"Ano kamo?" Napaupo si tatay at napasandal ang kanyang mga kamay sa mga tuhod niya.I rolled my eyes sa enkantong ito, ano ba iniiisip niya at sinabi niya iyon?
"Hindi pa magaling ang mga sugat niya, doc. Kitang kita niyo naman sa mukha at braso nya hindi ba? Tapos sasabihin mo na aayain niyo syang mamasyal ng ilang araw? Aba doc baka nakakalimutan niyo na doctor kayo ng mga hayop, hindi tao. May magagawa ba kayo para alagaan ang anak namin astaka--"
"Mahal tama na iyan, nakakahiya kay doc, at isa pa mukhang hindi naman masama na mamasyal sa cece lalo na't sa tingin ko mas makakabuti pa iyon sa kanya para mabaling ang atensyon nya sa iba kesa naman sa manatili siya dito at magbalik balik sa bundok na iyon" opinion ni nanay..
Napa-side eye ako sa katabi ko.
Ano na? Ano susunod mong sasabihin?
"Malapit ko po na kakilala ang ina niyo sir, kilala po ako ng nanay niyo, kami ni Cece ay naging mag kaibigan magmula ng ILIGTAS ko siya at mapulot sa gubat na iyon, wala po akong ibang intensyon oh masamang gagawin sa anak niyo kundi mamasyal lamang" sagot niya at ang mukha nya napakaseryoso
Nagkunot ang noo ko, napakagaling magsinungaling.
"Oh ikaw" patukoy sa akin ni tatay. "Ano sa tingin mo anak? Hindi ka na umimik diyan, okay lang ba sayo na sasama ka sa lalaking ito? Ano?"
Napaayos ako ng buhok at napalunok.
"Y-yes po tatay, this past few days po parang feeling ko sobrang stress ko. Parang kelangan ko po mag unwind" pilit akong napangiti.Napahimas sa mukha si tatay "Kayong dalawa lang? Hindi ba't parang itatanan mo ang anak namin"
"Tay!" Sigaw ko dahil sa hiya.
Natawa naman si Lola habang may bitbit na meryenda papunta dito sa sala
"Payagan mo na sila, kilala ko ang Doctor na iyan" tinignan kami ni Lola.
"Magmula bata ay nasaksihan ko na ang paglaki ni Doctor Jang Uk"
Napangiti ako kase alam ko namn na mas matanda itong engkanto na ito kesa kay lola
"Kaya makakaasa ka na hindi mapapahamak si Cece, hayaan mo kahit maging isang buwan pa ang pagbabakasyon oh pamamasyal nila ang mahalaga ay maging masaya si Cece at nacocontact parin" dagdag ni lola..
Tinignan kami ni tatay bago tumayo, hindi siya nagsalita at nakatingin lang siya sa amin pagkatapos ay lumabas ng bahay..
"Hayy" bulong ko sa hangin.
Lumapit sa akin si Nanay "hayaan mo na muna ang tatay mo, mag iisip pa iyon"
Napalingon si Nanay sa katabi ko "Kumain na ba kayo? Mag meryenda muna tayo, tara kain na muna" pag aaya ni nanay.
Bahagya kong sinulyapan si engkanto ng umupo ito sa tabi ni lola at nagsubo ng bibingka.
Parang wala talagang emosyon sa mukha niya, may pinag-dadaanan kaya siya?
✨✨✨
"Hindi ko tatanggapin iyan!" Itinapon ng matanda ang isang kontrata na inilapag ni Jang Uk sa mesa nito.
"Kung sa tingin mo hahayaan kitang panandaliang talikuran ang trabaho mo nagkakamali ka! Hindi ka aalis!" Dagdag ng masungit na matandang babae.
"Ano! Magiging sunod sunod sunuran ka na naman sa isang babae! Baka nakakalimutan mo ang nangyari ilang dekada na ang nakakaraan! Hindi ka parin nadadala!"
Napahinga lang si Jang Uk at pinulot ang kontrata na tumilapon sa sahig, kalaunan ay sinunog niya ito gamit ang apoy na lumabas sa palad niya.
"Nagpunta ako dito hindi bilang apo niyo Kundi bilang dating Pinuno na namuno sa Rimmat Alimbukad dito sa Norte, ngayon kong hindi niyo reresputuhin ang mga desisyon ko ngayon ay wala pang saysay para magpa alam sa inyo. May mga bagay akong gustong gawin dahil kapag hindi ko nagawa ay pag sisihan ko na naman" napayuko siya at naglakad papalapit sa matandang naka upo.
YOU ARE READING
Diwato: The Mountains Spirit.
FanfictionCeline lost her parents 15 years ago after their hiking in the suspicious Mountain. She is 10 years old back then and almost forgot what happened in that day. The rescuers said that maybe her parents is already dead but she dont want to believe it...