Chapter 9: 4 death of Alimbukad

11 1 3
                                    

Nakasakay ako sa isang kabayo at pinagmamasdan ko ang nasa paligid ko.

Napakagulo at sunog na mga bahay at mga kahoy ang nakikita ko.

Ano ang nangyari dito?

"Maayos ka ba?" Rinig ko sabi sa akin ng lalakinv ito. Nakasakay pala kami sa iisang kabayo nasa likuran ko siya.

"Ano ang nangyari dito?" Natanong ko dahil sa pagtataka

"Hindi mo ba naaalala? Nagkaroon ng gyera dito, Norte at silangan. Dahil sa itim na usok na nagkokontrol sa pag-iisip ng mga tao. Nagkadamay damay na ang lahat" panimula nya.

Usok na itim?

Bigla kong naalala ang kwento ni Uk sa akin, tungkol sa gyerang naganap dahil sa mga salot.

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang isang matandang babe na puno ng sugat at nakitingin lamang sa akin na parang kilalang kilala nya ako.

Napaiwas na lamang ako ng tingin at tumimgin ng diretso sa dinaraanan namin.

"Patay na ang bundok na ito, magmula ng masira ang baryo na ito, nasira narin ang buhay ng bundok na ito, ang Alimbukad"  dagdag nya pa..

Hindi na lamang ako umimik.

nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang napakalaking palasyo..

May palasyo sa bundok na ito?! Pero bakit wala ito sa historya ng Norte?...

"Andito na tayo." Saad nya at bumaba. Pagkatapos ay inalalayan nya rin ako.

Iginaya nya ako papasok sa loob ng palasyo at lahat ng mga tao doon ay nagsiluhod at iginalang kami.

"Magbigay pugay sa Hari at Hara ng Alimbukad"

"Magbigay pugay!"

Sabay sabay na sabi ng mga tao sa loob at lumuhod sa harap namin..

Hindi ko maintindihan bakit Hara, ako?..

Sa kabila ng pagtataka ay nakikita ko rin ang mga ibat ibang chismisan ng mga babae sa gilid na para bang ako ang pinag-uusapan nila.

Iginaya ako ng lalaking ito sa isang kwartong parang isang bahay na ang laki.
"Magpahinga ka na, alam kong malayo ang nilakbay mo dahil naglakbay ka mula langit pabalik sa akin" hinaplos nya ang buhok ko.

Agad akong nag-iwas dahil sa hindi naman ako sanay na ginaganito ako lalo at kamukha sya ni Jacob.

Napangiti lang sya sa akin.
"Naiintindihan ko"

"Ano nga ba ang pangalan mo?" Tanong ko.

Nagkunot naman ang noo nya kalaunan ay sinagot nya rin ito "Ako si Nasudi mahal ko."

Nasudi? Sa tingin ko ay isa itong salita ng ilocano na ibigsabihin ay kilala..

"At ako ang Hari ng Alimbukad, papalagpasin ko ang kalapastanganan mo dahil sa hindi mo ako kilala kundi dahil ikaw ay kakabalik lamang at alam kong may mga bagay na nangyari kung kayat hindi mo ako makilala, magpahinga ka na at tatawagin na lang kita kapag tayo ay kakain na" pagpapaalam nya at umalis sya kasama ang mga bantay nya.

Agad agad akong pumasok sa loob at kitang kita ko ang kalaki ng kwarto na ito. 

Napatingin ako sa kama at nakita ko ang roba na kulay pula na may kulay itim.

"What kind of belongings is this?" Saad ko at hinawakam ito. "Iwww"

Wala akong choice kundi gamitin ang damit na ito at nag ayos na ako. Humarap ako sa isang salamin.

Diwato: The Mountains Spirit. Where stories live. Discover now