Chapter 7: Don't leave me again

7 0 0
                                    

Napadilat ako at tumambad sa mukha ko ang liwanag ng araw nang gagaling sa may bintana malapit sa kwarto ko.

Dahan dahan akong napaunat at napahawak sa ulo ko.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko kagabi...

"Akalain mo iyon, the former god of this mountain is with me, kasa kasama ko. Kaya pala" marahas akong napa upo sa kama ko.

"Kaya pala lagi nyang natatalo yung mga engkantong umaatake sa akin kase makapangyarihan siya. Gosh" napahawak ako sa ulo "Bakit hindi ko kaagad naisip iyon.?"

"Kahit kailan hindi naging tama pumatay ng tao"

Bigla kong naalala ang karagdagang impormasyon na sinabi niya kagabi.

Sa sinabi niyang iyon hindi na ako nagsalita pa.

Dahil katulad ng kwento ni lola, napagtanto ko na ang babaeng nakalaban ni Diwato na nag ngangalang Maruja at ang babaeng Heneral na tinutukoy ni Jang Uk kagabi na napatay ng diyos ng bundok na ito ay iisa...

Nagulanta ako ng marahas na bumukas ang pinto at iniluwa nito si Uk..

"Ano? Sitting princess? Magready kana, we're leaving"

Kaagad nya ring isinara ang pinto pagkatapos niya sabihin ang mga iyon.

I rolled my eyes "makapagsalita kala mo gwapo.." natigilan ako.. "Gwapo naman talaga sya, what ever"

Agad akong dumiretso sa banyo para maligo..

✨✨✨

Taimtim na pinagmamasdan ni Cece ang likuran ni Uk habang sila ay naglalakbay sa gubat. Sobrang napakalaki at napakalawak ng gubat na ito.

Wala syang ideya kung saan sila pupunta, basta ang lagi nya lang inaalala ay yung paghanap sa mga magulang niya.

Nakarating sila sa isang patag na lugar na kung saan may mga puno ng pine tree at walang damo sa kanilang kinatatayuan.

"Lets just stop here for a while" Uk

"Nice!" Agad syang napaupo at hinilot nya ang kanyang mga paa. Kanina pa kase mamimilipit sa sakit ang tuhod niya, nangyayari talaga ito sa tuwing naglalakbay sya oh maglakad ng napakalayo.

She had a weak bones.

"Hindi ka ba uupo?" Tanong nya kay Uk.

"Kapag umupo ako baka wala na akong balak na tumayo" sagot nito.

"Tskk"

"Asan na ba tayo?"

Napatingin si Uk sa kanya. "Nasa kapatagan tayo ng mga baboy ramo"

Nanlaki ang mga mata nya "h-ha?! B-baboy ramo?" Kaagad syang napatayo at isiniksik ang sarili niya kay Uk..

"A-asan? Baka may sumulpot dito bigla!"
Takot na saad nya at panay ang siksik nya sa tabi ni Uk..

Hinawakn siya ni Uk sa magkabilang braso at iniharap ito sa kanya "Untill now? You're scared of baboy ramo?"

Napataas sya ng kilay "wow ha?? Parang hindi delikado ang mga baboy ramo, excuse sabi nila nangangain daw iyon ng tao, teka nga" nameywang sya.

"Ngayon ko lang napansin napaka englishero mo parang di ka naman lumaki dito ah!"

Inilapit ni Uk ang mukha nya sa kanya at ilang inches na lang ay magkakadikit na ang kanilang mga mukha.

"I live my life in centuries, I live my life in different countries and cities, what do you expect?" Madiin na sabi nya sa kanya at tinitigan ang mga mata nito.

Diwato: The Mountains Spirit. Where stories live. Discover now