nga.

"I w-wasn't a-able t-to sleep properly, b-because of the k-kiss po and sorry for cursing at you nong tumawag po kayo I thought it was Alex, ". Kanda utal at mabilis kong sabi habang hindi mapakaling tumitingin sa labas.

"I said eyes on me, only to me Dale". Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng bigla etong lumapit para ibulong yun. Hindi maproseso ng utak ko ang ginawa ni Miss. Hindi pa nga ako nakakaget over ng magsalita eto ulit.

Unforgettable Risk Once We SharedWhere stories live. Discover now