Chapter Five

771 13 0
                                    

CHAPTER FIVE

NANG bumalik si Ambet, nasira nang tuluyan ang mood ni Candice. Paanong hindi, eh, kasama nito si Therese na seksing-seksi sa suot na maong shorts at pulang body-­hugging spaghetti-­strapped blouse.

The woman sure stole the show from her. Kung puwede lang sana na magsuot siya ng tutu at mag-­ballet sa harap ng mga kasama para lang mag-­create ng impresyon ay ginawa na niya. Ang kaso ay wala siyang dala ni isang tutu. Ang mayroon siya roon ay iyong mga ginamit niya noong maliit pa siya. Ang pinakamaliit pa nga ay nakakuwadro at naka-display sa visitor’s lodge. Ideya iyon ng mommy niya noong nabubuhay pa ito.

Sa passenger seat nakapuwesto si Therese. “Hi, Candice. Sama ako sa inyo ng mga bata, ha?”

Pilit siyang ngumiti upang huwag naman siyang lumabas na mal-­edukada. “No problem. Mabuti ngayon, dalawa tayong sasaway sa kanila.” Hmp, akala yata’y may balak akong agawin ang boyfriend niya.

Binuo ni Candice sa isip ang imahen ng French-­Canadian suitor niya na isa ring ballet dancer, si Bertrand. He had ash-­blond hair and blue-­green eyes. Kasintangkad din ito ni Ambet. Di hamak namang mas may dating si Bertrand kaysa rito, kumbinsi niya sa isip.

May dalawang taon na rin silang magkasama ni Bertrand. Matagal na itong nagpapalipad-­hangin pero lately lang itong pormal na nanligaw. Nang mga panahong iyon kasi, may boyfriend pa si Candice na nagmula sa isang ultraconservative, traditional Chinese family. Si Michael pa lamang ang nagiging nobyo niya. Hindi iyon nagtagal dahil hindi siya gusto ng mga magulang nito. Isa pa, balak yatang magpari ng loko.

In short, boring ang first experience ni Candice sa pakikipagrelasyon sa opposite sex. Nabaitan lang siya kay Michael, and she doubted now if she had ever been in love with him.

“Naku, tatlong bata ang ibe-babysit natin,” nakatawang sabi ni Therese. “Mas makulit pa itong si Ambet kaysa sa dalawang iyan.”

Napatingin si Candice sa puwesto ni Ambet, sa driver’s seat. Nakatingin ito sa kanya, hindi kababasahan ng anumang emosyon ang mukha. Hindi pa nakakapagbawi ng tingin si Candice ay nagsuot na ito ng shades at nagbaling ng tingin. True to Therese’s words, mas malikot pa si Ambet kina JR at Rachel. Pero ito ang nagpasaya sa picnic na iyon.

Mababa na ang araw nang makabalik sila sa villa. Pagod na pagod ang bawat isa maliban kay Candice na hindi naman masyadong naki-­join. Na-­out of place kasi siya. Ang iingay ng apat, lalo na kapag may private jokes na pinagtatawanan. Nanahimik na lamang siya at pinagkasya ang sarili sa pagmamasid sa mga ito. Dumeretso si Candice sa kuwarto sa attic at nagdahilang masakit ang ulo, just to skip dinner—especially because Ambet and Therese would be joining. Ayaw niyang makita ang sweetness ng mga ito.

PAGKATAPOS magtanghalian kinasabaduhan, sama-­sama nang nagtungo sa library ang mga Davila para dinggin ang last will and testament ni Don Amante. Nagulat si Candice nang mapunang kasunod ng kanyang ama si Ambet sa pagpasok sa library.

Binalingan niya si Lisa. “Lis, what is he doing here?”

Nagkibit-­balikat ito. “He had a summons, too.”

Duda pa rin si Candice ngunit nanahimik na lamang at pumili ng kumportableng puwesto. Magkatabi sila ni Lisa sa isang couch.

“Are you ready?” nakangiting tanong ni Atty. Lastimoso, ang personal lawyer ni Don Amante.

Nang magsipagtanguan ang mga naroroon, nagsimula na ito.

NATITIGILAN pa rin si Candice sa pagkakahalumbaba sa asotea. Mag-­iisang linggo na ang nakalilipas mula nang basahin ang huling habilin ni Don Amante, pero hindi pa rin siya makapaniwala.

Dearly Beloved by CamillaWhere stories live. Discover now