Chapter 8: Magic Well

10 0 2
                                    

"Matagal ka na sa bundok na ito hindi ba?" Tanong ko.

Napatango naman sya habang nakacross arms.

"May kilala ka bang nailibing doon?"

Nakita ko sa mga mata nya ang pagkagulat at tila ba natigilan siya. Hindi sya nagsalita kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon para ituloy ang kwento ko.

"Tumakbo ka!"

"Rinig kong utos mo sa akin kaya agad agad akong tumakbo. Meron may part sa akin na ayaw kitang iwan pero anong magagawa ko, alam ko namang makapangyarihan ka rin, alam kong kaya mong protektahan ang sarili mo.. "

"Kaya agad agad akong tumakbo, hindi ko rin pa sinubukang lumingon dahil napuno ako ng takot.."

"Nakalayo layo na ako ng takbo that time, hindi ko rin alam ang nangyari ang huling naalala ko lang ay natisod ako at nasubsob ako sa may damuhan."

"Sinubukan kong ibangon ang ulo ko nang mahagilap ng mga mata ko ang isang puntod sa bundok at nakita ko ang isang armas, ang mga palaso.."

"Hindi ko alam kung kaninong puntod iyon dahil iba ang mga letra na nakasulat sa may lapidang kahoy.. "

Napatingin ako sa kanya at taim tim lang syang nakatingin at nakikinig sa akin..

✨✨✨

Itunuloy ni Celine ang pagkwekwento nya.
"Pagkatapos ay parang may kung anong hangin ang bumulong sa tenga ko, tapos hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari"

Sambit nya, hindi na nya alam ang mga nangyari sa kanya dahil kusa ng gumalaw ang katawan nya ng wala sya tamang pag-iisip na para bang nag ibang tao sya. Na para bang may ibang kumukontrol sa kanya.

"Tapos kagabi yung panaginip ko, n-nakita ko" tila na nanginig ang boses nya noong naalala nya yung mga panagip nya

"Na-nakita ko yung sarili kong kalaban ka ha-habang nakasuot ako ng lumang kasuotan, h-hindi ko alam kung anong century iyon nanakita din kita yung hitsura mo noon ibang iba sa nga-yon tatapos sinaksak kita h-hindi ko alam, tapos sabi ko daw uulitin ko rin yung g-ginawa ko, U-uk alam mo ba iyon?" Napatingin sya kay Uk na parang nag-hahanap ito ng kasagutan sa mga nalaman nya..

Ngunit si Uk ay naka cross arms lang at nakatingin sa kanya ng seryoso...

"Uk"..

"Walang ibig sabihin yun."

"Ha?" Takang tanong ng dalaga

"Yung mga panaginip mo walang ibig sabihin, yung nangyari sayo sa gubat kasalanan ko iyon, noong natumba ka sa puntod na sinasabi mo doon mo nakuha yung saksak mo doon ka nawalan ng malay" saad ng binata.

"Ano ba iyang sinasabi mo? Kitang kita ko nasaksak ako noong naglalaban kayo--"

"Hindi nga totoo iyon!" Pinag taasan ng binata ng boses si Celine.. Nanlaki naman ang mga mata ni Celine sa gulat

"You've experienced so much hallucinations! Anong naglalaban? walang nangyaring ganoon, naglakbay tayo yun lang yun and natisod ka kaya ka nawalan ng malay at nasaksak" tumayo ito..

"Stop talking nonsense, Celine" dagdag nya pa..

Naiwan namang gulat na gulat si Celine dahil sa inasal ng binata ngayon. Ngayon nya lang nakitang magalit ang binatang iyon.. Hindi nya akalain na pagtataasan sya nito ng boses..

Pero imbes na umiyak sya ay mas lalo nyang pina nindigan ang mga panaginip nya at mga nalaman nya..

"Your actions really speak louder than words, may mga bagay kang tinatago sa akin na ayaw mong sabihin"

Diwato: The Mountains Spirit. Where stories live. Discover now