Chapter 5: What is Mount Rimmat Alimbukad"

6 0 0
                                    

Alimbukad: full bloom
Dangkang: engkanto with madaming fingers

Rimmat: kinang Sparkle
Rimmat Alimbukad: Sparkle Full bloom

                          ✨✨✨
"Ang tigas kase ng ulo mo!!"

Nakayuko lang ako habang pinapakinggan ang mga sermon ni tatay sa akin..

"Alam mo naman.." umupo ito

"Alam mo naman kung gaano kadelikado ang bundok na iyon! Pinuntahan mo parin!"

Hindi lang ako umimik, kasalanan ko naman talaga, kung di ako nagpilit na pumunta doon ay hindi ako magaganito..

Nagkaroon ako ng mga pasa sa ulo at sugat sa mga kamay.

Naaalala ko ang lahat, lahat ng nangyari sa gubat na iyon. Pero ang hindi ko maaalala ay kung bakit nagkaroon ako ng mga pasa at sugat sa katawan?..

"Asan yung doctor?" Bigla kong tanong

"Nakikinig ka ba?" Galit na tanong ni tatay..

Napatango ako "Oo tay, nakikinig ako kaya sorry na po dahil pinag alala ko kayo hindi ko na po uulitin, pero asan po ang doctor yung naghatid sakin dito?"

"Sinong doctor?, Hindi doctor naghatid sayo dito yung boksingero doon sa kabilang bayan, ang sabi nya nakita ka daw nyang nakahiga sa may paanan ng bundok Rimmat Alimbukad sa mismong gate, maraming sugat at walang malay.. Ano bang ginagawa mo doon anak?" Saad ni nanay sa akin at hinaplos ako..

H-hindi si engkanto naghatid sa akin? Nakahiga ako sa paanan ng bundok? Papaano nangyari iyon??

Sa iniisip kong iyan ay mas lalo akong napaisip sa pangalan ng bundok na sinabi ni nanay..

"Rimmat Alimbukad, nay? Iyon ang pangalan ng bundok?" Takang tanong ko..

Nagsitinginan silang mag-asawa saka tumingin sila kay lola..

"Magpahinga ka na lang muna apo ha? Ikukuwento ko sa iyo ang historya ng bundok na iyon" inalalayan niya akong humiga..

Magpahinga ka na lang muna. Thats right Cece, ipahinga mo muna sarili mo

Hindi na lang ako umimik at tumagilid ng higa, pero naririnig ko parin ang mga mabibigat na hininga ni tatay. Alam kong galit parin siya kaya kakausapin ko na lang siya kapag okay na ang pakiramdam niya, total wala rin pa naman akong lakas ngayon para magsalita pa..

Narinig ko ang mga yapak nila palabas ng pinto at sinira nila ito ng dahan dahan..

Napahinga ako ng malalim at napapikit sobrang bigat ng katawan ko..










Bigla akong naalimpungatan at madaling araw na..
Napakunot ang noo ko ng mahagilap ko ang bulto ng taong nakatayo sa may bintana ko.

Kumurap kurap ako at kilala ko ang nagmamay ari ng likod na iyon..

Its him..

"Musta pakiramdam mo?" Mahina na tanong nya pero sobrang lamig ng boses nya..

Napaupo ako mula sa pagkakahiga..
"Okay na ako, ikaw ba may gawa ng mga pasa at sugat ko?"

"Yeah"

"Hindi din ikaw yung naghatid sa akin dito, diba?"

"Yeah"

"Bakit?" Tanong ko..

Hinarap niya ako at naglakad papalapit saakin kalaunan ay umupo sa kama malapit sa tabi ko..

"Kase magtataka na sila kung bakit nahimatay ka na naman, kung bakit ako na naman ang maghahatid sayo dito."

Hinaplos nya ang mga pasa sa ulo ko at sugat ko sa braso..

Diwato: The Mountains Spirit. Where stories live. Discover now