Chapter Catorce

54 0 0
                                    



Dale's POV:

Mabilis din natapos ang klase namin, napagalitan pa kaming tatlo dahil pinapagalitan ko sila dahil sa pagsasabi nila kay Dad about sa alam niyo na.

Pagkaalis na pagkaalis ng prof namin ay binatukan ko sila ng tig isa para makabawi naman.

"Ang sakit naman, grabe ka na dika na nga sumasabay samin. Tapos mambabatok ka pa kala mo di kaibigan ah". Sabay nilang sabi. Oo nga pala kaibigan ko padin sila kahit sila ang nagsisilbing bantay ko.

"Porket lumalovelife ka na, dimo na kami pinapansin". Gatong naman ni Aston sa sinabi ni Alex.

"Tss, stop it. Akala niyo nakalimutan ko na na kayo nagsabi kay Dad". Sabay irap sa mga to.

"Sorry na uwu". Tila nandiri pa ako sa ginawa ni Alex. Kakatiktok niya yan eh.

"But seriously we're happy for you kaya nakwento namin kay Tito, tsaka dami mo na kayang pinagbago". Napatingin naman ako ng may pagtataka sa kanila.

"What do you mean?". Naiilang naman na sumagot si Aston.

"Look at you, hindi ka naman masayahin dati, dimo din kami kinakausap unless work rekated, tapos eto pa ngumingiti ka na, mas malala nanlilibre ka na". Hindi ba ako ganun dati?

"Hindi!". Malakas at sabay nilang sabi, para akong nabingin sa boses ni Alex na nangingibabaw. Pero kung totoo man sinasabi nila. Malaki talaga impact sakin ni Miss.

"Sino ba kase yang nagpapangiti sayo. Ipakilala mo samin para makilatis namin". Umiling nalang ako sa kakulitan ni Alex.

"Tara na umuwi na tayo, kain nalang tayo sa resto. Para manahimik yang bibig ni Alex". Umirap naman eto sakin at padabog na kinuha ang bag.

Pagkalabas naman ay sakto naman nasalubong namin ang tatlong Prof.

"Hi Jayd". Eto naman ang unang bati ni Miss Alixia

"You're here darling". Si Miss Ano, nakalimutan ko naman niya

Tapos ang isa naman ay masamang nakatingin sakin.

Siniko naman ako ni Aston kaya mabilis kaming bumati din sa kanila.

"Hello peofessor's". sabay saby namins sabi, para all in na.

Lumapit naman si Alex sakin saka may binulong.

"Alam mo kung nakakamatay lang ang tingin kanina ka pa nakahandusay jan". Sabay nguso sa harap ko, nakakunot ang noo kong tumingin sa harap. Si Antartica pala ang sinabi niya. Oh bakit na naman pala nakatingin ng masama sakin to wala naman akong ginagaw.

Tinignan ko naman si Aston at sumenyas, kaya alam kong alam na niya ang gagawin.

"Excuse us professor's we have some errands pa po". Galing talaga ni Uno.

Sabay sabay na kaming naglakad, at pagkatapat ko kay Miss ay may binulong pa eto.

"Flirt!". Hindi nalang ako kumibo at nagoatuliy sa paglalakad.

"Mukhang alam ko na kung sino ang bumihag sa puso ng kaibigan natin". Napatingin naman ako kay Alex na sumisipol pa habang nakapamulsa.

"What?"

"Okay, kunwari hindi ko nakita ang titigan niyo ni Miss Mourenar kanina, kulang nalang hilain ka niya sa sobrang selos sa dalawa". Muling nalukot ang noo ko sa sininabi niya.

"Sinasabi mo? Selos who? Siya that's impossible". Feeling ko defensive ako sa sagutan ko.

"Lokohin mo lilang mo, bat defensive ka?". Sabi na eh napansin din niya.

"You know what, let's just go". Ngumisi nalang ang dalawa ng nakakaloko bago maglakad.





Nang makarating kami sa parking lot ay nag kanya kanya na kaming sakay ng sasakyan, sinabihan ko nadin naman sila kung saan kakain.

Makaraan ang halos 30mins ay halos sabay saby lang din kaming nakarating, medyo  malayo kase to sa school at isa pa masarap tumambay dito napaka peaceful.

Pumasok nadin kami at napili naming umupo sa sulok para hindi masyading matao, makakapag usap din kami ng maayos. Pag kaupo namin ay siya naman pahdating ng waiter para bigyan kami ng menu.

Halos 25mins din kaming naghintay bago maserve ang food.

Nag start nadin akong kumain, dahil gutom na ako. Nakakapagod din mag aral. Si Aston ay tahimik lang na kumakain, si Alex naman ay ninanamnam ang pagkain niya ng pasta. Akala mo hindi pikain ng isang linggo.

Nag angat eto ng tingin at ngumiti pa sakin.

"Sana maging kayo na ni Miss Mourenar para araw araw libre". Napalingon lingo naman ako sa paligid to check kung may makarinig.

"Shut up will you, baka may makarinig sayo". Napasign naman eto na parang zinizipper ang bibig.

"Yan kase daldal ka ng daldal dika nalang kumain"

"Kausap ka ba?"

"Mama mo kausap"

At bago pa sila magbangayan ng sobra ay umawat na ako.

"We're in front of food guys, gusto niyo ulit ng batok?". Nanahimik naman ang dalawa sa sinabi ko.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang naging mabigat ang paligid. Alam kong naramdaman din nila iyan, sabay sabay kaming napatingin sa pinto kung saan bumukas.

Nakita namin ang dalawang taong pumasok sa pinto na seryosong nag uusap. Si Miss at hindi ko kilala ang gorilyang kasama niya.

"Jealousy, jealousy". Tila kumakantang pang aasar ni Alex sakin.

"Shut up". Namumuro na to sakin ngayong araw.

Pinagmamasdan ko lang sila sa bawat kilos nila, si gorilya kong makahawak kay Miss wagas, ng dumako ang tingin ni Miss sakin ay parang nagulat pa eto pero mabilis ding nawala at siya na ang nag iwas ng tingin.

Iba ang pakiramdam ko sa kasama niya, mukha silang close kung titignan mo.

Napagpasiyahan ko nalang na umalis na kami dahil baka kung ano pang magawa ko pag nag stay pa kami dito.

"Let's go". Walang gana at malamig kong sabi.

Nagulat naman si Alex sa sinabi ko at napatayo eto bigla si Aston naman ay chill lang.

Nagalakad lang kami ng diretso na tila hindi namin sila nakita at madadaan. Pagkalabas namin ng pinto ay nagpakawala ako ng malalim na hininga.

"Lalim ah, hayaan mo na yun baka kaibigan lang". Oo nga baka kaibigan lang, pero bat maypahawak kase ang gprikya na yun. Tsk

Sumakay na kami sa sasakyan namin, ihahatid daw nila ako para safe. Sows kala mo talaga magkakalayo. Ang totoo niya ay pareho lang kami ng flr ng condo, medyo malayo lang sila ng kunti para hindi halata.

Nang malapit na kami sa condo ay nauna na ako, simple lang ang gamit nilang sasakyan pero mamahalin ang kay Alex ay (Honda Civic type R) kay Aston naman ay (Camry latest). Simple lang naman kung bakit ganun para hindi halat, pero kung tutuusin magaganda ang collection ng mga to ng sasakyan.

Pumasok na ako sa elevator at nakasunod naman sakin ang dalawa.

Pag karating sa floor namin ay nagsipasok na kami sa sariling naming unit.

Pabagsak ako umupo sa sofa dahil nadin sa pagod at sa nakita kong kaganapan kanina. Hindi padin kase mawala sa isip kong kung pano hawakan ng gorilya na yun si Miss.

Pero bago yun, kailangan kong alamin kong sino siya, iba talaga ang pakiramdam ko sa kanya.

Hindi nagtagal ay pumasok nadin sa kwarto ko para maglinis ng katawan at makapagpahinga.



A/N: Please vote my story po. Abangan niyo din susunod na chapter, medyo exciting na. Please bear with me, hindi po ako professional writer.

Unforgettable Risk Once We SharedWhere stories live. Discover now