CHAPTER ONE
“FOR HE can see that even wise men die.”
Kasunod ng first sprinkle ng abo ng yumaong si Don Amante Davila sa San Joaquin River ay inihagis ni Candice ang hawak na puting bulaklak.
“Au revoir, Lolo...till we meet again.”
Sinimulang kantahin ng mga naiwan ng yumao ang paborito nitong awit na “Somewhere.”
Mahigit sa dalawampung tao ang nakapuwesto malapit sa cliff. Mula roon ay tanaw ang ilog. Sa hanging bridge, naroroon ang pari at mga kapamilya ng namatay.
Naglaro sa isip ni Candice ang masasayang alaala ng kanyang abuelo. “Someday, somewhere, we’ll find a new way of living. We’ll find a way of forgiving...somewhere.” Awtomatikong namutawi sa kanyang bibig ang lyrics ng kanta habang tumutulo ang kanyang luha.
Ngayong ibinubudbod na ang abo ng kanyang lolo, saka niya na-realize na labis niya itong mami-miss sa buhay niya. And that she had lost him forever. Labing-apat na taon na ang nakararaan nang umalis siya ng San Joaquin kasama ng kanyang half sister na Canadian. Since then, she had never come back to visit her grandfather dahil sa tampo niya sa kanyang ama nang muli itong mag-asawa.
She was twelve at that time.
Divorcée ang mommy niya na isang Canadian nurse. May isang anak ito sa una nitong asawa. Ang daddy niya, si Dr. Benedicto Davila, ay medical student noon sa Quebec. Nang makapagtapos ito, nagpakasal ang dalawa roon.
At nang maipanganak siya ay nagpasya ang mga itong sa Pilipinas na mamirmihan. Dalawa lang na magkapatid ang kanyang daddy at Tita Elsie, na isa ring manggagamot. Nag-expand ang San Joaquin Community Hospital na pag-aari nila nang magtulong ang magkapatid sa pamamalakad niyon.
On her twelfth year, namatay sa breast cancer ang kanyang mommy. Just eight months later, isiniwalat sa kanya ng ama ang tungkol sa plano nitong pagpapakasal sa high school sweetheart na matagal na ring biyuda. Noon siya nagpasyang bumalik sa birthplace niya.
Agad niyang kinontak si Caroline, who was eight years her senior, and a dance performer in the capital city, Ottawa. Nakatira ito malapit sa kanilang apartment sa Quebec. Bago muling ikinasal ang kanyang ama, dumating si Caroline sa San Joaquin upang sunduin siya.
Caroline had always liked to travel at hindi pa ito nakararating sa Pilipinas kaya sinamantala ang pagkakataong bisitahin siya. Her half sister could have been accused of kidnapping, although her dad never did. Isinama siya nito sa Maynila at inayos ang kanyang papeles upang makabalik sa Canada. Hindi naman iyon naging mahirap dahil doon siya isinilang.
Isinekreto nila iyon sa daddy niya, ayon na rin sa kahilingan niya. Sa Maynila, nagpadala si Candice ng telegrama sa kanyang Lolo Amante, nagsasaad na lilipad na siya patungong Ottawa kasama si Caroline. She never came back since then.
Mula nang magkaayos silang mag-ama sa telepono noong labing-anim na taong gulang na siya ay naging regular ang pagdalaw nito sa kanya sa Canada, provided hindi nito isasama ang stepmother niya o kahit alinman sa mga kapatid niya sa ama.
She had two, sina Rachel at JR. She never cared to see or know anything about them. Nang mga panahong iyon kasi, naging abala na si Candice sa kanyang ballet career. She had been dancing since she was four, at ang impluwensiya ni Caroline ang siyang nagtulak sa kanya sa career na iyon.
“Hold my hand and we’re halfway there. Hold my hand and I’ll take you there. Somehow...someday...somewhere...”
Sa pagtatapos ng awitin, nagmulat siya ng mga mata. Kinuha niya ang kanyang corsage mula sa pagkakaaspile niyon sa kanyang puting bestida, saka inihagis sa ilog.
YOU ARE READING
Dearly Beloved by Camilla
General FictionDEARLY BELOVED by Camilla Published by Precious Pages Corporation "Hindi ko alam ang chances ng pag-ibig ko sa 'yo. But damn, ayokong habambuhay na sisihin ang sarili ko for letting you go without having even tried." ©️Camilla and Precious Pages Cor...