"Okay, good bye... See you again after lunch" saad ko at nag leave na sa google meeting..Narinig ko naman ang busina sa labas, napangiti ako, its Jacob
Dali dali ako tumayo at sumilip sa labas at nakita ko syang nagsasalamin sa kotse nya..
"Sus, di na magbabago hitsura mo!" Sigaw ko, napalingon naman sya at nginitian lang ako..
Kaagad ko naman kinuha yung bag ko..
At nag ayos ng kunti sa salamin..Pero bago pa ako lumabas ng kwarto ay tinext ko muna si Engkanto.
Hey, its me Cece meet up tayo sa entrance ng bundok doon sa may lumang gate, around 4 pm? You good? Pareply na lang..
Nang matapos kong matype ay kaagad kong sinend iyon sa kanya at nagsapatos na..
Nakasalubong ko si tatay sa may pintuan dahil akmang kakatukin nya ito nang bigla ko itong buksan.
"Tay"
"Oh saan ka pupunta? Pinapatawag ka ng lola mo meryenda daw" nameywang sya..
"May lakad ka ba?" Takang tanong nya at tumayo sa gilid ng pinto..
"Ahh" napahinga ako..
"Ano tay, si Jacob po? Yung kaibigan ko? Kilala niyo naman po sya diba? Nag aya po kase sya mag lunch sa labas, hehe" napangiti ako..
Nagkunot ang noo ni Tatay..
"M-magpapaalam naman ako Tay kaso nandito ka naman na po hehe"
Awkward..
"Ano oras ka uuwi" tanong nya..
"After lunch din po kase po may meeting po ulit ako online then lalabas din po ulit ako sa hapon" pilit akong ngumiti...
Ang tanda ko na pero nahihirapan parin akong mag-paalam kapag mamasyal ako..
"Hmmm" tanging lumabas sa bibig nya..
"Saan ka pupunta ng hapon?" Tanong nya ulit..
Napakamot ako sa ulo, hindi ko pwedeng sabihin na pupunta ulit ako sa bundok na iyon dahil for sure pipigilan lang nya ako..
"Ahh" napabuga ako ng hangin.
"S-sa sa isa ko rin pong kaibigan Tatay... Dinner daw po kami tapos skyranch" pagsisinungaling ko..
Sana naman aprobado na..
"Sino yun?" Tanong na naman nya..
"Tay hindi niyo po kilala pero promise po mabait po yun hehe, sige po tay una na po ako babye" saad ko habang bumaba ng hagdan..
"Pero anak-----oh sya mag ingat ka" pahabol na sabi nya...
"Opo! Babye po!" Pahabol ko rin na saad..
Nang makalabas ako ay nakita ko si Jacob na nakapameywang habang nakatingin sa akin..
"Wow ha, di porket sinabi kong susunduin kita eh pa special ka na naman.. Bilisan mo ang init init" reklamo nya pa..
"Daming reklamo, kaya ka single eh" sabat ko pa at kusa ng binuksan ang pinto ng sasakyan nya at sumunod din sya..
"Nagsalita yung di sigle" sagot naman sya at nag seatbelt sya..
"Bahala ka dyan kung dika mag seatbelt ha" dagdag nya pa..
Inirapan ko lang sya at nagsimula na syang mag maneho..
Napadaan kami sa bayan at nakita ko na naman ulit ang mga bahay bahay, mga centro ng lugar na ito, mga mini store ng hamburger, mga nagbebenta ng fishball, mga trycicle driver na nagkwekwentuhan at ang mga matatandang babae na nagbebenta sa paanan ng palengke..
YOU ARE READING
Diwato: The Mountains Spirit.
FanfictionCeline lost her parents 15 years ago after their hiking in the suspicious Mountain. She is 10 years old back then and almost forgot what happened in that day. The rescuers said that maybe her parents is already dead but she dont want to believe it...