Chapter 1 "Crossroads: The Decision to Return"

13 0 0
                                    


"Ang galing"

Papuri sa akin ni Glen habang naglalakad kami sa hallway

"Kung nakita mo lang sana mukha ni Hannah kanina, mukhang magpapalamon na sa lupa"

Dagdag nya pa habang natatawa.

"Nakita ko yun" I chuckled.

Siniko nya ako "Sus, medyo kinabahan ka nga kanina eh"

"Siraulo, medyo lang" I laughed..

Natawa rin sya at bumaba kami ng hadgan.

"Pero totoo nga sila? Sure ka? Mas maniniwala siguro ako kung mismong mga mata ko ang nakakita"

Hindi ako umimik. Naniniwala ako. Dahil kinuha ng nilalang na iyon ang lahat lahat sa akin. Kitang kita ng mga mata ko.

"Hoy, nakikinig ka ba?" Napatigil kami sa paglalakad.

"Oo na, naniniwala na ako basta" sagot ko na lang para matapos na agad at lumabas na nga kami ng gate..

Nagpaalam na kami sa isat isa at nakita ko ang pagkaway ni tatay Manuel sa akin.

Nakangiti akong nilapitan siya
"Tatay! Nanalo ako sa debate!" Patalon talon na saad ko habang sya ay nakangiti naman..

"Talaga? Sabi na nga ba galing galing ng alaga ko" na eexcite rin siya at hinaplos ako sa buhok..

"Oh siya tara na, at kanina pa tayo hinihintay ng nanay mo, nagluto siya ng paborito mong pancit"

Napatango lang ako habang nakangiti..













"Oh edi ikaw na ang makikicompete sa ibang school anak" saad ni nanay Sabel at nilagyan ng kanin ang pinggan ko.

"Opo nanay, kung nandoon lang po sana kayo sigurado maamaze kayo sa galing ko" pagmamayabang ko pa..

Napangiti naman silang mag asawa..

"Naku, kahit naman hindi namin napanood debate niyo kanina ay makakapanood pa naman din kami sa competesyon, saan ba gaganapin yan anak?" Tanong ni tatay Manuel..

Napakagat labi ako, hindi lanh talaga 50 points yung habol ko doon kundi sa lugar na pupuntahan ko.

"Sa Cagayan po Tay" sagot ko habang nakatutok lang sa pinggan ko..

Natahimik silang dalawa. Alam nilang gustong gusto kong bumalik doon pero ayaw nila akong payagan kase nga daw sa delikado at baka maulit ulit yung nangyari 8 years ago..












"Pero nakabalik na kayo doon maam? Pinayagan ka rin nila?" Tanong nung isang staff, natawa lang ako at tumingin sa relo ko..

"Oh tapos na break oh, Back to work na" natatawang saad ko..

"Si maam talaga pabitin"

"Hay nako magtrabaho na" dagdag ko pa at nagfocus sa laptop ko..

Kelangan ko pang tapusin tong news report na ginagawa ko...

And yes I am an Editorial News Manager 25 years old, single, not married not taken..














Nakaupo ako sa may likuran ng sasakyan habang nakatingin sa labas ng bintana.

Napahinga ako ng malalim, alam kong labag sa loob nila nanay at tatay ang samahan ako papuntang Cagayan dahil alam nilang delekado doon para sa akin

Diwato: The Mountains Spirit. Where stories live. Discover now