04 JEALOUS

51 3 0
                                    

"nakakapagtaka, ilang taon na bago pa naging mayor si Sir Villanueva pero ngayon ko lang nalaman na may anak siya." sabi ng isa sa mga kasama sa team na naga-asikaso sa kaso ni papa.


"Baka anak-anakan lang, pero dati marami na akong natatanggap na chismis na may anak talaga siya, itinago lang baka daw kase gawing target ng mga kaaway sa politika ng mayor."


"Pero halos magde-dekada na bago mapalitan ang mayor, bakit ngayon lang napa-kita ang anak niya?" tanong ng isa pa sa mga kasamahan.


"Hay jusko ang iingay niyo!" sigaw ni Nicolas " mas mabuti pa't mag-focus nalang kayo diyan sa mga hawak niyong papel, tandaan niyo dalawa ang hawak natin at magkaka-dikit pa." dagdag niya at dumiretso sa kinau-upuan ko.


"Hi Amara, 'di ko alam kung mahilig ka sa kape o milktea, kaya dinalhan kita parehas."


"Ay salamat, nag-abala kapa." sagot ko at kinuha ang milktea, nag-kape na kase ako kanina bago umalis kaya iyon nalang ang kinuha ko.


"Matanong nga pala, busy kaba ngayong weekend?" pasi-simula niya.


HIndi ko nasagot ka-agad ang tanong niya ng may biglang pumasok, it was Judge Haves, naka-white t-shirt siya at black trousers habang bitbit ang blazer at long sleeve niya.


"Hello?" sabi ni Nicolas


"h- ha?" saad ko, "sorry, pwedeng pa-repeat ng tanong?"


"free kaba ngayong weeken-

"Ms. Amara, can i talk to you.....in private?" singit ni Judge Haves na naka-upo sa 'di kalayuan sa'min ni Nicolas.


"Ah, mamaya nalang Amara, message me nang kung busy ka o hindi, bye." Tumayo si Nicolas at tumingin kay Judge Haves, but he was just serious sa ginagawa niya.


"Ano 'yon attorn-

"magda-date ka?" saad niya ng 'di pa ako pinatapos.


"Ah eh, i don't know, mukhang busy ako ngayon sa cafe at sa school eh, bakit po."

"Nothing." He coldly said.


nag-usap kami tungkol sa mga bagong nahanap na evidence sa case, kasama na rin dito ang mga willing mag witness para sa paparating na trial.


"Amara, nilalamig na yung milktea mo. HIndi mo ba iinumin?" tanong niya.


"Bawal ako sa milk eh, kinuha ko nalang baka kase sumama ang loob ni Nico."

"Ah, i see."


Ano meron sa kaniya ngayon? Kaka-iba kumilos, mukhang stress din dahil sa init.

Ilang oras ang nakalipas, umalis na ako sa office dahil di-diretso pa ako sa school, nakasalubong ko si Lyca na papasok din sa room, sa mukha niya ay mukhang stess na stress din.


"Dapat online class nalang eh, putcha ang init, hindi pa ako nakaka-alis sa bahay pero lusaw na agad make-up ko." reklamo niya habang nagpapapaygamit ang folder.

Help Me Attorney Haves Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon