Chapter 11: I will wait for you

1 0 0
                                    

✨✨✨

Habang masaya si Celine na kapiling ang mga magulang nya sa panaginip ay napagdesisyunan ni Uk na puntahan ang sinasabing itim na babaylan na syang salarin kung bakit nalagay si Celine sa panaginip.

Hindi nya matiis na hindi ito harapin dahil dati palang ay perwisyo na ito sa bundok at sa mga mamamayan.

Ilang itim na babaylan na ang napatay nya at napaalis sa bundok na ito pero ang mga iba ay bumabalik at naghahasik parin ng lagim.

Nang makita nya ang kubo na hinahanap nya ay marahas nyang sinipa ang isang maliit na pintuan

Nagulanta naman ang itim na babaylan at hinarap ang pangahas na pumasok sa bahay nya..

"Pangahas ka!" Sigaw ng matanda at sinugod si Uk, inilabas nito ang matutulis nyang ngipin at mga kuko..

Umilag naman si Uk dahilan para mabangga ang matanda sa pader..

Nilinis ni Uk ang balikat nya at nilingon ang matanda...

"Hindi ka na diyos, ano pa ang ginagawa mo sa bundok na ito" nag ngingit ngit sa galit na tanong ng matanda..

Napangisi naman sya. "Mali ka, hindi naman ako bumitaw, sa katunayan ay hindi pa tuluyang bumitaw sa tungkulin si Lawag sa panahon na ito" nagkibit balikat lang sya..

"Sa katunayan ay nasa Silangan sya ngayon nagbabakasyon" panukoy nya sa sarili niya sa panahon na ito.

Totoo naman, magmula ng mamatay si Maruja ay nilisan nya ang bundok na ito at tumira sa Silangan kasama ang tiyahin nya na Ina ni Bam, ang pinsan nya.

Malapit naman sila dati sa isa't isa kaso naging mailap ang asawa ng tiyahin nya kaya sya umalis din matapos ang ilang taon.

Pinanlisikan sya ng mata ng matanda..
"Bumalik ka na sa panahon mo!!"

Tinignan nya ito ng matalim at napatawa
"Hindi ka nga taga rito"

Posibleng taga kasalukuyan ang babaylang ito, dahil hindi nya naman ito sasabihin kung hindi ito nang galing doon. At hindi nya gagamitin ang magulang ni Celine laban kay Celine..

Inilabas nya ang espada nya na, at nag apoy ito..

Napaatras ang matanda at sinubukan pang tumakas kaso sa lakas ng kapangyarihan ni Uk ay kusang nagsara lahat ng pinto at binatana ng kubo dahilan para magkulong sila sa loob..

Naging kulay ginto ang mata ni Uk habang nangiti
"Hindi ka ba kinikilig na kasama mo sa kubo na ito ang isang tulad ko?"

Pinanlisikan sya ng matanda at sumugod ito sa kanya..

Puno ng hiyaw ang maririnig mo sa kubo, basagan ng gamit at kaluskos ng espada..

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas si Uk at nilinis ang kanyang damit pagkatapos ay tuluyang lumayo at sinunog ang kubo na iyon..

At doon mo huling maririnig ang sigaw ng itim na babaylan.

Naglakad sya paalis sa kubo na iyon at sinunog ang buong lugar na kung saan sakop ng itim na mahika. Alam nyang madami pang mga naninirahan na mga masasamang babaylan doon dahil nararamdaman nya ito at kitang kita nya ang mga itom na usok na bumabalot rito..

Naglakad sya sa kakahuyan dahil gusto na nyang bumalik sa mansyon, upang tignan ulit si Celine ngunit baka pa man sya makalayo ay nakasalubong nya si Nasudi habang nakasakay sa kabayo...

Napataas naman ng kilay si Uk at pinaikot ang mga mata nya na kitang kita mo na iritable sya..

"Bakit ka bumalik, eh wala kang kwenta" bumaba si Nasudi mula sa kabayo nya at matapang na hinarap si Uk.

Diwato: The Mountains Spirit. Where stories live. Discover now