Chapter 10: The dream trap

10 1 4
                                    

    ✨✨✨

Napahawak ako sa leeg ko habang naglalakad kami ni nasudi. Mali ata ako ng higa kagabi..

Hindi ko alam kung saan kami papunta, basta ginising ako ng mga katulong ng sobrang aga. Ni hindi pa nga ako nakapag toothbrush.

Paano nga pala ako magtotoothbrush wala naman silang sipilyo dito.

Napaamoy ako sa hininga ko, hindi naman sobrang panis ng amoy dahil kumain naman ako ng mansanas kanina..

"Kumusta nga pala tulog mo?"

Napatingin ako sa kanya. "Uhm, okay lang"

"Okay lang?" Takang tanong nya.

Ohh hindi nga pala nila alam ang okay sa panahon na ito.

"Ibig kung sabihin, maayos naman. Maayos" pag uulit ko pa.

Napangiti lang sya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Habang naglalakad kami ay kitang kita ko ang histura ng mga nasunog na mga bahay mga kabayong patay na nilalangaw at ina agnas na. Nangangamoy narin ito.

"Hindi niyo ba lilinisin ang mga patay na hayop? Nangangamoy na kase" Ani ko.

"Hindi mo ba naalala? Hinahayaan natin ang mga patay na hayop para magsilbing pataba sa lupa at pagkain ng iba hayop." Sagot nya..

Ang harsh naman. Yung aso nga ng kaibigan ko dati iniyakan ko kase namatay kahit hindi ko naman inaalagaan yung aso. Nakakaawa lang kase talaga..

"Maruja" pagtawag nya sa akin..

Maruja na naman. Kamukhang kamukha ko ba talaga sya?

"Hmm?" Tanging sagot ko.

"Kahit kailan ba, naging special sayo yung kasal natin?"

Napatigil ako sa paglalakad at ganoon din siya. Humarap siya ng buo sa akin.

Paano ko ba yan sasagutin eh hindi ko nga alam ang buong nangyari. Hindi naman ako siya.

"Pasensya na, hindi ko maalala---"

Napahawak sya sa kamay ko at hinaplos iyon. "Naiintindihan ko. Kakabalik mo palang mula sa pagkabuhay kaya huwag ka na munang mag isip isip ng kung ano ano"

Nakangiting sabi niya sa akin..

Bakit ba ang gwapo niya..

Ibinaba nya ang kamay naming dalawa at pinag dikit ito at iginaya ako para ipagpatuloy ang paglalakad

Naka holding hands kami ngayon.. napahawak ako sa pisngi ko dahil nag iinit na ito. Hindi ko alam kung bakit. Kinikilig ba ako?..







Nang matapos kaming maglakad ay pumasok na kami sa loob ng palasyo para magpahinga. Morning routine lang pala ni Nasudi iyon. Dahil maganda daw sa kalusugan ang paglalakad tuwing umaga..

Wow healthy.

Pumasok ulit ako sa kwarto at naglibot libot. Napakadaming libro talaga kwarto ba ito ni Maruja?.

Napatingin ako sa pinto ng biglang may kumatok.

"Pasok"

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang batang babae na naka kamisino ng kulay asul na kasuotan.

Ang cute nya naman, may dala itong mga damit.

"Kamahalan pinapasabi po pala ng Hari na magpalit daw po kayo ng damit para daw po sa isang piging mamaya" inilapag nya ang mga damit sa kama.

Napangiti ako at sinenysan ko siyang lumapit. Pero ayaw nyang lumapit.

Bakit?

"Huwag ka matakot, hindi kita sasaktan"
Saad ko.

Diwato: The Mountains Spirit. Where stories live. Discover now